Chapter 47 “Dito na lang,” sabi ko sa kaniya. Unti-unti naman niya iyong inihinto sa tapat ng aming bahay. Sinilip niya ang bahay namin mula sa bintana at tinignan ang bubong. “Kulay red nga ang bubong niyo,” ngumiti pa siya sa akin. “Thank you,” dahil medyo badtrip ako ngayon kay Dell at sa dalawang babae kanina ay animo’y parang wala akong lakas. “Are you alright? Parang hindi ka maayos,” hawak niya pa sa aking braso, ngunit iniwas ko na lamang iyon. Hindi ko na kasi na gusto na hahawakan ako nang kung sino. I know, kaibigan ko rin naman siya. Pero ang ex boy friend ay hindi mo na pwedeng maging best friend or friend. Minsan ka na niyang sinaktan, and gusto mo pa rin na maging kaibigan ang taong nanakit sa ‘yo? Tss… “Maganda ang bahay niyo…” talaga ba, Kaiser? Baka

