Chapter 13

1186 Words
Amara POV Mabilis na lumipas ang mga araw. Ang akala ko ay susuko si Mike na makuha ang Deal sa SGH pero hindi pala. He ask for a meeting to talk about his proposal to our company. Nandoon na siya sa coffee shop kung saan ang meeting place namin ng dumating ako. "Akala ko hindi ka na makakarating." Masayang wika niya. "You can present your business proposal now Mr. Peralta. Marami pang pasyente ang kailangan kong asikasuhin sa hospital." Malamig na wika ko. "Let's have some coffee first? Baka d ka pa nakapag breakfast." Wika niya. "No need Dr. Peralta, you can start the presentation right away." Sabi ko. "First of all I'm sorry sa mga nagawa namin sa iyo in the past. I'm sorry din sa mga hindi magagandang nasabi ko sa iyo dati." Pahayag niya. "Mukang hindi tayo nagkakaintindihan Dr. Peralta. Pumayag akong makipag meeting sayo para sa presentation ng business proposal mo and not to talk about the past." Malamig na wika ko. "I just want to clear things up. I'm sorry." Ani nya. "Wait, hindi ka ba maka move on sa nangyari ten years ago? O baka naman hindi ka lang makapaniwala na yung taong pinagtaksilan, ginamit at niloko nyo noon ay ang tanging pag-asa nyo para maiahon ang ang negosyo nyo na unti unti ng bumabagsak? Natatakot ka bang mareject ang proposal mo kaya ka humihingi ng sorry sa ginawa nyo sa amin ni dad ten years ago?" Sabi ko. "W-what do you mean." Tanong niya. "Oh come on Dr. Peralta, alam kong tagilid na ang family business nyo. At yung hospital na pag aari ninyo, nalita ko ay isa isa na ring nag pull out ang mga investor. Now tell me Dr. Peralta why would I accept your proposal?" Litanya ko. "I'm sorry to say this but I can't accept this deal Dr. Peralta. If you'll excuse me." Tatayo palang sana ako ng biglang sumulpot sa harap namin si Shiela. "Well well well... Hanggang ngayon ba ay di ka pa rin maka move on kay Mike? At ginagamit mo pa ang pagiging investor mo para mabawi siya. Pwes para sabihin ko sayo hindi mo sya mababawi dahil simula palang hindi ka naman talaga nya nagustuhan. Kaya isaksak mo yan sa kukote mo." Galit na wika ni Shiela. "Ano ba Shiela tumigil ka na, lalo tayong mawawalan ng investors kapag nakita nila ang pag eeskandalo mo dito." Pigil sa kanya ni Mike. "At ipinagtatanggol mo pa yang malanding yan? Baka nakakalimutan mo ang agreement ng pamilya natin Mike." Galit na wika ni Shiela. "Hindi ko yon nakakalimutan Shiela. Baka ikaw ang nakakalimot na dahil sa agreement na iyon kaya pati ang kumpanya namin nadadamay sa kapalpakan ng daddy mo." Wika naman ni Mike. "I'm sorry Yoona. Please give us a chance we really need your company as our major supplier of medical supplies." Paki usap niya. "I'm sorry too Dr. Peralta but you didn't meet our standard to be our business partner. At isa pa both of you humiliates me in front of other people multiple times. Nakalimutan nyo na ba kaagad yon?" Sabi ko saka mabilis na lumakad palayo sa kanila. Dinig ko pa rin ang pagtatalo nila kahit na malayo na ako sa kanila. Tinungo ko ang kotse ko sa parking lot ng coffee shop at nagdrive na papasok sa opisina. Pagdating ko sa office ko ay naabutan ko na doon ang secretary ko. "Good morning Doc. May delivery po para sa inyo." Wika niya na parang kinikilig pa. "Delivery? Wala naman akong inaasahang delivery today." Sabi ko. "Tignan nyo nalang po sa loob ng office nyo Doc. Nasa table nyo po." Wika niya. Naiiling nalang akong ounasok sa office ko. May nakalagay ngang isang paper bag doon mula sa isang mamahaling restaurant. Katabi noon ay isang bouquet ng white roses. "Have a nice Day! Fr. T" ang nakalagay sa card. Binuksan ko ang paper bag at mayroon ding nakalagay na note doon. "Please eat your breakfast first. Hope you like it. Good morning. Fr. T" "Lyn." Tawag ko sa secretary ko. "Yes po Doc." Ani nya ng makalapit siya sa akin. "Come, eat breakfast with me. Maaga pa naman at wala pang patient sa labas. Saka marami yang food di ko rin mauubos." Sabi ko. "Sige po Doc. Thank you po." Ani nya. "Sino nga pala nagdala ng mga yan Lyn?" Tanong ko sa kanya. "Delivery boy lang po Doc. Wala po bang nakalagay na pangalan kung kanino galing?" Tanong niya. "Mayroong note pero intial lang ang nakalagay. Wala bang sinabi yung nagdeliver kung kanino galing?" Tanong komulet kay Lyn. "Wala po talaga Doc." Wika ni Lyn. Kinabukasan ay mayroon nanamang nagdeliver ng flowers at breakfast. Kaya naman kilig na kilig ang secretary kong si Lyn. "Talaga bang hindi mo kilala kung sino ang secret admirer mo Doc?" Tanong ni Lyn. "Itatanong ko ba sa iyo kung alam ko kung sino? Ikaw talaga." Sagot ko. Lumipas ang mga araw at tuloy tuloy pa rin ang pagpapadala ng mga bulaklak at breakfast sa akin. Isang araw dalawang bulaklak ang magkasunod na idiniliver. "Lyn bakit dalawa na itong bulaklak dito kanino galing yung isa?" Tanong ko. "Hindi ko po alam Doc. Baka po may card na kasama hindi ko na rin po kasi tinignan kung kanino galing." Sagot niya kaya hinanap ko nalang yung card. Kay Mike pala nanggaling yung isa. "Lyn, next time lapag may nagdeliver ng bulaklak pakitignan kung kanino galing. At kapag Mike ang nakalagay sa card wag mo nalang tanggapin or pakitapon nalang okay?"mbilin ko sa kanya. "Sige po Doc. Ilang buwan na ring patuloy ang pagpapadala ng bulaklak sa office ko. Isang araw ay nadatnan ko si Mike sa lobby ng Hospital na may dalang bulaklak. "Hi, flowers for you." Wika ni Mike. Kinuha ko naman ang bulaklak at tinawag ang isang staff na dumaan at ibinigay ang bulaklak sa kanya. "Alam mo Mike, kung ako sayo imbes na mag aksaya ng pera sa pagbili ng mga bulaklak bakit d ka magtipid at gamitin mo para makabawi ang negosyo nyo. Kasi kahit ano ang gawin mo hindi na magbabago ang isip ko. Hindi kami makikipag partner sa mga taong minsan ng sumira sa amin. Kay tumigil ka na dahil wala kang mapapala sa akin." Sabi ko saka siya tinalikuran pero bumalik ako. "Oo nga pala Dr. Peralta Please lang wag ka nang magpapakita o lalapit sa akin. Baka isipin pa ng fiancé mo na inaagaw kita sa kanya." Sa ako nagtungo sa parking lot. Pagkasakay ko sa kotse ay mabilis kong umuwi ng bahay. Mabilis na lumipas ang mga buwan ng hindi ko namamalayan. Isang taon na rin pala ako dito sa Pilipinas. Naging busy kasi ako sa project namin dito sa Pilipinas. Ilang buwan nalang ay maari na naming simulan ang operation ng PhilKor Medical Research and Laboratory. Si Mike? Sa wakas ay tumigil na rin sa pagpapadala ng mga bulaklak at sa panunuyo sa akin. Ang balita ko ay 30% nalang ng kumpanya nila ang pagmamay-ari nila. Samantalang si Shiela ay muntikan ng maalan ng lisensya sa pagiging Doktor dahil sa kapabayaan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD