Chapter 48 Walang nagsalita sa tapat ng pagkain. Lahat ay nakatikom lamang ang bibig, habang nakain. Ang isa pa sa mga iniisip ko ay kung bakit narito ang babaeng Ayssa na iyon? Ano ba ang kailangan niya’t kailangan niya pang pumunta rito? Dahil ba sinusundan niya si Dell? “Hijo, kumain ka pa…” pagyayaya ni Belinda kay Kaiser, ngunit tumungo lamang ito sa kaniya. “Napakaganda po nang tanawin rito,” sagot ni Kaiser kay Belinda. “Marami pang pwedeng pasyalan rito, pero ano ba iyong narinig ko kanina? Iyong bangga mo raw itong si Ayssa?” Nagtago nanaman si Ayssa sa gilid ni Dell. Iniwas ko lang ang aking tingin, dahil duh! Ayokong masaktan, ‘no! “Ah! Bigla po kasi siyang tumawid, kasama po iyong isang babae. Tapos naiwan po iyong wallet niya sa lapag, kaya ako na

