“SERYOSO na yata sa iyo si Lee Min Ho,” kaswal na sabi sa kanya ni Angelique. Pareho silang nasa baby office dahil nalaman nito na kasama niya si Onyok kaya isinama na rin nito si Angge nang pumunta doon. She rolled her eyes. “Nabalitaan mo na agad na nagpadala ng flowers sa condo? Tsinismis sa iyo ni Candy?” Namilog ang mga mata ni Angelique. “You mean nagpadala din sa iyo doon?” Kumunot naman ang noo niya. “Anong din?” “Ah, hindi mo pa alam? May flowers ka diyan sa labas. Galing sa kanya.” Sinenyasan nito ang yaya ni Angge. “Pakikuha mo nga iyong flowers doon sa counter.” Hindi na niya kailangan tingnan pa ang card. Kamukhang-kamukha iyon ng kumbinasyon ng mga bulaklak na ipinadala nito sa condo. Ultimo kulay ng ribbon ay pareho. “Matagal nang umaaligid sa iyo iyon,” ani Angelique

