24 Yssa's POV Napanganga ako sa sinabi niya. Tila biglang tumigil ang mundo sa pag-ikot, at parang tumigil ang oras sa pagtakbo. Nakatingin lang ako sa kanya at ganoon din siya sa akin. Magkahinang ang aming mga mata na tila ba nag-uusap. Wala akong ibang naririnig kundi ang napakalakas na t***k ng puso ko. Sa sobrang lakas no'n, pakiramdam ko masisira na ang dibdib ko at kusang lalabas ang puso ko. Sa muling pagtatagpo ng mga mata namin ay kapwa sumilay ang matamis na ngiti sa mga labi namin. We don't need to say the words because we completely understand each other. "Pasok ka na, Belle. I'll call you later." Mahinang sabi niya at hinalikan pa ulit ako sa noo. "Drive safely, Jordan. And Good luck on your interview. Don't be nervous, just be yourself." Pinilit ko ang sarili kong magl

