Jea Raine Serrano’s POV “Rafael, please! Huwag kang tatawag ng pulis. B-baka saktan ng hayop na ‘yun si Nicole.” Matapos kong ibaba ang tawag ni Jonas sa akin ay wala nang tigil ang iyak ko. Grabe si Jonas! Ang daming inosenteng tao ang dinamay dahil lang sa lintek na sikreto niya. Pati si Nicole ay nakuha nito dahil tauhan pala nito ang isang bodyguard namin. Ayoko na sanang dagdagan pa ang hinagpis ng asawa ko pero sinabi ko lahat kay Rafael at ipinarinig ang usapan namin ni Jonas. At gusto nga nitong tumawag kami ng pulis. “Mas delikado ang buhay niya, babe, kung dalawa lang tayo ang kikilos! Hindi na ako papayag na may inosenteng buhay na mapahamak nang dahil sa kabaliwan ng baklang ‘yon!” May halong galit ang pagkakasabi no’n ni Rafael. Napayakap na lang ako sa asawa ko. Ako da
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


