Chapter 1

1042 Words
Sophia POV Sampung taon na simula ng umalis kami ni Daddy sa Pilipinas, natupad ko na ang pangarap ko na maging Doctor. Hindi lingid sa kaalaman ni daddy na kasabay ng pag aaral ko ay nahilig din ako sa Car racing na hindi nagtagal ay naging profession ko na din bukod sa pagiging Doctor. Nakilala ako dito sa America bilang isang sikat at kauna unahang Asian Woman na professional car racer. Lumaban din ako at nanalo sa Europe at iba pang bansa sa Asia. Hanggang sa maimbitahan ako sa isang event sa Pilipinas. Sa kasalukuyan ay nandito ako sa Seoul para bisitahin si daddy at makapag bakasyon na rin. "Are you sure na gusto mong umuwi sa Pilipinas Princes?" Tanong ni daddy. "Yes daddy, pwede naman po akong mag apply sa mga malalaking Hospital sa Pilipinas bilang Ob-gyne. Saka daddy kaya naman imanage ni tito yung hospital ninyo dito sa Korea. Don't you think it's time for Us para ipakita sa mga kumalaban sa inyo na hindi nila kayo napabagsak? Nakabuti pa nga ang pag alis natin noon sa Pilipinas dahil lalong ninyong napalaki ni Uncle ang Hospital na binigay sa inyo ni lolo. I think we can build a new plastic surgery clinic since that's your experties?." Pangungumbinsi ko kay daddy. Ang akala ko noon ay ang tito ko lamang ang may ari ng isa sa pinaka malaking ospital dito sa Korea. Ipinamana pala iyon ng lolo ko kina tito at daddy, ipinagkatiwala lang ni daddy kay tito ang pamamalakad nito ng nagpasya siyang manirahan sa Pilipinas. Kompleto sa lahat ng favilities ang Hospital dahil na rin sa pagtutulungan ni daddy at tito Seo Joon mula sa pangkaraniwang Hospital noon ay naging isa na ito sa mga kilalang Hospital dito sa Korea. "Paano kung sa hindi inaasahang oagkakataon ay magkita kayo ng mga taong nanakit sayo Princes? Ayaw ko nang makitang masaktan ka anak. At hindi na ako makapapayag na may manakit pa sa iyo." Sabi ni daddy. "Okay na ako dad, hindi ko na rin naman hahayaang maulit ang nangyari noong nakaraan. At handa na akong harapin sila kung sakaling magkita man kami. Ipapakita ko sa kanilang hindi sila kawalan sa akin. Na hindi sila nagtagumpay na sirain ang buhay ko." Sagot ko naman. "Kung iyan ang desisyon mo anak. Pero papayagan lang kitang bumalik ng Pilipinas kung doon ka magtatrabaho sa Hospital ng kaibigan ko. You also can do your training in their car racing track there. Sa pagkakaalam ko car racer din ang anak niya at mayroon itong sariling racing track. Kakausapin ko nalang si Trevor para maiayos niya ang schedules mo sa Hospital at magkaroon ka ng oras para sa training mo. Do what makes you happy anak. And I will support you. Susunod nalang ako sa Pilipinas kapag natapos na yung renovation sa left Wing ng Hospital. "Thank you daddy." Wika ko. "Anything for may Princess." Sagot ni daddy. Makalipas ang isang Linggo pang pamamalagi ko sa Seoul ay lumipad na ako pabalik ng Pilipinas. Maraming bagay ang natutunan ko mula ng nagpasya akong pumunta sa U.S natuto akong maging independent. At higit sa lahat naging matatag ako na harapin ang mga problema ng walang tulong ng kahit na sino. 9:00 am na ng lumapag ange eroplanong sinasakyan ko dito sa Manila. Nag taxi lang ako pauwi sa dati naming bahay. Malinis naman iyo dahil regular na ipinapalinis ni daddy iyon sa isang cleaning agency na pinagkakatiwalaan niya. Halos walang ipinagbago ang bahay. Sinigurado ni daddy na mapapanatili ang dati nitong itsura. Ito nalang kasi ang ala ala na naiwan sa amin ni mommy. Dumiretso muna ako sa kwarto ko para makapag pahinga. Mamaya na ako lalabas para maglunch at mamili na din ng groceries. Tinawagan ko na din muna si daddy para ipaalam sa kanyang nandito na ako sa Pilipinas. Sabi niya ay bukas ng umaga pa idedeliver ang Kotse na binili niya para sa akin. Next month naman dadating ang paborito kong racing car mula sa America. Alas dos na ng hapon ng magising ako, kaya nagmamadali akong magfresh and up at nagbihis. Nagshower na rin naman ako kanina bago ako natulog. Pagkatapos kong gumayak ay nagmamadali akong lumabas ng bahay at pumara ng taxi. "Saan po tayo ma'am?" Tanong ng driver. "Manong sa Emerald Mall nalang po." Sagot ko nadaanan ko kasi iyon kanina ng pauwi ako sa bahay at malapit lang din iyon dito sa bahay kumpara sa ibang Malls. Wala pa yung Mall na yon nung umalis ako ng Pilipinas. Makalipas lang ang halos 15 minutes na byahe ay huminto na ang taxi na sinasakyan ko sa harap ng mall. Inabutan ko ng five hundred pesos ang taxi driver. "Huwag mo na po akong suklian manong, pang meryenda mo nalang po sung sukli." Sabi ko saka binuksan ang pinto ng taxi. "Nako ma'am salamat po, pagpalain po kayo ng panginoon." Wika ng driver. Tinanguan ko na lang siya at saka pumasok na sa loob ng mall. Una kong hinanap ang restaurant dahil nagugutom na rin ako. Natanaw ko naman kaagad ang Jollibee. Matagal na din akong hindi nakakain doon at bigla kong namiss kaya doon nalang ako pumunta. Nag order lang ako ng spaghetti with chicken, fries at coke float saka humanap ng table na malayo sa karamihan ng tao sa loob ng fastfood restaurant. Di kalayuan sa akin ay natanaw ko ang mag iina na na masayang kumakain. Napaka cute ng mga anak niya. Palagay ko ay kambal ang mga iyon dahil magkahawig na magkahawig ang mga ito. Seryoso lang tingnan ang isa at bubbly naman ang isa. Pagkatapos kong kumain ay dumiretso lang ako sa super market at namili ng mga kailangan ko. Umuwi rin ako kaagad pagkatapos kong mag grocery. Namili lang ako ng mga gulay, prutas at karne. Saka ilan pang mga kailangan ko sa kusina. Magpapahinga muna ako ng isang linggo bago mag report sa Cole Medical Center (CMC). Ito na ngayon ang pinaka kilalang Hospital dito sa Pilipinas at sa iba pang Bansa sa Asia. Ang sabi ni daddy ay sila ang nakabili ng Hospital namin noon at kaibigan din ni daddy ang dating Chairman ng CMC. Sa pagkaka alam ko kasi ay ang anak na ng dating Chairman ang nagpapalakad ng Hospital nila ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD