CHAPTER 18

1344 Words
Chapter 18   “Ang sama mo talaga, Dell…” bulong ko sa isip ko. “Anak, kumain ka na ba?” napatingin ako kay Belinda na ngayon ay nakataas ang kilay sa akin. “O-oo, kanina sa bahay, kasabay ko ang lalaking ‘yon,” ibinalik ko ang tingin kay Dell na ngayon ay patungo na sa amin.   “Tita, babalik na lang po ako mamaya. Aasikasuhin ko lang ang ibang mga tao roon.” turo niya pa sa dulo. “Kahit hindi na,” ako na mismo ang nagsabi no’n sa kaniya na ikinataas ng kaniyang kilay na may halong pagtaray.   Hindi niya na ako pinansin at nagsimula nang umalis.   “Akala mo naman kung sinong maganda, hindi naman…”   “Tama, akala ko nga si Tine. Pero hindi naman ganyan ang itsura ni Tine. Hindi naman mukhang masungit at maldita si Tine,” sabi pa ng isang babae na mabilis ring tumaray sa akin at sumunod kay Dell. “Ano ang sabi niyo?! bumalik nga kayo rito!” tila handa na ako para sa pakikipag-away nang hawakan ni Belinda ang braso ko.   “Hindi maganda ‘yan, Darcy. Kung ako sa ‘yo ay pagkatapos nito ay mauna ka nang umuwi, mukhang matagal pa si Dell matatapos, tutulungan niya pa ang ibang mga tao roon sa kabila.”   “Great! Tama ‘yon! Kaya ko naman umuwi mag-isa, saka diretso lang naman ang nilakad namin kanina. Sa sobrang init ay parang nasunog na ako,” tumayo ako at pinagpagpag ko ang aking short. “Ikaw na ang mag-uwi n’yan, mauuna na ako sa bahay at mag-iisip nang magandang gawin para makauwi, bye!” ngumiti ako saka iginalaw ang dalawang daliri na may pagkaartihan.   “Mag-iingat ka,” hindi ko na pinansin ang sinabi niya nang maglakad na lamang ako patungo sa dinaanan ko kanina. Marami ang nakatingin sa akin, dahil nakain lamang sila sa ibaba at kausap ang mga kasamahan nito.   “’Neng! Ikaw ba iyong sinasabi ni Nena na anak ni Belinda na namuhay sa Manila?” napahinto ako sa isang babae na halatang chismosa. “Oo…” mabilis kong sagot kahit hindi pa ako nakatingin sa kaniya, dahil nasa gilid ko siya.   Kaya nang lingunin ko ito ay agad akong nagtanong.   “Ikaw ba iyong sinasabi ng mga tao rito na chismosa ka raw?” itinaas ko ang kilay kong itanong iyon. Kita ko kung paano ang gulat niya. “Salbaheng bata na anak ni Belinda, palibhasa ay lumaki sa Manila,” rinig ko pang sabi niya.   “Excuse me? Ikaw nga ay hindi pa nakakarating ng Manila ay salbahe ka na.” akala niya ay hindi ko siya papatulan? “Tignan mo? Salbahe talaga! Excuse me ka rin, hindi ako pupunta ng Manila,” may pagtataray niya pa sa akin na sagot.     “Aba’y dapat lang, dahil babaralin ka sa ulo, kung magiging chismosa ka doon.” hindi na ako nakipag-away sa kaniya nang magdire-diretso na lamang ako sa paglalakad. Si Dell ay naaninag kong nagbubuhat ng basket at inilalagay sa malaking truck. Kaya nang makita niya ako ay nagdiresto na lamang ako. Hindi ko na siya pinansin.   “Tss… akala niya ay kailangan ko ng tulad niya para makauwi? No, thanks…” pinagmasdan ko lamang ang buong lugar nang  nilalakaran ko. Ang malalaking talahiban ay nagsisilbing harang sa akin mula sa sinag ng araw na masakit sa balat.   “Hindi ba’t ang mga probinsya ay mayroong mga dagat? Bakit panay bukid ‘to?” totoo naman, ‘di ba? May nakita akong dagat noon.   “Tama! Sa mga Villion!” palakpak ko pang sabi! “Makakauwi ako kung sakaling sabihin ko sa kanila! Malamang ay papatuluyin nila ako doon!” ngunit nang pumasok sa isip ko ang mga pwede nilang tanong sa akin ay napaisip ako.     “Paano kung itanong nila sa akin na bakit ako narito? Ano ang isasagot ko? Ahm… kasi ipinadala ako ng Daddy ko, dahil sa kasalanan ko?” naningkit ang mata ko. Mukhang hindi ako tutulungan no’n, dahil may kasalanan ako at baka isipin nila na malala iyon.   “Erase-erase, ‘wag ‘yon. Iba na lang,” iling ko pa. “Alam ko na, sasabihin ko na lang na dahil ipinadala ako ni Daddy rito, dahil sa sinasabi niyang tunay kong ina!” kinagat ko muli ang aking labi.   Dahil hindi rin nila ako papatuluyin, kasi narito nga ang tunay kong ina.   “Ano na lang ang gagawin ko? Ano ba ‘yan?! ilang araw pa lang akong narito ay nahihirapan na ako, paano naman kaya kung buwan pa? Gusto ko nang umuwi!” narinig ko ang isang tunog ng bola na tumatama sa daan. Kaya nang lingunin ko iyon ay napansin ko kung sino iyon.   Siya ang lalaking sinabihan rin ako kanina ng kung anu-ano!   Hindi ko na siya pinansin pa nang mauna na akong maglakad pa lalo. Ngunit nang maramdaman kong mas malapit na siya sa akin ay mas binilisan ko ang lakad ko.   “Don’t run, hindi naman kita tipo.” umawang ang labi ko. Kaya nang lingunin ko siya ay umarko ang kilay ko. “So, kung tipo mo ako ay yayapusin mo ako?” mas matangkad siya sa akin.   Makapal ang kilay niya, bagay iyon sa kaniya. Hindi gaanong malaki ang katawan niya, pero bagay naman sa tangkad niya.   “Hindi pa rin, kasi hindi ikaw iyong magiging tipo ko. Hindi ka taga rito, ‘no?” sumabay ang lakad niya sa akin. “Napansin kong annoying ka, layuan mo ‘ko,” utos ko at naglakad nang mabilis.   “Kung bago ka rito, hindi ka dapat naglalakad mag-isa, hindi mo masasabi ang mga bagay na pwedeng mangyari sa ‘yo,” dahil matangkad siya ay kailangan ko pang iangat ang ulo ko para tignan siya.   Mukhang seryoso naman siya sa sinasabi niya sa akin.   “Kaya ko ang sarili ko, hindi ko na kailangan ng kasama.” para namang mamatay ako rito sa baryo na ‘to. “Kahawig mo ‘yung kakilala ko, mas maganda nga lang siya-”   “Alam mo, kung wala kang sasabihin na maganda ay ‘wag mo na akong kausapin.” ngumiti siya at agad na hinaplos ang buhok nito patalikod. Sunod no’n ay inilahad niya ang kaniyang kamay sa akin.   “Gilmor Herrera,” pagpapakilala niya.   “What a ass name,” sabat ko rin at agad na naglakad papalayo sa kaniya. Hindi ako mahilig makipagkaibigan sa mga totally strangers, kahit pa hindi naman siya halatang may masamang gagawin. “I think, ikaw iyong pinag-uusapan kanina na kambal ni Tine.” napapikit ako nang maasar na sa kaniya.   “Hindi ko alam na sikat na pala talaga ako sa baryo na ‘to. Oo, ako ang kambal ni Tine, hindi ako kasing ganda niya tulad nang nakikita ng mga bulag niyong mata,” talagang sarcastic kong sabi sa kaniya.   “I was joking you, you’re pretty. Magkaiba kayo ng ganda ni Tine. You’re pretty,” napahinto ako sa sinabi niya. Sa baryong ito ay siya lamang ang nagsabi sa akin no’n. I’m pretty, ibig sabihin ay maganda ako sa paningin niya.   Maganda naman talaga ako pero, dahil kay Tine ay parang natatabunan ang beauty ko rito.   “Okay, we’re friends. Dalliance Vercy Zerfa,” pagpapakilala ko at nilahad ang kamay ko sa kaniya. Ngumiti naman siya sa akin, kaya nang aabutin niya na iyon ay may biglang nagpatong ng eco bag sa kamay ko.   Imbis na makipagkamay kay Gilmor ay nakipagkamay ako sa isang eco bag.   “Naiwan mo ang eco bag na ‘to, Darcy.” mas idiniin niya ang pangalan kong Darcy. “Darcy pala ang pangalan mo, akala ko ay Dallian-”   “Ano ang kailangan mo. Herrera?” masungit na tanong ni Dell kay Gilmor. Habang ang isang kamay ni Dell ay nasa loob ng bulsa nito. “Nakikipagkaibigan lang ako sa kambal ni Tine, nakakatuwa na makita ko siya-”   “Ako hindi ako natutuwa…” tumabingi ang ulo ni Dell na tignan si Gilmor, matapos niyang sabihin iyon.   Bakit naman siya hindi natutuwa? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD