Chapter 10

1064 Words
Traviz POV "Dr. Shiela Villieza? Hindi ba sya yung dating OB sa CMC?" Tanong ni Phoenix. "Yeah, and according to Dr. Kim she is connected to the Peralta. I think she knows them personally at may kinalaman sila sa oag alis nina Dr. Kim sa Pilipinas. Sa pagkaka alam ko doon din sila sa University nag aral bago tayo lumioat oare pareho sa U.S." Paliwanag ko. "Sige bro ako na bahala dyan. Pero may tanong ako sayo bro. Do you like Dr. Kim? Napansin ko lang kasi na my something sa mga tingin mo sa kanya nung nasa ospital si Hera." Sabi ni Phoenix. "Sya upyung madalas kong ikwento sa iyo noon bro. Yung Car racer na laging champion sa women's division." Sabi ko. "At ang sabi mo rin siya yung anak ni Dr. Kim na kaibigan ni tito Trevor? How come that you didn't recognize her?" Sabi ni Phoenix. "Hindi ko naman kilala personally yung nanak ni Dr. Kim. At isa pa Bro Amara Kim ang alam kong pangalan niya dahil never siyang ipinakilala bilang Yoona Amara Kim." Pagdadahilan ko. "Ano balak mo ngayon, sa CMC na pala sya nagtatrabaho ngayon?" Tanong ni Phoenix. "Of course I'll grab the chance to close to her. Kya lang bro ang sabi ni dad mahirap kuhanin ang tiwala nya. Naisip ko tuloy kung may koneksyon ang si Dr. Peralta at Dr. Villieza sa pag alis nya sa bansa at pati na rin yung kawalan niya ng tiwala sa ibang tao." Sabi ko. "Malalaman natin yan bro kapag may mga nakuha na tayong information tungkol kina Dr. Villieza.. Sabi niya. "Pana bro, aalis na muna ako. Tatawagan kita kaagad kapag may balita na sa pinaiimbestigahan mo." Pagpapaalam ni Phoenix. Nang makaalis si Phoenix ay umalis na rin ako sa opisina ko dito sa Pharmaceutical company na pagmamay-ari ko. Today is Friday at bukas na gaganapin ang convention na dadaluhan namin ni Dr. Kim kaya pinuntahan ko siya para sabihin sa kanyang susunduin ko nalang siya bukas sa bahay nila. "Good afternoon, is Dr. Kim is in her office?" Tanong ko sa secretary niya. "Good afternoon Mr. Chairman, yes po nasa loob po si Dr. Kim. Sige po pasok na po kayo." Wika nito. Kumatok muna ako ng tatlong beses bago pumasok. "Good afternoon Dr. Kim." Bati ko sa kanya. "Good afternoon too Dr. Cole. How may I help you?" Magalang na tanong ko. "I just want to ask your home address para susunduin nalang kita sa bahay nyo." Sabi ko. "Dr. Cole, my address is in my CV and for sure you have the same records of all your employees in this Hospital." Wika niya. Tama nga naman, bakit ko pa nga pala tinanong. "Yeah, but I still want to confirm it to you at ang to inform you that I will fetch you at 7:00 am para hindi tayo matraffic papuntang Tagaytay. Saka para makapagpahinga rin muna tayo bago magsimula ang convention." Palusot ko nalang. 10:00 am kasi ang simula ng convention bukas na sa Tagaytay pa ang Venue. "Okay Dr. Cole. See you tomorrow then." Sagot lang niya. "Okay, see you tomorrow. I'll go ahead." Paalam ko sa kanya bago umalis sa opisina niya. Sakto naman na nagring ang cellphone ko. "Yes b pro, what's up." Bati ko kaagad kay Phoenix. "Punta ka sa agency bro. Magkita nalang tayo sa office ko." Sabi lang niya saka ibinaba ang tawag. Kaagad naman akong nagtungo sa parking lot kung nasaan ang kotse ko saka mabilis na nagdrive papunta sa office ni Phoenix. "Sakto ang dating mo bro, Here." Iniabot ni Phoenix sa akin ang isang brown envelope at kaagad ko namang binuksan iyon. Ayon sa mga impormasyon na nakuha ni Phoenix ay magkasintahan nga sina Dr. Peralta at Dr. Villieza mula pa noong high school habang girlfriend din nito ang best friend nitong si Yoon? Napatingin ako kay Phoenix dahil sa nabasa ko. "Pinagsabay nya si Amara at Dr. Villieza?" Komento ko. "Well technically pinagsabay talaga nya but the thing is si Dr. Villieza talaga ang girlfriend niya na itinago niya dahil nga ginagamit niya si Yoona oara makakuha ng mga info tungkol sa kumpanya ng pamilya Kim. Nung unti unting nasisira ang reputasyon ni Dr. Kim na daddy ni Yoona at nalulugi na ang ospital, he dumped Yoona." Kwento ni Phoenix. "Nireview ko rin ang cctv sa Cole Medical Center. Tama si Dr. Kim nagtangka ngang kumuha ng information mula sa CMC si Dr. Villieza. But unfortunately she didn't get anything dahil sa higpit ng security ng mga importanteng data ng CMC." Dagdag pa niya. "Malinaw na ngayon sa akin kung bakit hindi na siya basta basta nagtitiwala sa kahit na sino." Sabi ko. "Kahit sino naman bro kung pagtataksilan ka ng b itinuturing mong best friend at ng taong mahal mo mahihirapan ka na talagang magtiwala. Kaya kung ako sayo bro pag isipan mo na kung paano mo mapapaamo si Amara." Payo ni Phoenix. "I'll make that Mike Peralta pay for what he did to Amara." Sabi ko. "That's my man. Pero pasalamat ka pa din dahil kung di nya niloko at iniwan si Amara baka wala ka ng chance kay Amara." Sabi naman ni Phoenix. "I'm thankful that he left Amara, but I will still make him pay." Sagot ko naman. "Well good luck bro. Susuportahan kita dyan." Sabi naman ni Phoenix. "Thank you bro. Oo nga pala wag mo munang banggitin sa iba yung tungkol kay Amara." Sabi ko. "Alam mo bro kahit wala tayong sabihin sa kanila lalo kay King malalaman at malalaman nila yan. Pero syempre hihintayin ka ng mga yon mag open up sa kanila." Wika ni Phoenix. "I know. Sasabihin ko naman sa kanila kapag naturuan ko na ng leksyon si Mike Peralta at nagsimula na akong manligaw kay Amara." Sabi ko nalang. "Pano bro mauna na ako. Babalik pa kasi ako sa Ospital saka di pala ako makakalibot sa inyo bukas pupunta ako sa Tagaytay para sa isang convention." Sabi ko. "No problem bro. Sige ingat ka na lang." Sabi niya. Bumalik ako sa ospital para tapusin pa ang ilang paper works na na naiwan ko kanina. Hindi ko namalayan ang oras at alas siete na pala ng gabi. Kaagad kong inayos ang mga folder at sinara ang laptop ko at mabilis na bumaba sa basement parking. Mabilis akong nagdrive pauwi pagkasaka na pagkasakay ko sa kotse ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD