HAIDE'S POV..... NAGISING AKO dahil sa amoy ng masarap na pagkain na naaamoy ko. Bigla din akong nakaramdam ng gutom dahil sa napakabangong amoy nito. Hindi ko alam kung panaginip ito, o totoo dahil alam kong wala akong kasama dito sa Penthouse. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata, upang makita ko kung saan nanggagaling ang amoy na iyon. Ang natatandaan ko ay iniwan akong mag-isa ng mga tauhan ni Mayor kagabi. Kinausap pa nga ako ni She kagabi, bago siya tuluyang umalis. Maayos siyang nagpaalam sa akin, at napaka dami rin niyang bilin sa akin bago niya ako iwanan. Kaya ngayon ay sigurado akong mag-isa na ako dito sa Penthouse ni Mayor. Pero bakit may naamoy akong pagkain? Ah, baka sa kapitbahay. Dikit-dikit nga pala ang mga Unit, kaya siguradong magkakarinigan ng ingay at maaamoy

