LUCKY: HABANG pabalik ng mansion nila Marione ay hindi ko maiwasang kabahan. Naging abala kasi kaming dalawa sa magkaibang dahilan. Ang paalam nito noong nakaraan ay nagbakasyon silang mag-anak sa ibang bansa. Habang ako ay nasa mission namin sa Tarlac kung saan halos dalawang linggo din kaming nanatili doon para tumulong sa mga nasalanta ng bagyo. Nagkakausap din naman kami minsan ni Marione. At nasasabik ako sa sinaad nitong may surpresa siya sa akin pagkabalik ko ng syudad. Hindi ko tuloy alam ang mararamdaman ko sa mga sandaling ito. Kinakabahan na na-e-excite akong malaman kung ano ang sinasabi nitong surpresa. MARIONE: NANGINGITI ako habang pinagmamasdan sina Mommy at Daddy na magkayakap na pinapanood ang paglubog ng araw sa may pampang. Naging masigla bigla si Mommy sa pagdat

