25 Yssa's POV "J-jaxon..." Agad ako'ng napabitaw nang mapagtanto ko kung sino siya. Ironic, isn't it? Nagmamadali ako'ng makasakay para makalayo sa kanya pero siya pa pala ang magliligtas sa akin. Napahawak pa ako sa dibdib ko at dahan-dahang napa-atras. Nanginginig pa rin ang mga kalamnan ko habang iniisip ang nangyari Hindi ko maintindihan kung saan nanggaling ang sasakyan na 'yon. Sigurado ako'ng walang sasakyan kanina, paano? Muntik na ako'ng masagasaan! Dahan-dahang lumapit si Jaxon sa akin. "Stop! Diyan ka lang, Jaxon. Look, thank you for saving me earlier. But please, don't come near me." Takot pa rin ako sa kanya. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang ginawa niya sa akin noon. "Yssa... " "Please understand, I'm really grateful for your help, but I cannot allow you to come near

