Sexy Butt

1143 Words
Nakapikit ako at nanginginig akong napakahawak sa hindi ko mawaring bagay, malambot na matigas. Hindi ko na ininda pa at sumuka na talaga ng walang preno. Nagulat ako dahil sa biglang paggalaw ng hinahawakan ko. Napalunok akong bigla ng minulat ko ang aking mga mata. Iyon pala ay nakahawak ako sa makabilang bisig nito at sinukaan ko ang mamahaling tuxedo nito. Mula sa pagkakayuko dahan dahan kong inangat ang aking paningin sa mukha ng may-ari ng tuxedong aking nadumihan. "Patay!" napalunok akong bigla sa sobrang kaba ng naramdaman ko nang magtama ang aming paningin. Uminit ang pisngi ko dahil sa hiya. Lihim akong napahiling na sana ay bumuka nalang ang lupa lalamunin ako at maglaho na parang bula. "What a small world lady!" nakatagis itong nakatitig sa akin. Ang hindi katanggap tanggap ay ang may-ari ng bisig na hinawakan ko ay ang lalaki lang naman na nakatagpo ko noong isang araw. Ang bastos na antipatikong mayaman. Paano na to' anong gagawin ko? Nakakahiya, naninigas tuloy ang katawan ko at hindi mawari ang gagawin ko? Lukot ang mukha kong nakatingin sa gwapo nitong mukha. Ito naman ay nakatiim bagang na nakatingin sa akin. Tuloy parang nagstaring contest kami. Mayamaya ay gumalaw ito, dahilan upang mapa-igtad na parang nakuryenteng lumayo ako mula sa harapan ng lalaki, halos lundagin ko ang kabilang kanto ng elevator. "P-pa-pasensiya na po," paghingi ko ng paumanhin. "Damn!" dinig kong mura nito, padabog na hinubad ang suot nitong mamahaling tuxedo. Mayamaya ay bumukas na ang elevator. Sinapit na pala namin ang first floor. Unang lumabas ang lalaki habang inisa isa nitong kalagin ang butones sa suot na long sleeved. Bumaling ito sa akin dahilan upang humalikipkip ako sa isang tabi. "What now?" "Eh! Lintik ba't ba ako tinanong nito, eh hindi ko rin alam ang gagawin ehhhh," kikibot kong sabi sa sarili. Nanatili akong tahimik dahil wala akong maapuhap na sabihin sa sandaling ito. "Follow me!" madiing utos nito, tinalikuran ako’t nagsimulang humakbang pasulong. Maagap naman ako at kandarapang sumunod dito."Bahala ka na sa akin Lord kung ano man ang plano ng lalaking ito, basta babayaran ko muna ang pagkasala ko sa hinayupak na ito." Mabigat ang mga paang nakasunod lang ako sa lalaki. Lihim akong napasinghap ng tuluyan nitong hubarin ang suot. "Oh Diyos na mahabagin," lihim kong bulalas ng matunghayan ang malaman nitong braso, a fully shaped butt dahil sa suot nitong slacks. "Ang sarap te!" Wala sa sariling napakagat tuloy ako sa aking labi. Hindi ako makapaniwalang pinagnanasaan ko ang antipatikong ito. Gusto ko pa sana makita ang harapan nito pero nakakahiya naman, kaya tahimik lang akong nakasunod- nakasunod sa lalaking topless. Hindi nito inindang may mapatingin dito, parang sanay ata ito eh na panuoring nakahubad? Nang may nadaanan itong basurahan ay marahas nito hinagis ang damit na nasukaan ko. Napagiwi tuloy ako sayang naman ang mahal kaya nung damit na iyon. Muli na naman itong naglakad, saan ba planong pumunta ang lalaking ito? Wala sa sariling pinagpatuloy ko ang paghakbang, hindi ko pansin na nandito na pala kami sa malawak na parking space ng building. Biglang huminto ito sa paghakbang dahilan upang masadsad ang ulo ko sa likuran nito. "Oppps!" Napaatras akong bigla, sabay tingala dito, hindi ko pansin na nakaharap na pala ito sa akin dagling nagtama ang aming paningin. Napalunok ako dahil sa titig na pinukol nito, para atang nanghihigop ng kaluluwa, sino ba tong nasa harapan ko? Kinalabutan tuloy ako kaya napayuko ako tuloy mas lalong nanlaki ang aking mga mata, dahil nakalantad ang matitipuno nitong dibdib, ang anim na pandesal nito sa tiyan, gosh! at ang mabalahibo nitong puson. "Olala ang yummy te!" Parang nanghihina ako sa nasaksihan gusto ko hawakan at namnamin ang pandesal nito. Naging halimparot ako dahil lang sa lalaking kaharap, bakit kasi ang perfect, perfect nito. Tumikhim ako upang maibasan ang tensiyon na namagitan sa aming dalawa at upang hindi ko masyadong masentro ang paningin ko sa matikas nitong pangangatawan. "What now?" muling tanong nitong nagsalubong ang kilay. Blanko ang paningin kong pinukol dito.Ano ngayon? Patas na siguro kami dahil sa pagkaladkad nito sa aking palda noong isang araw. Pero hindi ata dahil nasapak ko ito at nakaganti na ako. "Eh , sumama lang talaga ang pakiramdam ko eh," dahilan ko para matapos na ito. Isang mapait ngiti ang pinakawalan nito. "Ah so sa ganun lang at okay na?" "Eh ano bang gusto mong gawin ko?" padaskol kong turan na nakasimangot. "Say sorry and I will be okay," pagde-demand nito. "Huh! ano ako sira, sinabi na ko kanina iyon dito ah, nag paumanhin na ako at hindi na kailangan ulitin ko pa iyon." Ngumisi ako ng mapakla. "Sinabi ko na kanina, aba hindi ko na kasalanan kung bingi ka," sabi ko sabay irap. Ngumiti ito ng pilyo. " Stubborn lady, just say it and we will be okay," nanggagalaiting pilit nito sa akin. "Aba! Hindi nga ito ng nagsorry sa akin na mas sobra pa ang ginawa nito, ngayon pipilitin pa ako nito? No way over my sexy dead body!"kikibot kibot ko. "Kung simple lang iyon sa iyo then mag sorry ka muna sa akin, tapos magsorry ako sa'yo," taas noong paghahamon ko dito sabay taas ng baba ko. Kita ko ang paglaki ng butas ng ilong nito sabay na lumukot ng gwapong mukha nito sa tinuran ko. "Damn it! if you don't, then I'll make my move," sabi nitong sabay hablot sa aking braso ,wala sa sariling nabitawan ko ang dalang basket, marahas ako nitong diniin pasandal sa likod ng kotse. Napaawang ang aking labi dahil sa gulat, napatitig ako sa mapupungay nitong mga mata. Taas baba ang aking dibdib dahil sa tinding tensiyon na namagitan sa aming dalawa. Ilang saglit na naglaban ang aming paningin walang pakundangan ang kaba sa dibdib ko sa eksina namin. Pagkatapos nagulat ako sa sumunod na ginawa nito. Dahan dahan itong yumuko upang magpantay ang aming mga paningin. Nilapit nito ang gwapong mukha sa mukha ko na halos isang dangkal lang ang pagitan namin. Wala sariling napaatras ako na nanlaki ang mga matang nakatitig dito, napalunok ako ng laway. "A-anong gagawin mo?" kanda-utal na tanong ko dahil sa tindi ng kaba. Isang nakakalukong ngisi ang pinakawalan nito at mas lalong inilapit ang mukha sa mukha ko. "Oh diyos por santo!" Mariin kong naipikit ang aking mga mata. Kasunod ay isang malakas pilantik ng daliri ang tumama sa aking noo. "Aray!" napakislot ako sabay himas sa nasaktan kong noo. "We are now fair," matipid nitong sabi, sabay talikod at mabilis na sumakay sa loob ng kotse. Naiwan akong nanigas, nag-iinit ang pisngi dahil sa hiya, at hindi magawang ikurap ang mga mata habang nakasunod tanaw sa lalaking papasok ng sasakyan. Ilang saglit ay binuhay na nito ang makina. "See you stupid woman!" nakangising paalam ng lalaki sabay na pinaharurot ang sasakyan papalayo. Nakatulala at nakaawang ang aking labing nakasunod tanaw dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD