Jea Raine Serrano’s POV “Anong pinagsasabi ni Rafael na maagaw?” Ang aga-aga ay kung ano-anong bintang na naman ang pinagsasabi ng praning kong asawa. Tumawa ng pagak si Rafael at mariing hinawakan ng isang kamay nito ang panga ko dahilan para mas matigilan ako at maisandal ko pati ulo ko sa dingding. Pero itong si Rafael ay mas inilapit pa ang mukha sa akin kaya halos maduling na akong nakatingin sa mata nito. Kulang na lang ay magdikit pati mga tungko ng ilong namin. Pati hininga nito ay tumatama na sa mukha ko at ang bango no’n. “Subukan mo lang na lokohin ako, Jea Raine Serrano... mas gagawin kong impiyerno ang buhay mo! Kung nagawa mong mag-cheat sa ex-husband mong matandang hukluban... huwag sa akin! Isaksak mo sa kukote mo, Jea Raine Serrano... huwag mo akong iip*tan sa ulo dahi

