Chapter 2

1082 Words
Amara POV Tunong ng cellphone ko ang gumising sa akin kinabukasan. "Daddy, ang aga nyo naman po napatawag. Good morning po." Bati ko kay dati ng sagutin ko ang tawag niya. "Good morning princes, I'm sorry kung naistorbo ko ang tulog mo. Nakalimutan ko kasing sabihin sayo na dadating ngayong umaga si Mila, yung pamangkin ng dati nating katulong. Sya ang makakasama mo diyan sa bahay." Sabi ni daddy. Sakto namang may nag door bell. "Okay dad. Baka si Mila na po yung dumating. Tatawag nalang ako mamaya." Sabi ko kay daddy. "Okay princes bye. Take care." Sabi ni daddy. "Bye dad, Mag iingat din po kayo diyan." Sabi ko saka ibinaba na ang tawag. Isinuot ko ang bathrobe ko at nagmamadaling bumaba. Tinignan ko muna sa monitor kung sino ang dumating ng masiguro ko si Mila nga iyon ay saka ko lang pinindot ang button para mabuksan ang gate. Hinintay ko nalang si Mila sa labas ng main door ng bahay namin. "Good morning ma'am Amara. Ako po si Mila natatandaan nyo pa po ba ako?" Aniya. "Oo naman Yoona , saka huwag mo na akong tatawaging ma'am o kahit Yoona. Ate Amara nalang." Sabi ko. "Sige po ate Amara." Sagot niya. "Halikana sa loob, siguradong napagod ka sa byahe kaya sabay na tayong mag breakfast." Pagaaya ko sa kanya. "Sige ate Amara, magluluto lang po ako." Nahihiyang wika niya. "No Mila. Hindi ka pinapunta ni daddy dito para pagsilbihan ako. You don't need to do that. I will cook for us. Pumunta ka muna sa kwarto mo para makapag bihis ng komportableng damit." Utos ko sa kanya. Kaagad naman niyang binitbit ang bag niya at pupunta na sa maid's quarter. "Saan ka pupunta?" Tanong ko sa kanya. Naguguluhan siyang tumingin sa akin. "Sa kwarto po namin ni tiya dati." Sagot niya. "Sa taas ang kwarto mo Mila, yung isang kwarto na katapat ng kwarto ang magiging kwarto mo. Tandaan mo Mila hindi ka katulong dito okay?" Pagpapaliwanag ko sa kanya. "Sige po ate Amara Salamat po." Nahihiyang wika niya bago nagpaalam na aakyat sa kwarto niya. Nagluto lang ako ng pancakes bacon and egg. Gumawa na ri ako ng orange juice para sa amin ni Mila. Patapos ko nang isalin sa plato ang bacon na nilulito ko ng oumasok sa kusina si Mila. Kaagad naman niyang inayos ang mesa at naglagay ng plato at baso para sa aming dalawa. "Kumain na muna tayo Mila, pagkatapos ay pwede ka munang magpahinga sa kwarto mo." Wika ko. "Sige po ate Amara. Kamusta na nga oo pala si sir Hyung Joon? Mula po nung umalis kayo dito ay wala kaming gaanong balita po sa inyo." Sabi ni Mila. "Okay naman si dad. Susunod rin siya dito kapag hindi na sya busy sa Korea." Sagot ko. "Nag aaral ka pa ba Mila?" Tanong ko. Mas matanda lang ako ng apat na taon sa kanya. "Nag aral po ako ng nursing kaya lang po di ko natapos dahil hindi na po kaya nila nanay ang gastos." Sabi niya. "Sayang naman pala. Anong year ka nung nag stop ka mag aral?" Tanong ko muli sa kanya. "Natapos ko pa yung first semester ko sa third year ate. Nagkasakit po kasi si nanay kaya hindi na din po ako nakatapos. Naging asistant lang po ako sa isang Pharmacy sa amin sa Laguna simula nung naghinto ako. Tinawagan lang po ni sir Hyung Joon si tita na kailangan nyo ng makakasama dito kaya naki usap ako kay tita na ako nalang po ang papuntahin dito para makasama nyo." Kwento niya. "Kung ganoon ay intern ka na pala dapat kung hindi ka naghinto." Sabi ko. "Opo ate, masyado po kasing malaki magagastos ko pag nagsimula akong mag intern saka mapipilitan po akong tumigil sa part time job ko kung ioagpapatuloy ko kaya po pinili ko nalang na magtrabaho para matulungan sila nanay." Sabi niya. "Okay, ganito nalang. Ako na magbabayad ng tuition mo hanggang sa makagraduate ka para yung ibibigay sa iyong sweldo ni daddy ilaan mo nalang para sa mga magulang mo, okay ba yon? Sayang naman kasi kung di mo matatapos yung course mo. Konting panahon nalang pala ay gagraduate ka na." Sabi ko. "Talaga po ate Amara? Nako maraming salamat po." Masayang wika niya. "Wag ka muna magpasalamat. Ang gusto ko ay makapag tapos ka para mas magandang buhay ang maibigay mo sa mga magulang mo. Kapag naging successful ka na saka mo ako pasalamatan." Sabi ko sa kanya para magkaroon siya ng motivation na magtagumpay sa pangarap niyang profession. "Salamat pa rin sa pagkakataon na ibinigay nyo para makapag aral ulit ako ate Amara." Wika ni Mila. Pagkatapos namin magbreakfast ay nagprisinta si Mila na sya na ang magliligpit sa kusina at maghuhugas ng mga pinagkainan namin. Umakyat muna ako sa kwarto ko para maligo. Paglabas ko ng bathroom ay sakto namang kumatok sa pinto si Mila. "Ate Amara may naghahanap po sa inyo sa baba, delivery dw po ng sasakyan nyo." Wika ni Mila. "Sige Bababa na rin naman ako. Ooen mo nalang yung gate oara maipasok na nila yung kotse." Utos ko kay Mila. Paglabas ko ay nandoon na nga ang kotse na binili ni daddy para sa akin. Isang Audi RS7 na kulay white iyon. Alam na alam talaga ni daddy kung ano ang gusto ko. Pagkatapos kong mapirmahan ang ilang mga papers ay umalis din kaagad yung mga nag deliver kaya tinawagan ko kaagad si daddy. "Hi, dad! Nadeliver na po yung kotse. Thank you daddy i love it." Masayang sabi komkay dad. "You're welcome Princess, kamusta kayo ni Mila diyan?" Tanong daddy. "We're okay dad. Oo nga po pala daddy gusto ko po sana pag aralin ulit si Mila. Ako na po bahala sa tuition nya saka sa allowance dady." Sabi ko kay dad. "That's good Princess, balita ko ay nursing ang course niya we can hire her kapag nakagraduate siya." Sabi ni dad. "Yes daddy, I ask her to enroll this coming semester. Sige po dad, ipina alam ko lang din po sa inyo. Thank you po ulit sa car." Sabi ko. "Okay princes, take care." Sabi ni daddy. "Bye dad, take care." Pagkatapos kong kausapin si daddy ay umakyat ako sa kwarto para kuhanin ang bag ko. "Mila, magbihis ka lalabas tayo. I want to try my new car." Sabi ko. "Sige po ate, saan po pala tayo pupunta?" Tanong niya. "Anywhere. Go to your room and change, I'll wait you outside." Sabi ko bago lumabas ng bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD