MASAYANG magkayakap sina Mayor Cody at Haide, matapos nilang mag-usap at magkapaliwanagan, tungkol sa mga bagay na dahilan kung bakit umalis si Haide noon. "Mayor, sorry kung umalis ako sa Penthouse na hindi muna kita kinausap. Nagpadalos-dalos ako ng desisyon, dahil sa pagseselos ko." paghingi ng paumanhin ni Haide. Mahina lang ang pagkakasabi niya, ngunit malinaw na malinaw naman na narinig iyon ni Mayor. "No, Babe, don't say sorry. May pagkukulang din ako sa 'yo, kaya nagawa mo 'yon. Sorry din, kasi hindi kita ipinakilala agad sa Mommy ko. Sorry, kasi hindi kita ipinaglaban at mas pinili kong itinago ka sa lahat ng tao sa paligid ko, dahil sa pag-aakala ko na iyon ang ikabubuti ng lahat." malumanay na sabi sa kanya ni Mayor. Tumango lang si Haide, bilang tugon kay Mayor Cody. Niya

