Jea Raine Serrano’s POV “Madam, magsimula na po namin kayong ayusan,” bigla naman na agaw pansin sa akin ng isa sa beautician. Sinunod ko ang sinabi ng babae at umupo ako sa isang silya na nasa tapat ng vanity mirror. Ang isang babae ay pumwesto sa may likuran ko at nagsimula nang galawin ang buhok ko. Ang isa naman ay nasa gilid ko at inayos na ang mga make-up na ia-apply sa mukha ko. Sinabihan ko lang naman sila na manipis na make up lang ang i-apply sa akin. “Madam, kahit yata walang make-up ay hindi niyo na kailanganin. Sobrang ganda niyo po.” Sabi ng babae na nasa likuran ko. Ngumiti naman ako sa narinig kong papuri dito. Mabuti pa ito ay naa-appreciate ako, samantalang si Rafael ay natandaan ko pa na sinabihan akong ugly noong katatapos ko lang magpa-hair extension. Ayaw na talag

