CHAPTER 19

1797 Words
Chapter 19       “Ako rin, hindi rin ako natutuwa sa ‘yo,” inis kong ibinaba ang hawak-hawak kong eco bag at mataray na tinignan si Dell. Kunot ang kaniyang noo na nakatingin sa akin, parang hindi niya nanaman gusto ang ginawa ko. “Take this and go home… with me,” tumaas pa ang isa niyang kilay.   “At sino ka naman? Baka nakakalimutan mong busy ka pa sa mga girls mo! You stupid butt face!” dabog akong tumalikod at naglakad muli. “Mukha ka raw pwet, Dell? That’s odd,” rinig ko pa ang tawa ni Gimor, habang sinasabi niya iyon kay Dell.   Talagang mukha siyang pwet! Masyado siyang pakialamera, ano ba akala niya? Kailangan lagi lang akong nakadikit sa kaniya? Tapos hindi naman niya ako pinapansin? Kung makaasta siya ay parang ang sama-sama kong tao?   Naramdaman kong may naglalakad na rin sa aking likod, batid kong si Dell iyon.   “Hindi mo ba alam na ayokong may nasunod sa akin?” lingon ko, ngunit gano’n na lamang ang gulat ko nang tumama ang ulo ko sa kaniyang dibdib, sa biglaang lingon. “Walk, Dalliance. Kung hindi mo kilala, ‘wag mong kausapin,” isang dakot niya lamang ang ulo ko at tila parang bola niya kung hawakan at iniharap sa tinatahak ko kanina.   “Hindi ka taga rito para magsiga at para ipakita ang pangit na ugali mo, naiintindihan mo?” bakit ba sa tuwing nakunot ang noo niya at sa tuwing pinagsasabihan niya ako ay parang kinakabahan ako? Hindi naman ganito si Lucy sa tuwing pinagsasabihan niya ako. Siya pa lamang ang lalaki na naging ganiyan sa akin, hindi naman nila ginanito ang ugali ko.   Siya lang talaga!   “Sabihin mo nga? Ano ba ang problema mo sa akin at bakit parang ang laki ng galit mo sa ‘kin?” iniwas niya lamang ang tingin at pumikit. “Ayoko sa mga maiingay na tulad mo, mapangmata ka. Hindi ka naman kagandahan, para maging ganiyan. Ni hindi ka nga maganda sa paningin ko,” umawang ang labi ko sa sinabi niya.   “Akala mo naman sobrang gwapo mo! Hindi kagandahan! Pwee! Palibhasa ay hanggang Samar lang ang inabot ng paa mo!” nakatalikod na siya sa akin, habang naglalakad. Ako naman itong nakatingin lamang sa kaniyang likod, hindi pa rin ako pinapansin.   “Nakakainis ka! Ang pangit ng ugali mo! Ang pangit mo! Mukhang pwet!” hindi niya pa rin pinansin ang sigaw ko. “Nakakainis! Hindi man lang siya naiinis! Bakit ako lang ang naiinis sa tuwing nilalait ko siya?! bakit kapag ako na ang nilalait niya ay parang sasabog na ang bungo ko sa inis?” gigil kong tanong sa aking sarili.   “Hintayin mo ‘ko!” sigaw ko pang muli at tumakbo patungo sa kaniya.   “Sa susunod ay ‘wag kang sisigaw nang sisigaw sa daan. Ang sama na nga ng ugali mo, ang pangit pa ng ugali mo, ang pangit mo pa, tapos sobrang lakas pa ng boses mo.” Lord, utang na loob! sana naman ay dinagdagan mo nang mahabang pasensiya ang ugali ko! “Nakakainis ka na talaga!” tila hahampasin ko siya sa kaniyang likod nang ma-out of balance ako nang matisod ako sa isang bato.   Mabuti na lang ay napahawak ako agad sa kaniya, dahil kung hindi ay baka ano na ang nangyari sa mukha ko.   “Tayo!” sigaw niya na ikinabigla ko. “Bakit ka ba naninigaw?!” tingin ko sa kaniyang mga mata. Ngunit nang tignan ko ang palad kong tila may nahawakan na kung  ano ay nanlaki ang mga mata ko. Naramdaman ko ang paglaki no’n lalo! Kaya’t napabitaw ako, dahil sa aking pagbitaw ay plumakda ako sa lapag.   “Yuck! Bakit ang laki n’yan?!” turo ko sa kaniyang alam mo na! ‘Yung ibaba niya! Ang laki! “Nakatabingi!” turo ko pang muli sa kaniya, dahil nakita ko kung hanggang saan aabot ‘yon! Nagulat ako sa laki at taba! “F-ck!” galit niyang singhal at mabilis na kinuha ang eco bag, saka pinagtakip sa kaniyang ibaba.   “Tumayo ka na nga d’yan! Manyakis kang babae!” parang luluwa pa ang mata ko sa tinawag niya sa akin! “A-ano? Manyakis? Malay ko bang ayan ang hahawakan ko? Akala ko kung kaninong kamay ‘yan! Parang braso sa taba, ano ‘yan? T*t* pa ba ‘yan?” gigil kong tanong sa kaniya.   Kita ko kung paano siya magalit sa mga sinabi ko.   Mabilis n’yang hinawakan ang bibig ko. Tila para hindi na ako makapagsalita pa.   “Tandaan mo nga na babae ka, Darcy at lalaki ako. Hindi na sobrang ganda ng ugali mo, nakakainis ka na.” ang galit sa kaniyang mga mata ang nagbigay sa akin ng takot. “Umuwi ka na.” natikom ko ang bibig kong tignan lamang siya.   Ibinigay niya sa akin ang eco bag at pinalakad muna. Hindi na ako nagsalita pa. Ngayon ay alam kong may mali ako, mali ang mga sinabi ko. Paano kung ako ang mahawakan niya ng gano’n, tapos gano’n rin ang mga sinabi ko sa kaniya.   Nakakainsulto nga naman iyon. Napayuko na lamang ako, habang naglalakad. Panigurado akong galit na galit na siya sa akin ng sobra.   Nakarating kami sa harap ng bahay ni Belinda nang harapin ko siya, pero nang natukom ko muli ang bibig ko nang makita ko siyang tumalikod at tila aalis na muli.   “S-sorry…” bulong ko sa aking sarili at tumalikod na lamang. Umakyat na lamang ako sa aking kwarto at tila tumingin na lamang sa bintanang malaki. Pinagmasdan ko lamang ang kabuuan. “Ayan kasi, kasalanan mo naman talaga, Darcy.” pagkonsensiya ko sa aking sarili.   Ngayon lamang ako nakonsensiya ng ganito. Parang manyakis talaga ako sa mga nagawa ko.   Doon ko lang napansin na ang likod pala ng bahay ni Belinda ay aninag ko na ang palayan at ang mga pinagkukuhaan nila ng mga prutas at gulay.   Kita ko rin dito ang pinagmamasdan kong puno nu’ng kailan. Maganda ang puno na iyon, nakakaagaw ng pansin. Pwede kaya akong pumunta doon? Feeling ko ay magandang tambayan iyon, pwede kaya?   Naghapon na nang hindi na masyadong masakit ang sinag ng araw sa balat.   Nasa baba lamang ako at walang nagawa kung hindi ang mag-isip lamang ng gagawin ko. Kaya nang mapag-isipan kong maligo at suotin ang mga damit ni Tine nang labag pa sa loob ko ay wala na akong nagawa.   Hindi naman pwedeng hindi ako maligo, hindi ba?   “Oh, anak…” napalingon ako kay Belinda nang tawagin niya ako. Tinignan ko agad ang likod niya, baka kasama niya si Dell. Ngunit napanguso ako nang wala siyang kasama o kahit anino man lang ni Dell. “May hinahanap ka ba?” tinignan niya ang likod niya nang mapansin na parang may hinahanap ako.   “Hindi siya sumama, Anak. Ayaw niyang maghapunan rito, mukhang bad trip ang isang ‘yon. Ngayon ko na lang muli nakitang ma-bad trip ang batang iyon,” inilapag niya ang ilang prutas na dala niya mula sa dala niyang eco bag.   “Hindi ko naman siya hinahanap, saka sino ba ang tinutukoy mo?” kahit kilala ko naman na kung sino ay nagpatay malisya na lamang ako. “Oo, hindi mo hinahanap si Dell.” tango-tango niya pa at kumuha ng tubig. “B-belinda?” tumaas ang dalawa niyang kilay sa akin nang tawagin ko siya.   “P-pwede ba akong umalis saglit? Hindi naman ako tatakas, may gusto lang akong tignan.” kita ko kung paano kumunot ang noo niya sa paalam ko. “Darcy, hindi mo alam ang lugar na ito. Paano kung mawala ka? Kung gusto mo ay samahan na kita?” ngunit umiling ako.   “Hindi naman ako tatakas, ‘wag kang mag-alala. May gusto lang akong tignan, nakita ko kasi iyong puno roon. Ang ganda-ganda niya kasi, parang gusto kong tignan.” naningkit ang mga mata niya at ngumiti.   “Parehas talaga kayo ng kambal mo na paborito ang lugar na iyon, pero hindi maganda na puntahan mo iyon ng mag-isa, Darcy. Masyadong matalib ang daanan roon, baka maligaw ka lang.” may kung ano sa puso ko ang hindi nagustuhan ang sagot niya. “Matanda na ako, Belinda. Siguro naman ay alam ko naman ang dinadaanan ko. Street smart kaya akong tao, hindi ako basta-basta naliligaw. Saka nakita ko ‘yung daanan na iyon, patungo iyon sa bukid.” pumikit lamang siya sa mga sinasabi ko.   “Wala si Dell, anak. Baka naman ay mapano ka, hindi maganda na umalis ka nang walang kasama. Hindi mo alam ang pasikot-sikot sa lugar na ito.”   “Please?” nag-puppy eyes pa ako sa kaniya. Tumalab ito kay Daddy noon saka kay Mommy. Panigurado akong tatalab rin ito sa kaniya. Sabi nga nila, hindi ka matitiis ng nanay at tatay mo. “Anak, hindi ko gusto ang gagawin mo. Pero halika, ihahatid na lang kita doon. Susunduin na lang kita, bago sumapit ang dilim. Ayos ba iyon?” parang nanlambot ang puso ko.   Gusto kong maluha na tignan siya, pero iniwas ko lamang iyon. Ayokong makita niya akong nagkakaganito.   “O-okay,” matipid kong sagot na ikinangiti niya lamang. “Alam kong hindi pa tayo nagkakasama ng matagal. Alam ko rin na hindi mo pa ako tanggap, pero sana ay ‘wag mo akong ituring ibang tao, anak. Kung may pagkakataon lang ako ay hindi ko hahayaan na kunin ka nila sa akin, hinding-hindi…” haplos niya pa sa buhok ko.   Lumunok lamang ako at umiwas ng tingin pa sa kaniya.   “Pwede na ba tayo umalis? Baka kasi masayang ang oras, susunduin mo rin ako kapag malapit nang magdilim, hindi ba? Kaya kung ayos lang ay tara na?” ngumiti siya at tumungo. Parang sa araw na ito ay natatauhan ako sa mga nangyayari.   Naglalakad kaming dalawa nang ito ang tumatakbo sa isipan ko. Parang hindi ako matigil sa kakaisip ng gagawin, gusto ko na ano… hindi ko alam! Basta nakokonsensya ako!   “Paano ba mag-ano… iyong ano…” kamot ko sa ulo ko nang hindi ko masabi ng diretso. “Mag-ano, Darcy?” tumabingi ang ulo niya.   “W-wala,” iwas ko na lang ng tingin. Ayokong sabihin sa kaniya, baka isipin niyang gusto ko si Dell, dahil may pakialam ako. “Mag-sorry ka lang, Anak. Sabi nga nila, hindi nadaan sa pera at materyal na bagay ang taong nagawan mo ng kasalanan. Lalo na kung mahal mo? Ang hinahantay lang nila ay ang sorry mo…”   “Ang materyal na bagay, Anak. Madaling bilhin lang ‘yan, kapag may ginawa kang kasalanan ay bibigyan mo lang ng materyal na bagay. Kapag naging maayos siya doon ay hindi ka no’n mahal. Hindi nadadaan sa materyal na bagay ang sakit na naidulot mo sa isang tao, Anak.”                                         
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD