Chapter 14

1028 Words
Traviz POV Nakagawian na naming magkakaibigan na tumambay sa bahay ni King o kaya ay sa bahay ni Phoenix kapag weekend. Muhang malaki ang problema ni Jackson ngayon dahil pinipilit siya ng lolo niyang ipakasal sa babaeng hindi naman niya gusto kapag wala syang naipakilalang girlfriend niya dito. "Bro, ano ngayon ang gagawin mo, nasabi mo na pala sa lolo mo na ipapakilala mo ang girl friend mo sa kanya bago ang 31st birthday mo eh less than two months nalang yon ah!" Tanong ko sa kanya. "Kaya nga nga bro, kinukulit nanaman kasi ako ni lolo kaya sinabi ko na meron na akong girlfriend." Sagot ni Jackson. "Bakit hindi ka maghire ng babae bro para ipakilala sa kanya." Sabi naman ni King. "Hindi ako pwedeng kumuha ng basta lang bro, sigurado akong kapag may ipinakilala ako sa kanya ay ipipilit niya na ipakasal kaagad sa akin. Alam nyo naman si lolo gusto pang ngang ipakasal sa akin yung apo ng kaibigan nya na halos hubad na sa sobrang nipis at higsi kung manamit." Reklamo pa ni Jackson. "Problema nga yan bro. May mahigit isang buwan ka pa naman malay mo makahanap ka na ng makakapagpatibok ng puso mo." Sabi naman ni Phoenix. "Akalain mo yon sa ating apat ikaw ang pinakamaraming naging babae pero ikaw ngayon ang nahihirapan maghanap ng matinong mapapangasawa." Natatawang sabi ko sa kanya. "Karma yan bro, KARMA!" Kantyaw naman ni King na sinang ayunan pa namin ni Phoenix . "Pero maiba ako bro, napanood mo ba yung balita tungkol sa nagiisang anak ni Don Samuel Fuentes? Yung pinakamayamang businessman sa Cebu na namatay three years ago. Ang sabi sa balita ay lumayas ito kagabi at nabalitang naaksidente ang sinakyang bus." Sabi ni ko. "Baka naman pinalabas lang na naaksidente, kung titignan mo yung sinasabing katawan na natagpuan at sinasabing katawan niya bakit hindi naman na nila inilabas yung dna result or kahit anong pwedeng pagkakakilanlan ng katawan nito. Hindi ba at bigla lang din ang pagkamatay ng don. Inatake daw sa puso gayong wala namang napabalita na nagkasakit noon." Sabi naman ni Phoenix. "Teka nga bakit dyan napunta ang usapan, malaki ang oroblema ko mga bro. Dahil baka totohanin ni lolo na ipakasal ako sa Ingrid na yon." Maktol naman ni Jackson. "Sige bro susubukan namin maghanap ng pwde mong pag panggapin na girlfriend." Sabi naman ni Phoenix. Sakto naman na dumating si Hera. "At sino naman ang may kailangan ng magpapanggap na girlfriend?" Tanong ni Hera. "Ayan sweetie, si Jackson. Kapag wala syang naipakilala sa lolo nya ipapakasal sya sa apo ng kaibigan ng lolo nya. You know Ingrid right? Yung batchmate nyo nung high school." Natatawang kwento ni Phoenix kay Hera. "Ayan kasi napapala ng babaero, wala sanang pumayag na magpapanggap na girlfriend mo para makasal ka sa babaeng hipon na yon!" Sabi naman ni Hera na mas lalong ikinatawa namin. "Grabe ka naman sa akin Hera, hindi ka naman na sana naglilihi dahil lumabas na ang mga inaanak ko." Angal ni Jackson . "Magseryoso ka na kase sa babae Jackson, mahirap kapag binalikan ka talaga ng Karma." Dagdag pa ni Hera. "Well good luck nalang sayo. Sige balik na ako sa taas baka gising na yung kambal." Paalam niya saka umalis na sa sala kung nasaan kami nagkukwentuhan. "Mauuna na akong umuwi sa inyo, may schedule pa ako ng operation mamayang 4:00 pm." Paalam ko sa kanila. "Sabay na ako palabas bro, uuwi na rin ako." Sabi ni Jackson. "Aba ngayon ka lang yata uuwi ng maaga bro, dati dumidiretso ka kaagad sa bar ah!" Sabi ni King. "Wala ako sa mood na lumabas ngayon bro. Sige uwi na rin ako." Palaama ni Jackson sa kanila. "Ingat kayo bro." Si Phoenix. Pagdating namin sa labas ng bahay ni Phoenix ay kanya kanya na kaming sakay sa mga kotse namin. "Paano bro kita nalang tayo next time." Sabi ko. "Ingat!" Sabi ko pa. "Sige bro ingat." Wika di ni Jackson. Dumiretso muna ako sa condo para maligo at magbihis. Maaga pa naman kaya may oras pa akong magpahinga. Alas dos y medya na ng hapon ng umalis ako at magtungo sa Hospital. Dumaan muna ako sa isang flower shop para mag order ng bouquet of flowers. "Good after noon sir. May napili na po ba kayong flowers?" Tanong sa akin ng florist. "Can you prepare a dozen of red rose. And deliver it at this address tonight." Sabi ko. "Okay sir. Ito po yung card sir pakisulatan nalang po." Wika ng Florist. Pagkatapos kong sulatan iyon ay iniabot ko na ulit sa kanya. Pagkatapos kong bayaran ang ipinapa deliver kong bulaklak ay pumunta na ako sa Hospital. "Good Afternoon Dr. Cole. Naka ready na po ang O.R. Ililipat na po doon ang pasyente." Wika ng assistant Doctor na makakasama ko sa O.R. Naroon na rin ang team ko na. Tumagal ng halos walong oras ang operation. Good job team. You can transfer the patient to the ICU. Check his vitals from time to time. We have to monitor him for the next 24 hours to prevent any infection." Bilin ko sa kanila. Paglabas ko sa O.R ay naroon ang pamilya ng pasyente. "Doc, kamusta po ang asawa ko." Tanong ng ginang. "Successful po ang operation. Kailangan nalang po namin syang imonitor ng 24 hours para maiwasan ang infection. Stable na po ang lagay niya. Ililipat din po siya sa kwarto niya kung wala pong magiging complications sa naging operation." Sabi ko. "Salamat po Dr. Cole." Wika ng ginang. "It's my resoonsibility to save people as much as I can Mrs. Sige po mauna na ako. Magsabi lang po kayo sa mga nurse or sa ibang staff kung may kailangan po kayo." Wika ko bago ko siya iwan sa harap ng O.R. Mabilis akong nagbihis at naghanda para umuwi ng bahay. 1:00 am na rin ng makarating ako sa bahay. Pagkatapos kong maligo ay nagsend muna ako ng message para kay Amara. 'Did you receive the flowers? Hope you like it.' Saka ko sinend. Hindi ko na hinintay ang reply niya dahil siguradong tulog na siya ngayon. Dahil sa sobrang pagod sa haba ng oras ng operation ay kaagad din akong nakatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD