Part 4

1577 Words
  “NANDIYAN si Steve.” Niyugyog siya ni Lottie para gisingin. Nagpoprotesta ang diwa niya pero nang marinig ang pangalang iyon at lumipad ang lahat ng antok niya. Nakita niya si Lottie na nakabihis na. “Anong shift mo?” tanong niya dito. “Morning! Gusto ko pa nga sana matulog, eh.  Buti ka pa wala kang pasok. Bangon na diyan. Ang aga ng bisita mo.” “Oo nga.” Nag-inat siya. Wala pang alas siyete ng umaga. Maaga pa talaga. Bitbit ang tuwalya na bumaba na siya, Hindi na niya inabala ang sariling magsuot ng bra. Duh! “Good morning! Wait lang!” sabi niya kay Steve nang lumabas ng kwarto at dumiretso na sa CR. Paglabas niya, nasa kalapit nang kusina si Steve. Nagtitimpla ito ng gatas para sa kanya. “Nakialam na muna ako dito. Kaalis lang ni Lottie. Papasok na daw siya. Huwag ka na munang magkakape mula ngayon. Masama yata sa buntis ang kape.” Inilagay nito sa harap niya ang mug ng mainit na gatas. “Anmum iyan. Dumaan muna ako sa botika para bumili niyan.” May init na gumapang sa dibdib niya. Ang totoo parang gusto niyang maiyak. Nagtatampo pa siya dito kagabi pero sa nakikita niya ngayon, lumipad na rin agad ang tampo niya. “Sorry kagabi. Nabigla lang ako. Kailangan ko rin mag-isip-isip pa.” Tumango siya. “Sorry din. Kailangan ko rin kasi na sabihin na sa iyo. Isang linggo ko nang sinasarili. Dapat mo rin namang malaman.” “Pero hindi pa tayo handa talaga, Em. Financially, emotionally, hindi pa tayo ready.” Financially, oo, naiintindihan niya. Pero ano itong emotionally? Ano ang ibig nitong sabihin doon? Nakamata lang siya dito nang lumapit sa kanya. Niyakap siya nito saka siya hinalikan. Magaan noong una hanggang sa dumiin. Naramdaman din niya ang madiin na hipo nito sa dibdib niya. Alam na alam niya kung saan papunta iyon. Hinawakan niya ang kamay nitong nasa tapat ng dibdib niya. “Steve.” “Tayong dalawa na lang dito,” giit nito. Dumistansya siya. “You know my rules.” At tiningnan niya ito. Ni minsan ay hindi pa sila nagsiping doon. Sarili niyang patakaran iyon bilang respeto na rin kay Lottie na ka-share niya sa kuwarto. “Okay!” Napipilitan na itinaas ni Steve ang dalawang kamay. Bumaling ang tingin nito sa mesa. “Itong gatas mo, lumalamig na.” Ininom niya iyon. Naglaro ang dila niya sa likod ng ngipin niya. “Bakit iba yata ang lasa?” reklamo niya. “Umiinom ka na ba ng Anmum?” “Hindi pa. Balak ko pa lang magpatingin muna sa doktor.” “Naninibago ka lang siguro sa lasa. Hindi ba’t pambuntis ang gatas na iyan? Baka maraming kung anong sustansya kaya hindi kasing lasa ng pangkaraniwang gatas.” “Sabagay nga,” ayon niya. At naisip din niyang baka panlasa niya ang may diprensya. Sinaid niya ang gatas. Kahit ano pa ang lasa niya doon titiisin niya alang-alang sa baby niya. “Ayan, naubos ko na.” “Good,” tila nasisiyahan namang sabi nito. “Inaantok pa ako,” wika niya. “Matulog tayo. Doon tayo sa suki natin,” tukoy nito sa motel kung saan sila madalas. “Kung magpatingin na lang kaya ako sa doktor?” sa halip ay sabi niya. “Gusto mo akong samahan? Baka kailangan ko na rin ng vitamins. Madami akong nababasa sa Google. Pero alam ko, iba pa rin iyong talagang irereseta ng doktor.” “Kung iyan ang gusto mo. Gumayak ka na.” Parang may pakpak ang mga paa na nagpunta siya sa banyo at mabilisang naligo. Paahon na siya nang katukin siya nito. “Magtatapis na lang ako!” malakas na sabi niya. “Em! I have to go! Emergency. Tumawag ng kapatid ko. Nahilo daw si Mama. Dinala sa ospital.” Natigilan siya. “Ganun ba? Sige na, alis na,” aniya at sumungaw sa pinto ng banyo. “Balitaan mo na lang ako mamaya. Magpapa-check up na rin ako kahit mag-isa ako.” Nakabihis na siya nang makadama ng hilab ng tiyan. Bumalik siya sa CR dahil may pakiramdam siyang nadudumi siya pero hindi naman. Pinakiramdaman niya ang sarili. Maya-maya ay nadesisyon siyang lumabas na para magpatingin sa doktor. “Good morning!” bati niya kay Rory. Nakita niya itong naglilinis ng sasakyan nito. At base sa diin ng pagkuskos nito at kunot ng noo, mukhang hindi good ang morning nito. Parang hindi siya nito narinig. Tuloy lang ang paglilinis nito ng sasakyan. Mukhang mababakbak ang pintura niyon dahil sa diin ng kuskos nito. Ilang sandali na nakatayo lang siya doon at nakamasid sa hubad-barong katawan nito. Pambahay na shorts lang ang suot nito. Maluwag na siguro kaya mas mababa na sa bewang ang pagkakapuwesto. Litaw ang garter ng briefs nito. Napangiti siya. No wonder pantasya ito ni Lottie at ng iba pang tenant doon. Hottie. Iyon ang palagi niyang naririnig kay Lottie. Yummy din. Akmang-akma dito ang mga terminong iyon. Kung magtatayo ito ng car wash business at ganoon ang attire nito kapag ito ang maglilinis ng sasakyan, hindi malabo na maging mahaba ang pila ng mga babaeng drivers para ipa-car wash ang sasakyan ng mga ito. Bonus pa ang pagiging guwapo nito. Natutop niya ang tiyan nang makadama ng panibagong hilab. Mas matalim iyon. Parang gumuguhit hanggang puson niya, o sa puson niya mismo galing ang hilab? Nagmamadali na isinuksok niya uli ang susi sa pinto. Pero bago pa niya nabuksan iyon ay panibagong hilab ang umikot sa katawan niya. Parang dinaklot niyon ang puson niya. Napahiyaw siya sa sakit. “Is there something wrong?” Iglap lang at nakalapit na sa kanya si Rory. Napaupo siya sa tapat ng pinto na sapo ang tiyan. “Ang sakit-sakit ng tiyan ko.” Binuksan ni Rory ang pinto niya. Nang alalayan siya nito sa pagtayo, naramdaman niya ang pamamasa ng panty niya. Naaalarmang yumuko siya. “Oh, my God!” Pumatak ang dugo sa kinatatayuan niya. “Tulungan mo ako, Rory. Please!” Shock ang unang rumehistro sa anyo nito. Nakatingin din sa patak ng dugo na nadaragdagan pa. Tinagtag niya ang braso nito. “Baka makunan ako!” iyak niya. Parang noon natauhan si Rory. Mabilis siyang kinarga nito at isinakay sa kotse. Basta na lang nito initsa ang gamit panglinis at sumugod na sila sa ospital. “Malayo pa ba?” Nagpa-panic siya. “God, ayoko pong makunan! Lord, save my baby!” Inabot nito ang kamay siya at banayad iyong pinisil. “Relax. You will have your baby. Promise me you won’t lose him.” Napatitig siya dito. Pero si Rory ay sa tiyan niya nakatingin.   “MAHIGPIT ang kapit ng baby. Mabuti na lang. Pero dahil sa nangyari kailangan niya muna nang sapat na pahinga. Less stress din sana para maka-recover siya agad.  Nag-away ba kayo? Sa kalagayan niya kasi, malaking factor ang stress para siya duguin. Hihintayin pa natin ang ibang test sa kanya para ma-trace natin kung sa bakit siya talaga dinugo. Take care of your wife, mister.” Dumilat siya nang maliit. Nang tumalikod ang doktor ay saka niya ganap na iminulat ang mata. Nasa isang private room na siya. Si Rory ay isinasara ang pinto. Nagkatinginan sila nang pumihit ito paharap sa kanya. He smiled at her. “Ligtas na ang baby mo. Thanks God!” “Salamat din sa pagtulong mo sa akin, Rory. Kung wala ka, baka nawala na rin ang baby ko.” “Kailangan mo daw ng maraming pahinga.” Tumango siya. “Narinig ko ang sabi ng doktor. Napagkamalan ka pa niyang mister ko. Pasensya na ha.” Nahihiya siyang ngumiti. “Oh, that!” Buhat sa ilalim ng kama ay kinuha nito ang bag niya. “Hindi ko ginalaw iyan. Nandiyan din ang cellphone mo. Wala pa akong nai-inform kahit na sino tungkol sa nangyari sa iyo. Hindi ko naman magawang pakialaman iyan. Tatawagan ko sana si Lottie pero naisip kong hintayin na lang kitang magising. Ang mahalaga, ligtas ka na ngayon. Okay lang na ako napagkamalan nilang mister mo. Mabuti nga at nandoon ako sa malapit nang mangyari iyan sa iyo.” “Thank you so much, Rory.” “Walang anuman. Masaya ako na nakatulong sa iyo. And I’m even happier na nakaligtas kayong mag-ina. Alagaan mong mabuti ang baby mo, Em. Mahalaga ang buhay.” Natuon ang titig niya dito. Kapareho ng ekspresyon nito kanina sa kotse ang nakikita niya ngayon sa anyo nito. Tinapik nito ang braso niya. “Uuwi lang ako saglit. Hindi ko nakuhang magbihis nang dalhin kita dito, eh. May dapat ba tayong tawagan para may magbantay sa iyo dito?” Si Steve. Si Steve ang dapat na kasama niya ngayon doon. She checked her phone. May text message ito na nagsasabing nasa ospital pa rin ito kasama ang ina. At si Lottie ay nasa trabaho. Si Angelique na lang ang ubra niyang matawagan. Pero alam niya, abala din ang kaibigan niyang iyon. “Kailan daw ba ako makakalabas?” sa halip ay tanong niya. “Wala pang sinabi ang doktor. I will ask. Basta uwi lang ako sandali. Babalik ako kung wala kang makakasama dito. Kung okay lang sa iyo, papasok ako sa unit ninyo. I think you’ll need some things here.” Tumango na lang siya. Nang makaalis si Rory, nag-text na rin siya kay Angelique para sabihin ang nangyari sa kanya.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD