Jea Raine Serrano’s POV Ilang saglit lang ay ngumiti na si Rafael, pero hindi umabot sa mata nito ang ngiti. He cleared his throat. “But babe, mas maganda siguro kung mag-focus ka sa akin, pwede naman siguro na doon muna ang anak mo sa—” “Why not, hija?” putol naman ni Daddy Ricardo sa sinasabi ni Rafael. Binaling ko na lang ang tingin sa matanda. “Mas maganda na dalhin mo ang anak mo rito. Besides, mas maganda nga na may bata dito sa mansion para makarinig naman ako ng tawa ng bata.” Dagdag pa nito. Agad nagliwanag ang mukha ko. Ayokong tignan si Rafael na nasa gilid ko. Alam kong galit na ito ngayon sa akin. “Dad, hindi ba mas makakabuo kami kapag naka-focus lang ang—” “Rafael,” putol naman ni Daddy Ricardo sa anak nito. “Marami naman tayong kasambahay at sigurado akong maraming ma

