Chapter 7 – Paghihiwalay

1518 Words
Inabot ng sampung araw bago tuluyang gumaling si Lalaine. Pagkauwi ay kaagad nag-asikaso si Layla. "Nay, kayo na po muna ang bahala kay Lalaine, pati sa dalawa. Luluwas na po ako sa Maynila." "Anak, maging mahinahon ka lang sana. Huwag mong aawayin o iisakandaluhin ang asawa mo doon, ha?" Natigilan si layla. Ang totoo ay hindi n'ya alam kung ano ang magiging reaksyon n'ya oras na makaharap na n'ya ang asawa dahil sa dami ng atraso nito. "Sige po, nay." Sa pagkakataong ito ay sisiguraduhin na n'ya na mapapauwi na niya ito, ngunit kung magmatigas pa rin ito ay............ natigilan siya. Bagaman tila padalus-dalos ang pagdedesisyon n'ya ngunit hindi na n'ya gustong maghintay pa kay Fernan. Kaya niyang tiisin ang kakulangan nito bilang asawa, ngunit hindi ang pagpapabaya nito sa tatlo nilang anak. Habang bumibiyahe ay naipagkikiskis ni Layla ang kanyang mga kamay, hindi n'ya mawari ngunit tila kinukutuban s'ya nang hindi maganda. Magiging maayos kaya ang paghaharap nilang mag-asawa? Handa naman siyang magpakumbaba, huwag nga lang sanang sasagarin ni Fernan ang kanyang pasensya. Para sa kanya ay sapat na ang pagtitiis at pang-unawa na ibinigay n'ya para dito, kaya sa pagkakataong ito ay sila naman ang dapat unawain nito. Hindi na nagawang i-appreciate ni Layla ang pagtuntong n'ya ng Maynila. Umasta s'ya na parang hindi iyon ang unang beses na nakatapak s'ya doon, dahil para sa kanya, ay wala nang mahalaga pa sa pagluwas n'ya kung hindi ang mapauwi ang kanyang asawa. Sa pamamagitan ng address na ibinigay ni Fernan nung minsang tanungin n'ya ito kung saan ang trabaho nito sa Maynila, ay kaagad hinanap ni layla ang pinagtatrabahuhan nito. Napadpad si Layla sa isang may-kalakihang restaurant. Pagpasok ay nagtanong s'ya sa isang staff na naglilinis sa isang lamesa. Nang magpakilala s'ya at sabihing asawa siya ni Fernan ay natigilan ang lalaki. Tila may pagtataka at pagkagitla sa mga tingin nito sa kanya, ngunit makikitaan din ito na parang nakakita ito ng isang interesanteng bagay. "B-bakit, may...... problema ba?" Tanong ni Layla na may halo ding pagtataka. "Puwede mo bang sabihin sa kanya na lumabas muna s'ya sandali, o kaya ay paki sabi na nandito ang asawa n'ya?" "Um, ano kasi ma'am e...." Tumikhim muna ang lalaki. "Hindi kasi ako puwedeng pumunta doon, hindi naman kasi ako "VIP EMPLOYEE" e. At hindi din kasi ako "CLOSE" sa boss namin." Binagalan at sadyang idiniin ng lalaki ang mga salitang "VIP employee" at "Close" na nagpa-alerto sa babaeng kaharap niya. Lumamig ang mga mata ni Layla. "Bakit, nasaan ba ang asawa ko?" "Um, nasa..... Nandoon po, sa opisina ng amo naming "BABAE"" Kunwa'y nag-aalangan pang sagot ng lalaki, ngunit makikita na tila may pag-aasam ito. "Nasaan ang opisina n'yo?" Tila hindi na kailangan pang itanong ni Layla kung ano ang ginagawa ng kanyang asawa doon. Nang mga oras na iyon ay biglang nagpuyos ang kanyang damdamin. Bigla niyang nalimutan ang bilin ng kanyang ina bago siya lumuwas at tanging ang paghuli sa taksil niyang asawa ang tanging nasa isip n'ya. "Doon po ma'am." Kaagad na turo ng lalaki. "Pagdaan n'yo sa kitchen area ay madadaanan n'yo naman ang storage room. Sa gawing kanan ay may puting pinto, doon po ang opisina ng boss namin." Walang sabi-sabing nagdire-diretso si Layla sa direksyong itinuro ng lalaki. Hindi na nakapag-react ang manager na nadaanan n'ya sa bilis ng kanyang paglalakad, ni hindi na rin siya nagawang pigilan nito. Nang makita n'ya ang puting pinto na sinasabi ng lalaki ay kaagad niyang binuksan iyon. Doon ay natagpuan niya ang kanyang asawa na ilang linggo na niyang hindi nakikita, ang asawa na ilang beses na niyang pinakiusapan na umuwi sa kanila dahil kailangan ito ng kanilang mga anak. Pero ano ito? Habang sila ay nangungulila para dito, heto naman ang kanilang padre de familia na mukhang masaya naman pala sa piling ng iba. Mula sa kanyang kinatatayuan ay kitang-kita ni Layla ang pawisang si Fernan habang ganado ito sa p@gb@yo sa likuran ng isang babaeng nakasubsob sa mesa. Bagaman takip-takip ng babae ang kanyang bibig para hindi s'ya makalikha ng ingay, ngunit nakakaalpas pa rin ang mahihinang tinig ng kaligayahan. Natigilan si Fernan nang mamalayang, meron palang tao sa pinto. Napaigtad na lang s'ya sa gulat nang makita kung sino ang naroon. "L-layla?" Ang butil-butil niyang pawis ay tila lalo pang nadagdagan. Nang makita si Layla ay saglit lang na nakitaan ng pagkagitla ang babae, bago bumalik sa normal ang ekspresyon nito. Simple lang nitong hinawi ang pawis sa kanyang mukha bago bumaling kay Fernan na noo'y abala sa pag-aayos sa itim niyang pants. "Asawa mo?" Mahinang tanong niya. Napalunok muna si Fernan bago tumango bilang pagsang-ayon. Dinampot ng babae ang kanyang thong p@nty na nasa mesa at prenteng isinuot, matapos ayusin ang pula niyang palda: "Lalabas muna ako, maiwan ko muna kayong dalawa." Paalam n'ya kay Fernan. Walang lingon-lingon itong lumagpas kay layla, ni hindi n'ya ito tinapunan ng tingin. Nang makalabas na ang babae ay saka lang tila natauhan si Layla. Pumihit s'ya at handa na sanang habulin ito nang sunggaban s'ya ni Fernan. "Bitiwan mo ko! Kakalbuhin ko ang malanding babaeng yun!" "Ano? Tumigil ka nga!" Hinila ni Fernan si Layla palayo sa pinto. "Bakit ka ba nandito? Anong ginagawa mo dito sa Maynila? Kailan ka pa duma–aray!" Natigilan si Fernan sa malakas na sampal ng asawa, namula ang mukha niya sa galit. Sa kanyang pagkakatanda ay ito pa lang ata ang kauna-unahang beses na nasampal s'ya. "Ano bang problema mo, bakit mo ko sinampal?" Sa sakit ng kanyang pisngi ay halos gusto niyang gumanti kay Layla nang makita n'ya ang namumulang mga mata nito. "Huwag mong sabihing may gana ka pang umiyak diyan, e ikaw na nga ang nanakit?" "Alam mo Fernan, ngayon ay nagsisi ako........ nagsisisi talaga ako." Luhaang naibulalas ni Layla. Natigilan si Fernan. "A-no? Mahal...." Hahawakan sana niya sa magkabilang braso ang asawa ngunit nag-iwas ito. "Huwag mo akong hahawakan, nandidiri ako sayo!....... Alam mo kung ano ang pinagsisisihan ko? Nagsisisi ako dahil pinayagan ko ang kababuyan n'yo! Alam ko namang kasalanan ko din, alang-alang sa malaking halaga na ipinapadala mo sa amin at alang-alang sa mga anak natin ay tiniis ko ang selos na nararamdaman ko. Inisip ko pang tatagal ako hanggang sa makuha mo ang gusto mo, pero......... hindi pala. Nang makita ko ang ginagawa n'yo kanina, para akong natauhan. Parang may nagsabi sa akin na kahit pa para sa ikakaganda ng buhay natin ang ginagawa mo, mali pa rin yun, dahil may asawa ka!" "Mahal, kumalma ka lang." Sinunggaban ni Fernan ang braso ng asawa. "Alam kong mali ang nakita mo, kaya nga hindi mo dapat nakita yun e, nasasaktan ka tuloy. Pero, bakit ba kasi bigla ka na lang lumuwas? Hindi ka dapat nagpunta dito e." Pinanlisikan ni Layla ang asawa. "Bakit, ayaw mong maiistorbo ang p@glalampung@n n'yo ng malandi mong amo? At kahit oras ng trabaho ay ginagawa n'yo yan, ha. Napakahilig naman niyang amo mo, kung gusto n'ya pala ng laging may kaulayaw, edi sana ay nagp*k-p*k na lang s'ya!" "Shhh..... Ano ba? Baka marinig ka ni Monica." Sumulyap si Fernan sa pinto sa takot na baka marinig ng amo n'ya ang sinabi ni Layla. "Huwag mo ngang pagsalitaan nang ganyan yung tao, wala naman siyang ginagawa sayo e." Sarkastikong nagtawa si Layla. "Walang ginagawa? E unti-unti ka nga niyang inaagaw sa amin ng mga anak mo e." "Alam mong hindi totoo yan." "Totoo ang sinasabi ko, dahil yun ang mismong nangyayari sa atin ngayon!" Malakas na balik ni Layla. "Fernan, handa kong kalimutan ang lahat, pati yung nakita ko kanina, basta sumama ka na sa akin pauwi." Hindi sumagot si Fernan, tila nahihirapan itong magdesisyon. "Mamili ka......kami ng mga anak mo, o yang malandi mong amo?" Natigilan si Fernan bago bumakas ang iritasyon sa kanyang mukha. "Pinapipili mo ko? Layla naman, napag-usapan na natin ang tungkol diyan, diba? Bakit bumabalik na naman tayo?" "Kailangan na kasi nating tapusin ito, dahil napapagod na ako sa paghihintay sayo." Nagkibit-balikat lang si Fernan, tila hindi nito siniseryoso ang asawa. "Wala akong pinipili, kaya tumigil ka na. Ang mabuti pa ay doon ka na muna sa baracks ko. Magpalamig muna ka doon at magpahinga, tapos bumiyahe ka kaagad para hindi ka gabihin." "Hindi ako aalis hangga't hindi natin naaayos ang problema natin dito!" Galit na wika ni Layla nang makita ang pagbabalewala ng asawa. "Fernan, seryoso ako. Kapag hindi kami ang pinili mo, kalimutan mo na rin na meron ka pang pamilya. Kalimutan mo nang meron kang asawa't mga anak." Dito na nagalit si Fernan. "Tinatakot mo ba ako? Bakit parang nagmamalaki ka yata? Hoy Layla, Baka nakakalimutan mo na lahat ng perang hawak mo ngayon ay galing sa akin, kung hindi kayo aasa sa akin, magugutom kayo. Ni hindi n'yo magagawang bilhin ang mga pangangailangan at mga gusto n'yo, kaya bakit mo ako pinagmamalakihan nang ganyan?" Bahagyang lumambot si Layla. "Hindi ako nagmamalaki–" "Sige! Ganun pala, ha. Pero itong tatandaan mo, magmula ngayon ay hindi na ako magpapadala sayo. Tingnan ko lang kung paano mo bubuhayin mag-isa ang mga anak natin." At galit na lumabas ng opisina si Fernan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD