Prologue

1216 Words
Amara POV "Mike, please don't leave me. Ginagawa ko naman lahat ng gusto mo, sinuway ko na din si daddy para lang masamahan ka sa lahat ng mga gig mo. Ano pa ba ang kulang? Ano ba ang nagawa kong hindi ko nagustuhan?" Pagmamakaawa ko kay Mike na boyfriend at first love ko. Boyfriend ko na siya mula noong third year high school palang kami. At ngayon ay nasa college na kami at parehong medicine ang course namin. Pareho kaming mula sa pamilya ng mga Doktor ngunit ayaw sa kanya ng daddy ko dahil pilit kinakalaban at sinisiraan ng pamilya nila ang Hospital na pag-aari namin. "Ano pa ba ang hindi malinaw sayo Yoona, hindi naman talaga kita gusto. Nakipaglapit lang ako sayo para makakuha ng impormasyon tungkol sa mga upcoming projects ng Hospital ninyo. Si Shiela talaga ang gusto at hindi ikaw, Nagkagusto na kaagad ako sa kanya ng ipakilala mo siya sa akin. Masyado ka lang nag assume kaya pinagbigyan kita na maging tayo. Alam ni Shiela ang tunay na pakay ko sayo kaya hinayaan niya akong makipagrelasyon sayo." Madiing sabi niya. "A-anong ibig mong sabihin?" Nauutal na tanong ko siya namang pagdating ni Shiela. Ang best friend ko. "Hindi mo ba narinig? Hindi ikaw ang gusto ni Mike. At para na rin sa kaalaman mo. Matagal na ring kaming may relasyon ni Mike. Hindi ka lang niya maiwan dahil naaawa siya sayo." Wika ni Shiela. "P-paano mo nagawa sa akin ito? Best friend kita Shiela kapatid na ang turing ko sayo, bakit mo nagawa ito?" Umiiyak kong wika. Sobrang sakit na malaman na kung sino pa ang mga taong pinapahalagahan at pinagkakatiwalaan mo ang taong mananakit sa iyo. "Gusto mong malaman kung bakit? Sige sasabihin ko sayo." Wika ni Shiela at kumapit pa sa braso ni Mike. "Una nakipag lapit lang ako sa iyo dahil matutulungan mo ako sa mga lessons at para may taga gawa ako ng projects. Pangalawa dahil sikat ka dito sa University dahil nga matalino ka. At pangatlo para mapalapit ako kay Mike. High School palang tayo ay may gusto na ako sa kanya. Kaya nung nakita kong madalas kayong magkasama noong High School tayo ay sinimulan ko na ring makipaglapit sayo hanggang sa ipakilala mo ako sa kanya. Ngayon alam mo ang totoo siguro naman ay matatauhan ka na. Hindi ka mahal ni Mike kaya gumising ka na sa pantasya mo." Wika niya. Hindi ko na nagawang magsalita pa hanggang sa iniwan nila akong nakalugmok sa garden ng aming school habang walang tigil pa rin ang pag patak ng luha sa aking mga mata. Pag-uwi ko ng bahay ng araw na iyon ay naabutan ko sa living room si daddy. Mabilis akong tumakbo papalapit kay daddy at yumakap sa kanya. "What's wrong princes? May problema ka ba?" Tanong ni daddy sa akin habang nakayakap din sa akin. "Daddy I'm sorry po kung hindi ako nakikinig sa inyo. Sorry po kung naging pasaway akong anak sa inyo. Dapat po ay pinakinggan ko ang mga bilin ninyo sa akin." Sabi ko sa pagitang ng aking mga hikbi. "Don't cry princess. Tell daddy what happen." Wika niya. "Mike and Shiela betrayed me daddy. Pinaniwala lang nila ako sa mga palabas nila. Matagal na po pala silang magkarelasyon bago pa naging kami ni Mike. Nakipaglapit lang si Mike sa akin para makakuha ng impormasyon mula sa ospital natin. Para po maunahan nila kayo sa mga big projects na pinaplano nyo para sa ospital. At si Shiela po nakipagkaibigan lang sa akin dahil kay Mike at dahil may pakinabang ako sa kanya." Umiiyak kong kwento kay daddy. "I'm sorry daddy. Kasalanan ko po kung bakit nagkakaproblema ngayon ang ospital natin. Nagtiwala po ako sa mga maling tao." Umuuiyak akong humihingi ng sorry kay daddy. "It's not you fault nae ttal (my daughter). In our life we will encounter different kind of people, we just need to choose who we will trust. At ang love dadarating ang tamang tao para sa iyo kapag handa ka na, kapag ibibigay na sya sa iyo ni God. Hindi mo kailangang mag madali. You're still young, marami ka pang makikilala in the future." Wika ni Daddy. "Thank you daddy, I love you." Wika ko habang nakayakap pa din kay daddy. "I love you more my princes, you're my everything and I promise to your mommy that I will protect you whatever happen." Wika ni daddy. "Listen to me Princess, I am planning to Sell our Hospital to my friend and fly back to South Korea and start our New life there. I can still work as a Doctor in my brother's Hospital in Korea. Alam kong mas gusto mo dito sa Pilipinas anak pero kailangan nating gawin ito para muling makabangon. Magtatayo rin tayo ng sarili nating Clinic kapag nakabawi na tayo." Paliwanag sa akin ni daddy. Iniwan kasi ni daddy ang pagiging plastic surgeon sa Korea ng makilala niya si mommy at nagpasyang sundan si mommy sa Pilipinas. Hanggang sa nakapagpatayo si daddy ng sarili nilang hospital ni mommy at napalago nila iyon hanggang sa makilala bilang isa sa mahusay na hospital dito sa Manila. "Kung ano ang makakabuti para sa atin daddy susundin ko na po." Sagot ko naman. Pero naisip kong pumunta nalang muna sa America para doon ipagpatuloy ang Pag aaral ko na sinuportahan naman ni daddy ako ni daddy sa nais ko. "Sigurado ka ba anak na kaya mo ng mag isa sa America?" Tanong sa akin ni daddy. Nandito na kasi kami sa airport at hinihintay ang flight ko papuntang U.S na medyo nadelay. Mauuna kasi akong umalis ng Pilipinas sa kanya dahil malapit ng magsimula ang school year sa U.S. Kailangan pa ring ayusin ni daddy ang pagbebenta ng Hospital at ilan pang mga properties namin. Hiniling ko kay daddy na huwag ibenta ang bahay namin para may mauuwian pa din kami dito sa Pilipinas kapag dadalaw kami sa ountod ni mommy. "I'll be fine daddy, susunod din po ako sa inyo sa Korea pag naka graduate na po ako." Sagot ko kay daddy. "I need to do it dad para maging matatag din po ako kagaya ninyo ni mommy. Pangako ko po na matutupad ko po ang pangarap ko na maging doktor." Sabi komkay daddy. "Ngayon palang ay proud na ako sayo Princess. At alam kong proud din sa iyo ang mommy mo." Sabi ni daddy. "I have to go daddy, mamimiss ko po kayo." Sabi ko saka yumakap sa kanya. "I will miss you too princess. Pupuntahan kita doon, at pwede ka rin umuwi sa Korea kapag bakasyon para magkasama tayo." Sabi ni daddy. "Bye daddy, tinatawag na po ang flight ko." Pagpapaalam komkay daddy. "Take care my Princess." Wika ni daddy. Nakatanaw pa din sa akin si daddy hanggang sa makapasok ako sa loob at mag check in ako. Lingid sa kaalaman ni daddy ay lubos ko pa ring dinaramdam ang betrayal na naranasan ko mula kina Mike at Shiela. Pinipilit kong patatagin ang sarili ko sa harap ni daddy para hindna siya gaanong mag alala sa pag alis ko. Matapos ang mahabang flight ko mula Pilipinas ay nakarating na din ako sa Apartment na magiging tahanan ko hang narito ako sa America. Naging mailap ako sa mga tao at hirap na akong magtiwala sa kahit na sino.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD