HINDI MAIPINTA ang mukha ni Mayor Cody, dahil sa ginawang pagkatok ng ama ni Haide sa pinto ng kanilang kuwarto. Mabilis naman siyang itinulak ng asawa, dahil nahihiya itong makita sila ng ama sa ganon na ayos. Kahit mag-asawa sila at legal ang kanilang kasal ay ayaw pa rin niyang may makakita sa kanila ni Mayor sa kakatwang ayos. Binalot ni Haide ang sarili sa makapal na kumot at halos magtalukbong siya sa takot. Si Mayor Cody naman ay mabilis na tumayo at muling pinulot ang kanyang boxer at isinuot ito, bago niya binuksan ang pinto. Maliit na awang lang ang binuksan niya, tama lang na makita niya ang nasa labas. "Magandang gabi, Pa, may kailangan po kayo?" tanong ni Mayor sa casual na tono. Pilit niyang kinakalma ang sarili, kahit inis na inis siya, dahil sa pagkabitin. "Cody, ah!

