"A Sweet Nightmare" Kahit nakapikit ang mga mata ko ay may napansin akong naupo sa malambot na kama, kahit na tulog ang kalahati ng diwa ko. Patay! Baka bukas wala na akong trabaho dahil sa ginagawa kong paghiga sa kama ng amo ko, kaya dagli kong minulat ang aking mga mata. Nang tuluyang namulat ako, ewan pero parang tulog pa rin ako at nasa mundo ng panaginip ko. Talagang nasa panaginip ako dahil bumungad sa aking paningin ang asungot na lalaki noong isang araw, ang lalaking mapangahas na sumira ng aking palda at ang lalaking nasukaan ko. "Oh my! Nanaginip ba talaga ako?" kunot noong napatanong ako sa aking sarili. Kinurap kurap ko ang aking mga mata upang tukuyin kung panaginip lang ba talaga. Ayon! Nanatiling nakatitig sa akin ang gwapong mukha nito? Malamlam ang mapupungay ni

