HALOS pitong taon. Iyon ang matuling lumipas sa buhay ni Erica Mae. Akala niya hindi niya kakayanin pero kinaya niya. Napagtagumpayan niya. Mas confident na siya ngayon na kahit anong hamon pa ng buhay ang dumating sa kanya kakayanin niya. Nawala nang parang bula si Steve. Hindi na ito nagpakita ni nagparamdam sa kanya. Mainam naman para sa kanya dahil anumang damdamin mayroon siya para dito ay tinangay na ng hangin. Masaya na siya sa anak niya at sa mga kaibigang dumamay sa kanya. Nakabase na si Lottie sa Singapore. Maganda ang nakuha nitong trabaho doon at doon na rin nakapag-asawa. Nami-miss pa rin niya ang presence nito kahit madalas silang mag-Skype. Pabor din naman sa kanilang mag-ina dahil anytime na pumunta sila sa Singapore, bukas ang bahay ni Lottie para sa kanila. Four years

