The Worst Encounter

1120 Words
ARAW na naman ng sabado wala akong pasok, maaga palang ay nagsimula na akong maglako. Dapat agahan ko dahil may bago akong destinasyon, doon sa kung saan nagtatrabaho ang isa kong kaibigang si Althea.Sabi kasi nitong papatok daw ang bibingka ko pang meryinda ng mga kasamahan nito dahil nagsasawa na daw ang mga ito sa pagkaing canteen. Ayos! At makapagbenta ako ng marami at madagdagan ang ipon ko para sa aking final. Hiyang hiya na ako, palagi nalang akong nakapromissory note, halos wala na akong mukhang ihaharap sa treasury dahil sa kulang palagi ang bayad ko. Kaya sagarin ko na ang opportunidad na ito. Mag-aalas onse na kailangan ko ng isaglit ang paninda ko sa opisina ni Althea. Kaya mabilis akong sumakay ng jeep papuntang Makati. Kinabahan ata ako, unang beses palang kase akong makapasok sa pinagtatrabahuan ng kaibigan ko. Isa iyon sa pinakasikat at pinakamalaking kompanya sa buong Pilipinas, tapos sa eskinita ko lang nakagawiang maglaku tapos susugod ako sa isang bigating kompanya. Napakagat ako ng labi sa na-isip. Bumaba ako sa harap ng isang napakatayog na gusali. Mas lalo atang bumundol ang kaba ko sa dibdib, nagdadalawang isip tuloy ako kung ihakbang ko ba ang aking mga paa papasok o babalik nalang sa eskinita at doon maglalako. Pinagpawisan ako ng malamig, sabi ni Althea pumapayag naman daw ang boss nila sa mga outside vendors kaya wala nang pero pero, pera ang kailangan ko. Lintik tong hiyang tong oo, kung kailan napakalaki ng makukuha ko ay doon naman ako nilamon ng hiya, nanlamig ang kamay ko. Bahala na nga lakasan ko na nga lang ang loob ko at kakapalan ang mukha. Tuloy tuloy akong gumawi sa entrance ng building dumaan ako sa isang revolving door. Ibig kong mahilo sa revolving door kainis! Lumapit ako sa receptionist at nanghingi ng visitors ID. Walang namang problema at mabilis ako nitong binigyan. "Miss ano ba yang tinda mo?" pigil ng babaeng receptionist sa akin. Dahil doon, medyo nakahinga ako ng maluwag, eh wala naman pala itong pinagka-iba sa eskinita eh, high class nga lamang ang lugar pero iyong mga taong nakapaligid eh pareho din namang bumibili. Sinunggaban ko na agad ang babae, sabay nginitian ng ubod tamis, mahirap na baka magbago ang isip. "Bibingka po Ma'am masarap po ito," alok ko. "Naku, bakit ngayon kalang matagal na akong naghahanap nito, nakakaumay na kasi ang pagkain sa canteen," patutsada ng babae sabay halughog sa loob ng basket na dala ko. "Eh oo nga po eh, ngayon ko lang kasi napag-alaman na pwede pala dito ang outside vendors," nangingiti kong turan sa kaharap. Bumili ang receptionist at pagkatapos ay gumawi ako sa ibang floor susulitin ko na ang pagkakataon. Nasa first floor palang ako ubos na ang paninda ko hindi na ako umabot sa huling floor dahil halos lahat ng empleyado ay bumili, nanibago kasi sa bibingka ko. Sobrang nagliwanag ang mukha ko nang wala ng natira sa basket ko maliban sa ibibigay ko kay Althea. Halos hindi matanggal tanggal ang ngiti ko sa mukha wari'y naka jackpot ng lotto. Sadyang gumawi pa ako sa floor kung saan andoon ang kaibigan ko sa 18th floor. Sadyang tinirhan ko ito ng isang supot at tsaka free to’ ha, dahil sa laki ng tulong nito sa akin ngayon. "Psst," sitsit ni Althea ng makita akong papasok sa loob, itinass nito ang palad san a kumaway. Nang mapansin ko ito ay mabilis kong tinungo ang cubicle nito. "Hoy bruha salamat hah," mahina lang ang pagkasambit ko dahil ayaw kong makadisturbo ng ibang emplayado. Nakangisi itong bumaling sa akin. "Wala iyon ano kaba, eh asan na ang free na sinabi mo," singil nito sa pangako ko. Napakislot ako, ito talagang kaibigan ko, maykapalit naman pala. "Oh ayan," lahad ko dito. Nakangiti naman nitong tinanggap ang bibingkang binigay ko na parang nanalo ng lotto. Lihim akong napasinghap. Kanina pa kasi ako nakamasid sa loob ng building, sobrang ganda, ke lamig pa ng paligid at siguro kay sarap umupo sa upuan na gaya ng inuopan ni Althea. Hindi ko maiwasang mainggit, ang swerte nito nabilang sa grupo ng sikat na kompanya sa Pilipinas. "Hayyyy,” wala sa sariling buntong hininga ko. Hindi ko maiwasang mangarap. Talagang pagtiya-tiyagaan ko ang pag-aaral dahil gusto ko ring mapabilang sa lugar na gaya nito at tsaka sawa na ako sa paglalako no! Ilang minuto ay nagpadesisyonan ko nang bumaba at umuwi. Makakadistorbo na rin kasi ako sa trabaho ng kaibigan ko kung mananatili pa ako doon. Sa totoo lang ayaw ko pa sanang umalis dahil gusto ko pa magmasid. Gusto ko pang samyuhin ang lamig ng aircon kaso eh hindi naman ako kabilang, kaya hangga’t maari ay pag-igihan ko ang pag-aaral mapasaan man ay magkaroon din ako ng desinteng trabaho. Nasa loob ako ng elevator. First time ko din na makasakay ng elevator, eh kasi ayaw ipaggamit ang elevator sa paaralan namin. Lintik talaga, kung may nakakaalam ng sekreto ko naku talagang nakakahiya. Akala ko sobrang sarap sumakay ng elevator, eh nakakalula naman pala at parang nasusuka ako. Eh ki taas taas na kasi ng floor na pinanggalingan ko, nahihilo tuloy ako! Biglang huminto ang elevator bumukas ang pintuan, may pumanhik na panauhin, hindi ko masyadong maaninag, lumabo na ang paningin ko dahil sa hilo. Pilit kong inaninag kung saan floor pa ako, pinilit ko talagang klaruhin. Napakagat ako ng labi ng mapagtanto kong nasa 15th floor pa ako, gusto ko nang humiga sa sahig dahil sa lula na aking nadarama. Hindi ko maipaliwanag ang aking pakiramdam gusto na kong masuka. Nakakahiya talaga itong reaksiyon ng katawan ko, talagang pinahalata nitong galing ako sa hirap, nalulula ng walang kadahilanan. Kinurap-kurap ko ang aking mga mata, sabay kagat ko sa aking pang-ibabang labi. Parang hindi ko na ata kaya pa, parang ginugulo ang sikmura ko, umiikot na ang paningin ko. Nanginginig ang aking mga kamay, mahigpit akong napahawak sa dala kong basket. Para atang mabubuway na ako, nawawalan na ng lakas ang tuhod ko tila titirik na ang mata ko. Malalaking butil ng pawis ang lumabas sa aking sentido at nanlalamig na ang buo kong katawan. Pinikit ko nalang ang aking mga mata, baka sakaling maibsan pa ang sama ng pakiramdam ko. "Miss are you okay?" dinig kong tanong ng isang lalaki may langkap sa boses nito ang pag-alala. Siguro napansin nitong namumutla na ako. Hindi ko magawang magsalita kaya tumango na lang ako bilang tugon. Nakakahiya naman kung sasabihin ko dito ang totoo na unang beses palang akong makasakay ng elevator at nalulula ako. "Miss?" ang lalaki uli, bahagya nitong niyugyog ng aking balikat. Lumala ata ang pakiramdam ko nang yugyogin nito ang balikat ko, hindi ko na kayang pigilan pa at masusuka na ako. "Ohhhwo ohhwo," iyon ang lumabas sa bibig ko. "s**t!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD