Chapter 8 – Padala

1258 Words
"Ate, ayos ka lang?" Tanong ng isang dalagita na katabi ni Layla sa bus na kanyang sinasakyan nang makitang luhaan s'ya. "Heto o." Nagmagandang-loob ito at inabutan siya ng panyo. Sa pagmamadali n'ya sa pagluwas sa maynila ay hindi na naisip pa ni Layla na magdala ng panyo. "S-salamat." Kinuha n'ya iyon ay pinunasan ang kanyang luha na tila ayaw tumigil sa pagtulo. Nabigo s'ya sa kanyang misyon, ang dahilan kung bakit s'ya lumuwas. Hindi n'ya alam kung paano s'ya nakaalis sa restaurant. Nang umalis si Fernan ay hinanap n'ya ito ngunit nang pupuntahan na n'ya ito sa locker room ng mga emplayado ay hinarangan na siya at pinakiusapan na umalis na. Hinintay ni Layla na matapos ang trabaho ng asawa sa labas, ngunit tila pinagtaguan na s'ya nito, dahil magdidilim na lang ay hindi pa rin ito lumalabas. Nalaman na lang n'ya sa mga emplayado na nakaalis na pala ito, isinabay daw ito ng kanilang amo sa sasakyan nito na nakaparada lang sa likod ng resto. Dahil hindi naman alam ni Layla kung saan tumutuloy si Fernan at dahil ayaw ding sabihin ng mga emplayado kung saan ang baracks nito ay hindi na n'ya nagawang kausapin ito. Sa palagay n'ya ay sinabihan ni monica ang mga ito na huwag magbibigay ng kahit na anong impormasyon sa kanya. Gabing-gabi na nang makauwi si Layla, pag-uwi ay gising pa ang kanyang ina dahil hinihintay nito ang kanyang pag-uwi . "O, anong nangyari sayo, bakit mugto ang mga mata mo?" Pagtataka nito. "Nay......" Muling umiyak si Layla, niyakap na lang nito ang ina. Hindi na nagtanong pa si Mila dahil nauunawaan n'ya na tila hindi naging matagumpay ang pagluwas ng kanyang anak sa Maynila. "May ginawa ba si Fernan sayo? Sinaktan ka ba n'ya?" Tanging pag-iling lang ang isinagot ni Layla dahil humihikbi ito. Nang kumalma rin sa wakas ay sinabi n'ya ang nangyari at kung paanong binalewala ng asawa ang mga sinabi n'ya. "Mukhang....... wala na talaga kaming halaga sa kanya, nay." "O, e ano na'ng balak mo?" "Nakapagdesisyon na po ako.......hihiwalayan ko na po siya, tutal, mukhang gusto naman niya ng kalayaan e. Bahala na po siyang gawin ang mga gusto n'ya." "Ganun ba? E nakahanda ka ba? Alalahanin mong, kapag ginawa mo yan ay mag-isa mo na lang bubuhayin ang mga anak n'yo.......ay teka lang, hindi pala puwede yun, dapat ay magsustento pa rin s'ya." Yumuko si Layla. "Pero ang sabi po nya ay hindi na raw po s'ya magpapadala sa amin." "Ano, sinabi n'ya iyon?" May pagkagitlang tanong ng matanda. "E baka naman dala lang ng galit kaya n'ya nasabi yun. Nag-away ba kayo?" Tumango si Layla. "O kaya. Hindi bale, hintayin mo lang 'nak. Magpapadala din yun, hindi naman ata n'ya matitiis ang mga anak n'yo." Ang hindi alam ng dalawa ay nakikinig pala noon si Lalaine sa may hagdan. Hindi pa ito natutulog dahil hinihintay din nito ang pagdating ng kanyang ina. Nalalaman kasi n'ya ang dahilan ng pag-luwas nito at gusto n'yang salubungin ang kanyang ama kung sakaling maiuwi ito ni Layla. Ngunit hindi n'ya akalaing mabibigo s'ya nang marinig ang malungkot na balitang ito. Bumalik s'ya sa kuwarto nilang magkakapatid at nahiga. Nagtalukbong s'ya ng kumot at tahimik na lang na umiyak. Nang sumunod na linggo ay hinintay ni Layla ang padala ng asawa, ngunit tila tinototoo nito ang banta. Ngunit hindi kaagad s'ya nag-isip ng negatibo na baka tuluyan na nga silang inabandona nito dahil nalalaman naman n'ya na mahal at mahalaga pa rin kay Fernan ang mga anak nila. Bilang mag-asawa ng ilang taon ay nalalaman n'ya na ang gusto lang nito ay ang magpakumbaba s'ya at s'ya ang maunang lumapit dito para makipagbati, ngunit, pagod at sawa na si Layla. Magbuhat ata nang malaman n'ya ang maruming sideline nito ay puro pag-unawa na lang ang kanyang ginawa, kahit nasasaktan s'ya sa tuwing naiisip niya na may ibang babae itong kinakatalik ay tiniis n'ya. Dahil walang padala si Fernan ay nagsimula nang magtipid si Layla. Habang kumakain ay sinabi n'ya iyon sa kanyang mga anak ngunit hindi n'ya sinabi ang dahilan. Hindi iyon maunawaan nila larence at lyndon dahil nalalaman nilang maginhawa na ang buhay nila ngayon at iba na rin ang sitwasyon nila kaysa dati, ngunit hindi si Lalaine. Habang nagliligpit ng kanilang pinagkainan ay lumapit si Lalaine at tinulungan ang ina. Nginitian ni Layla ang kanyang panganay nang makita ang pagkukusa nito, ngunit nawala ang kanyang ngiti nang bigla itong magtanong. "Mama, hindi na po ba talaga uuwi si papa? Narinig ko po ang pag-uusap n'yo ni lola. Ayaw na ba ni papa sa atin? Hindi na po ba nya tayo mahal?" "L-lalaine..... hindi ganun..." Ibinaba ni Lalaine ang hawak na plato, nang humarap ito sa ina ay namumula na ang mga mata nito. "Huwag na po kayong magsinungaling sa akin mama, malaki na po ako. Magna-nine na po ako, diba? Kaya po ba hindi s'ya umuwi nung na-ospital ako? Kaya ba, parang wala na siyang pakialam sa akin kasi ayaw na niya sa atin?" Hindi alam ni Layla kung paano ipapaliwanag ang sitwasyon. "H-hindi anak......" Tumulo ang mga luha ni Lalaine. "Hindi? E bakit hindi po siya umuuwi? Bakit naman yung papa ni Oliver, umuuwi tuwing linggo tapos namamasyal sila? Nung una, nangako s'ya kay Don-don na uuwi sa birthday n'ya, pero hindi naman s'ya umuwi. Alam ko po na ayos lang yun, pero, bakit hindi pa rin s'ya umuwi nung nagka dengue ako? Wala bang pakialam si papa kung mamatay ako?" Biglang niyakap ni Layla ang anak, umiyak na rin s'ya nang tuluyan. "Lalaine anak, kung alam mo lang......" Lumipas pa ang isang linggo ngunit hindi pa rin nagpadala si fernan. Dahil dito ay nag-alala na si mila, nakaramdam na rin ito ng galit para sa kanyang manugang. "Ano ba naman yang asawa mo, hindi ko akalaing magagawa niya kayong tiisin. Paano yan? Saan mo kukunin ang pangtustos sa pangangailangan ng mga anak n'yo? Paano ang bayarin n'yo sa kuryente at tubig? Saka may binabayaran ka na para sa edukasyon ng mga bata buwan-buwan, diba? Saan mo kukunin yun?" Tila gusto na lang sumakit ng ulo ni Layla nang maisip ang mga iyon. "Hindi ko po alam, nay." "Ano na ang gagawin mo, hindi naman ata puwede na maghihintay ka na lang diyan? Ano kaya kung tawagan mo na siya?" "Ano ho?" Lumamig ang mga mata ni Layla. "Hindi ko ho gagawin yun." "Ano ka ba naman Layla, magpa-pride ka pa rin ba, e ang pangangailangan na ng mga anak mo ang nakasalalay dito? Magparamdam ka lang, anong malay mo, baka usigin s'ya ng kunsensya n'ya." Naputol ang pag-uusap ng mag-ina nang biglang may kumatok sa labas. Nang pagbuksan ito ni layla ay ang naka kunot-noong biyenan n'yang babae ang tumambad sa kanya. Kasama nito si cia, ang bunsong kapatid na babae ni Fernan. "Nay kayo po pala, bakit ho?" "Huwag mo akong ma-bakit bakit diyan ha, nasaan na ang pera na para sa akin? Bakit wala ka pang ibinibigay?" Nagtaka nang husto si Layla dahil sa pagkakatanda n'ya ay wala naman siyang utang sa matandang ito. "P-pera? Bakit ho, may ipinatago po ba kayo?" Nagalit ang matanda sa sagot na ito ni Layla. "Huwag ka ngang pilosopo diyan! Ang padala ng anak ko ang tinutukoy ko! Nasaan ang padala ni Fernan, bakit wala kang iniaabot sa akin? Dalawang linggo na a?" Saka naunawaan ni Layla kung ano ang hinihingi ng matanda, nahimas na lamang n'ya ang kanyang noo. "Ah, yun po ba? Wala pong pera, dahil dalawang linggo na pong hindi nagpapadala ang anak n'yo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD