Chapter 4 – Takot At Pag-aalala

1524 Words
Lahat ng pangamba at pag-aalala ay bumalik kay Layla, ang takot na kanyang pinipigilan sa kanyang puso ay nakawala na nang tuluyan. "A-ano?" Tila bigla siyang nanghina. Lumapit s'ya at sinunggaban ang damit ng asawa. "Ulitin mo nga ang sinabi mo.......m-may babae ka? May babae ka nga?" Hinawakan at pinigilan ni Fernan ang kamay ni Layla dahil tila gusto na nitong sirain ang kanyang damit. "Mahal, magpapaliwanag ako. Makinig ka muna." "Magpapaliwanag ka? At ano naman ang ipapaliwanag mo? Gusto mo pa pang lumusot kahit bistado ka na?" Sinimulan ni layla ang galit na paghampas hampas sa asawa. "Paano mo nagawa ito, Fernan? sabi ko na nga ba. Yung hindi mo pagsagot sa mga tawag ko at ang hindi mo pag-uwi dito......kaya naman pala, yun pala ay may babae ka nang kinakalantari sa Maynila! Hayop ka! Paano mo nagawa sa kin ito!" Hinuli ni fernan ang mga kamay ng asawa na patuloy sa p*******t sa kanya. "Layla, h-hindi ito katulad ng iniisip mo, hayaan mo muna akong magpaliwanag, ano ba? Kumalma ka nga muna." "Mama, papa?" Tawag ng bunso nilang si Lyndon sa labas ng nakasarang pinto. Tila naulinigan ng bata ang pagkakagulo sa loob ng kwarto. Saka lang kumalma si layla. Kahit galit na galit s'ya sa mga oras na iyon ay hindi pa rin n'ya gustong maapektuhan ang mga anak nila sa nangyayari sa kanilang mag-asawa. "Sige, magpaliwanag ka. Kapag hindi mo ako binigyan ng maayos na sagot tungkol sa pagtataksil mo sa akin, sinasabi ko sayo Fernan....." Pigil at pabulong na wika ni Layla habang nakatiim ang kanyang bagang. Pinipigilan din n'ya ang sarili sa panginginig sa galit. "Alam mo ba kung bakit nakakapagpadala na ako nang malaki sa inyo? Yun ay dahil kay monica." Walang patumpik-tumpik na paliwanag ni Fernan. "Monica? Iyan ba ang pangalan ng kerida mo? At ano naman ang kinalaman ng malanding babae na yan sa mga ipinapadala mo sa amin?" "Shhh..... Mahal, hinaan mo lang ang boses mo. Baka isipin ng mga bata nag-aaway tayo." Ani Fernan dahil bahagya na namang lumalakas ang boses ng asawa. "Ang kapal ng mukha mong tawagin akong mahal, e pinagtaksilan mo na nga ako!" "Ano ba? Hinaan mo lang sabi ang boses mo e. Saka, hindi naman talaga kita pinagtaksilan, nagmumukha lang ganun, pero hindi naman talaga ganun yun." "Ano? Anong hindi naman ganun, e anong tawag mo sa ginawa mo?" "Ganito kasi yun........ Bale... ano...." "Ano?" May bakas ng pagka-inip sa boses ni Layla, tila gusto na rin niyang sumabog sa galit. "Bakit ba hindi mo ko magawang diretsuhin? O baka naman lumulusot ka lang?" "Hindi! Totoo ang sinasabi ko...." Nalamutak ni Fernan ang kanyang mukha. Makikita ang magkahalong hiya at pagkailang dito. "Ang totoo....... para kumita ako ng malaki ay..... s-sineserbisyuhan ko si monica, ang amo ko." Nagitla si Layla. "A-amo mo? Yung monica na yun ang amo mo? yung nagbigay sa akin ng mga branded na mga damit at ang nagbigay sayo ng sideline?" "Oo. At ang sideline na tinatrabaho ko ay ang....." Nag-iwas muna ng tingin sa asawa si Fernan. "Ang p-pasayahin s'ya." "Pasayahin? A-ano?" Tila nag blanko ang pang-unawa ni Layla. "Ano ba? Hindi mo pa rin ba maintindihan? Kailangan ko pa bang ipaliwanag sayo? Alam mo na siguro kung ano ang ibig kong sabihin. Yung ano...... yung....yung ginagawa ng babae at lalaki–aray!" Napasigaw na lang si Fernan nang bigla siyang hampasin nang malakas ng asawa. "Walanghiya ka Fernan! Pinatos mo ang amo? Nakikipagrelasyon ka sa kanya, ganun ba?!" Sa pagkakataong iyon ay hindi na nakontrol pa ni Layla ang kanyang boses. "Hindi! H-hindi ganun!" Niyakap ni Fernan si Layla dahil nagsisimula na naman ito sa pag-atake sa kanya. "Wala kaming relasyon...... K-katawan ko lang naman ang kailangan n'ya e, saka wala naman kaming feelings para sa isa't-isa." "Wala kayong relasyon, pero nagse-s** kayo? Paano kung ma-develop kayo sa isa't-isa, paano kung bigla kayong magkaroon ng feelings para sa isa't-isa, paano na ako? Paano na kami ng mga anak mo? Fernan, naisip mo ba yun bago mo pasukin yan, ha?" Sa mga oras na iyon ay tuluyan nang umiyak si Layla, bumagsak ito sa mga bisig ng asawa. "Sorry mahal. Pinasok ko lang naman ito para sa pamilya natin e. Hindi ba, sawa ka na na palagi tayong kinakapos? Ni hindi mo mabili ang pangangailangan ng mga bata. Palagi tayong lubog sa utang." Iniharap ni Fernan si Layla sa kanya. "Alam kong masakit, pero–" "Talagang masakit! At iyon, ang nararamdaman ko ngayon! Alam mo Fernan, kahit anong sabihin mo, kahit sabihin mo na ginagamit mo lang s'ya para magkapera tayo, hindi mo maiaalis na meron ka pa ring relasyon sa kanya, kahit sabihin mo na pisikal lang yun." "Alam ko, pero....... mahal, nandito na ito e. Nasimulan ko na. Saka, ang laki naman ng pakinabang natin kay monica, hindi ba? Tingnan mo, nagkakapera ako nang malaki sa kanya at naipapadala ko sa inyo ng mga bata. Kapag nakaipon na tayo nang malaki, maipapaayos na rin natin itong bahay, maipapagawa na rin natin yung second floor, mabibili mo na rin yung mga gamit na gusto mo para dito sa bahay." Pinunasan ni Layla ang kanyang mga luha. "Ano ngayon ang gusto mong sabihin?" "Gusto ko sanang....ituloy-tuloy ang–" "Ano?" Dumilim ang mukha ni Layla. "Gusto mong ituloy ang pakikipagl@mpung@n sa babaeng yun?" "Layla, pakiusap....." "Hindi!" Tumayo si Layla at lumayo sa asawa. "Fernan, alam mo ba kung ano yang gusto mong mangyari? Hindi ako papayag na may kahati ako sa'yo!" "Hindi naman s'ya makikihati sayo sa akin e, kailangan ko lang siyang paligayahin at hanggang doon lang kami. Malinaw yun sa aming dalawa. Palagi lang kasing wala ang asawa n'ya kaya malungkot siya–" "Wala akong pakialam! Bakit, wala ba siyang mahanap na iba? Bakit yung may asawa pa ang kailangan niyang kalantariin? Basta Fernan, gusto kong umalis ka na sa trabaho mong yan!" "Layla naman, nakikiusap na nga ako sayo e." Tila nagsisimula nang maubos ang pasensya ni Fernan. "Kung aalis ako, tingin mo ba ay makakapagpadala pa ako ng malaki sa inyo? Akala mo ba ay ganun pa rin kalaki ang maipapadala ko sa inyo kapag lumipat ako ng trabaho? Isipin mo na lang sana ang mga anak natin. Nakikita mo ba kung gaano sila kasaya ngayong naibibigay na natin sa kanila ang mga pangangailangan at ang mga gusto nila? Tingin mo ba ay makakaipon tayo sa maliit na sinasahod ko?" Hinawakan ni Fernan sa magkabilang balikat ang asawa at kinausap ito nang masinsinan. "Pakiusap mahal, magtiis-tiis ka na lang muna. Kapag nakaipon na tayo ng sapat, titigil na 'ko. Ito na lang ang tandaan mo, ikaw ang asawa ko at ikaw ang mahal ko. Kaya nga kita pinakasalan e. Kayo ang pamilya ko at kayo ang uuwian ko." Matapos niyon ay hahalikan sana ni Fernan si Layla ngunit nag-iwas ang huli. Hindi alam ni Layla kung kaya pa ba niyang ibigay ang kanyang sarili sa asawa ngayong nalaman niyang, may ibang babae ang nagpapakasasa sa katawan nito. Hindi man n'ya masabi, ngunit nandidiri s'ya. Hindi nagustuhan ni Fernan ang ginawang pag-iwas ng asawa. Inisip na lang n'ya na baka hindi pa nito matanggap ang lahat ng nalaman nito kaya hinayaan na lang muna n'ya ito. Ngunit sa pagdaan ng tatlo pang araw buhat nang umuwi s'ya ay naging malamig na si layla sa kanya. Nadismaya nang husto si Fernan kaya naisipan niyang bumalik na lang sa Maynila. "Bakit nag-iimpake ka, babalik ka na?" Pagtataka ni Layla pagpasok n'ya ng kwarto. "Oo." Nakatalikod na sagot ni Fernan. "Pero ang sabi mo, isang linggo ka dito a. Nakaka tatlong araw ka palang." "Ganun din naman e, kung mananatili pa ako dito, lalo ko lang mararamdaman ang pagkasuya mo sa akin. Akala mo ba hindi ko nararamdaman na para kang nandidiri sa akin?" "Bakit, kasalanan ko ba? Akala mo ba madali lang sa akin na tanggapin ang lahat?" "O, kaya nga aalis na lang ako." Iziniper ni fernan ang bag at binitbit, papunta na sana ito sa pinto ng harangin ito ni Layla. "Bakit ba hindi mo na lang ako tapatin, kaya ka atat bumalik ng Maynila dahil nami-miss mo na ang pakikip@gl@mpung@n sa amo mo, hindi ba?" Sumama ang mukha ni Fernan. "Ano bang sinasabi mo diyan? puwede ba layla, huwag mo nga akong simulan. Kung anu-ano ang sinasabi mo diyan e." At nilagpasan n'ya ang asawa. "Kung aalis ka, paano ang mga bata? Nangako ka na ipapasyal mo sila sa zoo, diba?" "Nandiyan ka naman, ikaw na lang ng magpasyal sa kanila." "Papa, aalis ka na?" Malungkot na tanong ng bunso na si Lyndon. "Sabi mo, ipapasyal mo kami?" Umiskwat si Fernan at tinapatan ang anak. "Don-Don, kailangan na kasi ni papa bumalik e. Sa susunod na lang ha. Hayaan mo, babawi ako." Habang malungkot na nakamasid ang tatlo nilang anak sa pinto ng bahay ay dire-diretso, at walang lingon-lingon na umalis si Fernan. Habang pinagmamasdan ang papalayong si Fernan ay nakaramdam ng panlalamig si Layla, nayakap na lamang n'ya ang kanyang sarili. Hindi n'ya gusto ang kanyang kutob, pakiramdam kasi n'ya, sa pag-alis ng asawa ay simula na ito ng tuluyang panlalamig at paglayo nila sa isa't-isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD