"Yes it's Seniorito" Nagulat ako at agad natauhan, minulat ko ang aking nakapikit na mata tila bang binuhusan ako ng isang damakmak na yelo dahil sa hiya, nag-iinit ang pisngi ko at ibig kong nalang maglahu. Dama ko ang dahan dahan nitong pagbitiw sa akin. Kita ko ang isang pilyong ngiting sumilay sa mga labi nito, sabay kindat sa akin pagkatapos ay dagling humarap sa pintuan kung saan nandoon ang isang kawaksi. "Seniorito, si Madam nasa kabilang linya," sabi ng kawaksi at pagkatapos ay tumalikod. "S-ssen-niorito?" nauutal kong ulit sa kataga, na hindi mawari. "Yes, and now you know," baling nito sa akin at dagling humakbang papalabas ng silid. "We are not done yet," habol nito at tuluyang nawala sa paningin ko. Naiwan akong nakanganga, at gulat pa rin sa aking nalaman. "Lintik b

