Chapter 11

1022 Words
Amara POV Maaga akong nagising at naghanda para sa pagpunta sa convention na haganapin sa Tagaytay. Gaya ng nakasanayan ko ay nagdala ako ng extrang damit. Bago mag alas siete ng umaga ay nakahanda na ako. Inabot naman sa akin ni Mila ang isang paper bag na may lamang bottled water, fresh orange juice at sandwich. "Thank you Mila." Sabi ko. "Pakilock nalang ng mabuti itong bahay kapag pumasok ka sa University ha." Bilin ko sa kanya. "Opo ate Amara." Sabi niya. Maya maya naman ay dumating na si Traviz. "Sige Mila gumayak ka na din pagkaalis ko baka malate ka pa sa pag pasok. Aalis na ako." Pagpapaalam ko sa kanya. "Sige po ingat kayo." Ani nya. Pag labas ko ng gate ay nakatayo si Traviz sa gilid ng kanyang kotse. He is wearing a three peace suit. Ibang iba ang itsura niya kumpara sa plagi niyang suot kapag nasa ospital kami. Palagi lang kasi siyang naka button down shirt na naka roll hanggang siko niya ang sleeves nito. Ako naman ay nagsuot ng beige na dress at pinatungan ng white coat, saka lang ako nagsuot ng beige stilettos. "Hi, good morning." Bati ko sa kanya. "Good morning." Balik pagbati niya saka inabot ang bag na dala ko at inilagay sa backseat ng kotse. Pagkatapos ay pinagbuksan niya ako ng pinto ngmkotse saka niya maingat ng isinara iyon ng makasakay na ako. Nang makasakay siya ng sasakyan ay nagsimula na siyang magdrive papuntang Tagaytay. Nasa highway na kami ng magsalita siya. "Mabuti nalang hindi gaanong traffic ngayon. May oras pa tayong magpahinga pagdating natin sa Tagaytay." Wika niya. "Yeah." Tanging sagot ko. Naalala ko yung paper bag na pinadala sa akin ni Mila na my lamang snacks. Kumuha ako ng isang sandwich at binuksan iyon, saka ko iniabot sa kaniya. "Here, baka hindi ka pa nag breakfast ang aga natin umalis ng Manila eh." Sabi ko. "Go on ikaw na muna kumain nagdadrive pa naman ako, mamaya nalang ako kakain.. Sabi niya. "Sige na kumain kana ako na maghahawak nito." Sabi ko. Itinapat ko sa bibig niya yung sandwich na hawak ko. Ilang minuto pa ang lumipas bago niya maubos yung sandwich niya. "What do you want to drink, orange juice or water?" Tanong ko sa kanya. "Water nalang please." Sagot niya. Kumuha ako ng bottled water at binuksan iyon bago iniabot sa kanya. "Thank you." Ani nya. Nang matapos na siyang kumain ay saka lang ako kumuha ng sandwich at orange juice. Halos mag iisang oras na rin pala kami sa byahe. "Malayo pa ba tayo sa location?" Tanong. "Malapit na. Less than half an hour nalang nasa venue na tayo. Oo nga pala nagpareserve ako ng hotelroom so you can rest before sa event." Sabi niya. "Okay." Maiikling sagot ko. Pagdating namin sa hotel ay hinatid muna niya ako sa room. "Bababa muna ako, kakausapin ko lang yung isa sa mga business partner ko dito sa Tagaytay. Babalikan nalang kita mamaya para sabay na tayong pumunta sa venue." Sabi niya. "Okay, thank you." Sabi ko saka oumasok na sa loob ng hotel room. Siya na rin ang nagsara ng pinto ng kwarto. Pagkaalis niya ay tinawagan ko si dad para ipaalam na nasa venue na ako ng convention. "Hi, dad nandito na po ako sa location ng convention." Sabi ko. "Hello my Princes. Where is Traviz?" Tanong ni dad. "Lumabas po may kakausapin yata na business partner dad. Mamaya pa naman po yung convention." Sabi ko. "Dad, is it okay if I turn down the business proposal of Peralta Pharmaceuticals? May kutob ako na gagamitin lang nila ang Seoul Medical Research Institute para malamangan at mapabagsak ang Cole Pharmaceuticals company at ang Cole Medical Center." Sabi ko kay dad. "You're right Princess that is why I ask you to handle that." Sabi ni dad. "They even send Shiela to gather some information from Cole Medical Center dad. Sya yung pinalitan kong OB-Gyn doon. I can't believe na nagawang itago ng mga Peralta ang connection nila kay Shiela." Dagdag ko pa. "We should warn Traviz about that Princess." Sabi ni dad. "I already did daddy. And I'm sure Dr. Cole is doing some investigation right now." Sabi ko. "That's good. I know Traviz won't Let them do what the Peraltas' did to us." Sabi pa ni dad. "And dad I already meet them last week. Hindi pa rin sila nagbabago, mga arogante pa rin just like before. But they can't look down at me anymore." Sabi ko kay daddy. "Now is the right time to teach them a good lesson." Sabi ni dad. "What do mean dad?" Tanong ko. "Do you know that when you turn down their proposal, they will loose their investors?" Sabi ni dad. "You mean kapag hindi tayo ang magiging supplier nila at nag back out ang mga investor hindi rin nila makukuha ang kontrata sa beading para sa national medical mission dito sa Pilipinas." Sabi ko. "Yes dahil hindi lang mga IV and vaccines ang supply na kailangan nila sa atin. We also supply other medical supplies." Sagot ni dad. "We are planning to establish PhilKor medical Research And Laboratory diyan sa Pilipinas. That's the reason why I let you go back to the Philippines Princes. You and Traviz will work on it." Sabi ni dad. "Are you sure about that dad?." Tanong ko sa kanya. "Of course. We trust you both." Sagot lang ni dad. "Bye for now Princess I need this paper works done today. Bye my Princess take care." Pagpapaalam ni dad. "Okay dad, i miss you. Bye." Ilang minuto pa ang lumipas ay nagready na ako para bumaba sa convention hall. Hindi naman ng tagal ay kumatok na si Traviz. Mabilis kong kinuha ang aking bag at binuksan ang pinto. "Are you ready?" Tanong niya. "Yeah let's go." Aniya. Saka niya inilahad ang kamay niya na inabot ko naman. Inilagay niya ang kamay ko sa braso niya at iginiya ako papasok ng elevator. Pagdating namin sa venue ay nandoon na rin ang mga kilalang mga doctor at business man na invited sa business convention na sina daddy pala ang nag organize.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD