THE HIDDEN LOVE OF KUYA GYU AND WONU
"Ano ba naman 'yan, Wonu! Ang payat-payat mo! Para ka nang kalansay! Sayang ang porma mo, bro!" sabi sa akin ng kaibigan kong si Josh.
Sa edad na dose, mukha akong sampung taon lang dahil sobrang payat ko. Kumakain naman ako nang tama, pero hindi ganoon karami dahil iniipon ni mama ang perang kinikita ni papa mula sa pamamasada ng bus. tatlo kasi kaming magkakapatid at ako ang panganay. Maliliit pa ang mga kapatid ko. Dalawa sa kanila ay naggagatas pa, kaya talagang kapos kami sa buhay. Mabuti na lang at nagpa-ligate na si mama kaya hindi na madadagdagan pa kami.
"Hayaan mo na. Kapag lumaki-laki ako, magkakaroon din ako ng laman. Alam mo naman na hirap kami sa buhay, 'di ba? Pinagkakasya lang ang perang naiuuwi ni papa. Kaya talagang hindi sapat ang nakakain ko. Ang mahalaga, may almusal, tanghalian, at hapunan kami, kahit hindi ganoon kadami," sabi ko sa kanya habang nakangiti.
Bumuntong-hininga siya. "Hayaan mo, kapag yumaman ako, tutulungan kita. Kakain tayo ng masasarap. Kami rin hindi naman mayaman. Nakaka-survive lang araw-araw kasi dalawa lang kami ng kapatid ko. Sakto lang ang kinikita ni papa sa pamamasada niya ng jeep," sabi ni Josh kasabay ng tipid na ngiti.
"Huwag kang mag-alala, yayaman din tayo. Darating ang araw na mabibili natin ang lahat ng gusto nating dalawa," sabi ko sabay hagikhik.
"Tama! Talagang yayaman tayo!" sabi niya at nakipag-apir pa sa akin.
Ilang sandali pa ng aming kuwentuhan, may tumawag sa akin na pamilyar na boses. Paglingon ko sa likod, si kuya Gyu pala. Ang mabait at napakaguwapo kong kuya na nakitira sa tabi ng Bahay Ng dati naming Bahay.
"Hi, kuya! Bakit po?" tanong ko sa kanya.
"Nasaan pala ang papa mo?" tanong niya sa akin.
"Namasada po ng bus. Mamaya pa po siya makakauwi, mga 10 pm pa," sagot ko.
Tumango siya. "Ah ganoon ba? Gusto ko sanang imbitahan kayo bukas sa bahay kasi birthday kumare niyang si mommy ko . Sabihan mo siya na pumunta kayo, ha? Aasahan ko kayo."
"Sige po, kuya! Sasabihin ko po sa kanya pag-uwi!" sagot ko.
Ngumiti siya nang malawak at hinaplos ang buhok ko. Tapos, may kinuha siya sa bulsa—wallet niya. Naglabas siya ng libo-libong pera, kinuha ang kamay ko, at inilagay ang pera sa palad ko.
"Para sa 'yo 'yan. Bumili ka ng maraming pagkain, okay? Payat ka na, Wonu. Hindi na maganda. Sige na, aalis na si kuya. Pakisabi na lang kay papa mo, ha?"
Nanlaki ang mata ko habang nakatingin sa perang hawak ko. Ngayon lang ako nakahawak ng ganito kalaking halaga. Madalas naman akong bigyan ni kuya Gyu ng pera tuwing pumupunta siya, pero ngayon, sobrang laki ng binigay niya.
"O-Opo, kuya. Salamat po ng marami!" sigaw ko habang umaandar na ang kotse niya.
Kumaway pa siya sa akin bago tuluyang pinaandar ang sasakyan.
"Wow naman! Ang bait talaga ng kuya Gyu mo, Wonu! Ang daming pera niyan! Makakabili ka ng maraming pagkain!" sabi ni josh, nanlalaki ang mata.
"Oo nga! Sige na, Josh, uuwi na ako para ibigay ito kay mama!" sabi ko bago kumaripas ng takbo pauwi.
Madali lang akong nakarating sa bahay dahil ilang bahay lang ang pagitan namin kung saan Ako Nakita ni kuya Gyu.
hinihingal pa ako habang kumakapit sa pinto bago lumapit kay mama.
"Mama! Ibinigay sa akin ni kuya Gyu ito. Para daw po pambili ng pagkain. Hinahanap niya si papa. Sabi niya, imbitahan daw Po tayo bukas kasi birthday ng mommy niya Yung kumare daw Po nyo," sabi ko habang hinihingal.
Nanlaki ang mata ni mama nang hawakan ang perang ibinigay ni kuya. Binilang niya ito at tumingin sa akin.
"Sampung libo? Ang laki naman ng ibinigay sa'yo ng kuya Gyu mo!" sabi niya nang nagulat.
Tumango ako. "Oo nga po. Kahit ako nagulat. Sabi niya, payat ako, kaya bumili raw ako ng pagkain."
"Okay, magbihis ka na. Tulungan mo akong bihisan ang mga kapatid mo dahil aalis tayo. Bibili tayo ng maraming pagkain, anak," sabi ni mama habang buhat ang bunso kong kapatid na dalawang taong gulang.
Namili kami ng maraming pagkain ni mama. Nagtambak din siya ng gatas at diaper para hindi maubusan si bunso. Nang umuwi si papa kinagabihan, nagulat siya nang makitang maraming pagkain sa bahay.
"Ma? Bakit ang daming pagkain dito? Nag-grocery ka? Saan galing ang pera mo?" tanong ni papa kay mama.
"Sa kuya Gyu Raider ni Wonu. Pumunta dito, hinahanap ka kanina. Birthday daw ng mommy kumare natin bukas. Pumunta raw tayo," sagot ni mama.
"Aasahan niya raw iyon, papa," singit ko sa usapan nila.
Humingang malalim si papa at napahawak sa sintido niya. "Kahit kailan talaga si kuya Gyu nyo, palagi siyang nandiyan para tumulong sa atin. Parang alam niya kung kailan tayo gipit at bigla na lang siyang tumutulong. Malaki ang utang na loob ko sa kuya nyo na halos 10 taon lang agwat saakin. Siya 'yung bilyonaryong kuya na anak Ng kumare natin na hindi nandiri sa atin o tumapak sa pagkatao natin. Palagi siyang nandiyan para sa atin mula noon hanggang ngayon," sabi niya.
Nilapitan siya ni mama at niyakap. "Kaya nga sa lahat ng kaibigan mo noon, Ang nanay pa ni Josh na kumare natin , siya ang tunay. Kahit na wala ka na, hindi Nila tayo iniwan. Hindi kagaya ng mga kaibigan mo noon na parang hindi ka na nila kilala. Ngayon na umangat na sila sa buhay, hindi ka na nila pinapansin."
Nakatingin lang ako kina mama at papa at bigla kong naisip si kuya Gyu. Naisip ko na balang araw makababawi rin ako sa kabutihan niya sa amin.
Sumunod na araw, dumating ang mayamang kapatid ni papa, si tita Belen. Nagbibigay din siya ng tulong sa amin. Siya ang mapagbigay naming tita, hindi tulad ng ibang kapatid ni papa na nilalait siya dahil kami lang ang mahirap. Si papa lang ang walang kayamanan sa kanilang magkakapatid.
Pagpasok ko sa bahay, napatingin sa akin sina mama at tita Belen. Nakipaglaro kasi ako kay Josh sa labas noong dumating si tita. Lumapit sa akin si mama at hinawakan ako sa dalawang kamay.
"Anak... gusto sana ng tita Belen mo na sa kanila ka muna tumira. Para may kasama siya doon. Nabalitaan mo na wala na ang asawa ng tita mo, 'di ba? At wala naman silang anak, kaya malungkot ang nanay ni tita mo," mahinahong sabi ni mama.
Lumapit si tita Belen sa akin. "Ibinigay ko ang lahat ng gusto mo, Wonu. Pag-aaralin din kita para makahanap ka ng magandang trabaho kapag nakapagtapos ka. Matutulungan mo pa ang pamilya mo kapag sumasahod ka na."
Napatingin ako kay mama. "Anak, ayos lang sa akin na kay tita Belen ka na muna. Doon, makapag-aral ka ng maayos. Hindi ka na hihinto tulad ngayon. Kaya kung papayag ka, Wonu, doon ka muna sa tita mo para may kasama rin siya."
Tumingin ako kay tita Elen na nakatingin sa akin. Nakaramdam ako ng lungkot dahil mawawalay ako sa pamilya ko. Pero naisip ko rin ang sinabi ni tita Elen. Kapag nakapagtapos ako at nakahanap ng magandang trabaho, matutulungan ko ang pamilya ko at maibibigay ko na rin ang gusto nila. Makakatulong pa ako kay mama sa pagpapaaral ng mga kapatid ko.
"Sige po, mama. Pumapayag po ako. Para kapag dumating ang araw..."
"Makakatulong na ako sa pamilya natin," sabi ko sabay ngiti.
Niyakap ako ni mama ng mahigpit, at narinig ko ang paghikbi niya. "Hayaan mo, anak. Dadalaw-dalaw ka naman dito kapag wala kang pasok. Para kahit papaano nagkikita pa rin tayo. Mag-ingat ka palagi at huwag kang magpapasaway kay tita mo, okay?"
Mabilis akong tumango. "Opo, mama. Magpapakabait po ako," sabi ko habang tumingin kay tita Belen na nakangiti at nakatingin sa akin.