CHAPTER 17

1596 Words
Chapter 17   “Pasensiya ka na, Ate Nena.” yumuko si Dell nang ilapag niya ang basket sa may lilim. Tabi no’n ay ang isang truck na maraming laman na rin na basket. Sinisilip ko iyon, sapagkat hindi ko alam kung bakit nariyan ang mga iyan?   “Ibebenta ba nila ‘yan?” tanong ko kay Dell. “Nako, ‘Neng. Masarap ang mga mangga dito! Lalo na ngayon tag-init ay maraming naghahanap n’yan!” tumaas pa ang kilay ko nang hampasin niya pa ang braso ko. “D-did you just?” parang tataas ang dugo ko sa matandang ito.   Actually, hindi naman siya gaano katandaan. Mas matanda lang kay Belinda at mommy ng ilang taon.   “Ibigay mo na ‘yan sa Mama mo, naroon siya, bilisan mo…” napatawa ako, bakit parang nagiging utusan na ako dito? “Ano ba akala mo sa ‘kin, Dell? Utusan mo? Paglalakarin mo sa mainit na ‘yan? Walang sunscreen? Kahit payong man lang?”   “Nako, Hijo… tama nga naman ang girl friend mo, dapat ay may payong siya. Sayang naman ang kutis nito-”   “Hindi ko po ‘yan girl friend, Ate Nena.”   “At hindi ko po papatulan ang lalaking ito, Nanay.” pagtatanggol ko rin sa aking sarili nang sabihin ni Dell na hindi niya ako girl friend. Aba’y, nakakahiya naman sa kaniya, ha! Hindi niya ba alam na isa ako sa mga habuling babae sa buong mundo?   Ang swerte na nga niya at napagkamalan siyang boy friend ko!   “Nako? Gano’n ba? Pasensiya ka na, kaninong anak ka nga ba ulit?” ngumiti siya sa akin. Ngumiti na lang rin ako sa kaniya ng sarcastic. “Veronic-”   “Kay Aling Belinda po, Ate Nena. Kakambal po ni Tine na lumaki sa tatay niya sa Manila.” kita ko kung paano nanlaki ang mga mata ng matanda. “Totoo nga ang usapan dito sa baryo? Mayaman ang napangasawa ni Belinda noon? Nako! Mga lalaki nga naman na taga-Manila ay matapos kang pakinabangan ay iiwan ka na lang,” ako ang nainsulto kaysa sa tatay ko.   “Hindi po gano’n ang Daddy ko!” sigaw kong sabi at agad na naglakad papalayo. Araw-araw talagang sinusubok ang pasensiya ko rito sa lugar na ito. “Dalliance!” hindi ako lumingon. Alam ko naman kung sino ang tumatawag n’yon sa akin.   “Ano ba? Ano sasabihin mo sa ‘kin? Dede ka ba? Tawag ka nang tawag!” umarko ang kilay niyang mapamintas sa akin at agad na inangat ang eco bag. “Ano ba pinagsasabi mo? Pupunta ka sa nanay mo nang walang dala? Tss, ano ba kala mo? Tinatawag kita para I-baby?” tinarayan niya akong muli at agad na tumalikod.   Mali ang iniisip ko! Akala ko ay hahabulin niya at sasabihin sa akin na pasensiya na, dahil sa sinabi ng matanda na iyon!   “Anak!” kita ko ang gulat sa mga mata ni Belinda na makita ako. Pinunasan niya ang mukha nito gamit ang isang panyo, pawis na pawis siya at may mga kasamahang ibang mga mahihirap rin. “Bakit ka ba nagdala n’yan? Sana ay hindi na lang, uuwi naman ako-”   “Sabi ni Dell ay dalhan daw kita, kaya nga narito ako ngayon,” tumungo-tungo siya sa aking pagsingit. “Pasensiya ka na, Darcy…” ilang saglit pa ay umangat ang tingin niya sa akin. “Ano kamo? Inutusan ka ba niyang pumunta rito para dalhan ako ng pagkain?”   “Yes! Inutusan niya ako!” turo ko pa sa sarili ko. Mukhang magagalit si Belinda kay Dell, dahil sa pag-utos sa akin ng lalaking iyon. Mukhang magiging masaya ito.   “Asan si Dell? Kakausapin ko na lang siya mamaya.” napapikit ako at napangiti. “Thank you so much, Belinda! I’m so tired, like I’m scared of him. I don’t why that I’m scared of him, I just find out that he gives me this goosebumps…” panginginig pa ng katawan ko at lumapit sa kaniya.   “Anak, maupo ka na lang doon. Hintayin mo na lang si Dell at sumabay na kayong dalawa sa pag-uwi,” umawang ang labi ko. Bakit niya ako papasabayin doon sa lalaking iyon? “T-teka… hindi ba’t magagalit ka sa kaniya, dahil inuutusan niya ako? Bakit pasasabayin mo ako sa kaniya?” hindi pa man ako nakakaupo ay agad na akong lumapit sa kaniya.     “Anak, sige na… maupo ka na, mainit dito.” inilalayo niya ako. Nasa lilim ako ng puno at siya naman itong nagpipitas nanaman ng kung anu-ano.   Nilingon ko ang paligid at doon ko napansin ang ilang mga kasamahan niya na pinaghahandaan sa isang tela ng pagkain.   Tinignan ko si Belinda na punas-punas ang kaniyang pawis.   “Mama! Nakahanda na po ang kakainin mo, Mama! Halika na!” nakatitig lamang ako sa batang  babae na tinatawag ang kaniyang ina. Napahinga ako nang mahina, mabilis kong inalis sa eco bag ang mga inihanda ni Dell.   I know, naging masama ako, pero kailangan ko.   “B-belinda, kumain ka muna!” sigaw ko sa kaniya. Umangat ang tingin niya sa akin at agad na ngumiti. Doon ko nakita ang isang ngiti na may pagkakahawig sa akin. Totoo bang siya ang nanay ko?    Hindi naman sa nagdududa ako, alam ko naman na ang result at ang totoo. Pero ang hirap tanggapin na sa loob ng ilang taon, ay hindi ko siya nakasama.   “K-kumain ka muna, bago ka bumalik sa work mo,” pinagpagpag niya ang kamay niya. “Are you not gonna wash your hands?” hindi siya tumabi sa akin, ngunit nang makaupo siya sa may damuhan ay parang wala siyang naririnig. “Wala ka namang nakikita na hugasan ng kamay dito, hindi ba? Naroon pa ang hugasan sa dulo, may puso doon.”   “Then why don’t you just wash your hands, then get back here,” sambit ko. “Hayaan mo na, anak. Minsan kailangan rin natin ng germs sa katawan. Saka hindi ko naman kakamayin ang mga ito.” ngiti niya pa at agad na kumain.   “Fine, kumain ka na.” tinignan ko ang kabuuan. May mga tao sa pinakadulo na may kalabaw, habang ang nasa harap ko ay medyo malalaki ang mga dahon. “Ano ‘yung mga kinukuha mo d’yan?” turo ko sa pwesto niya kanina. “Ah, doon? Maraming mga gulay rito, ang mga kinukuha ko ay repolyo.” itinuro niya ang isang basket at doon ko napagtanto ang sinasabi niyang repolyo.   “Hindi po repolyo ‘yan, Tita. Malunggay po ‘yan, nagkakamli po kayo,” napalingon ako sa aking likod. Napataray ako agad nang mapagtanto ko kung sino iyon. “Ha?” hindi iyon na gets ni Belinda.   “Niloloko lang kita, Tita… pupunta na po ako doon,” turo niya sa dulo at hindi na lumingon pa sa amin. “Nakakainis talaga siya. Akala niya ay sobrang gwapo niya,” medyo napalakas ata ang bulong ko nang marinig kong natawa si Belinda.   “Gwapo nga siya, Anak.”   “Anong gwapo sa kaniya? Walang-wala siya sa mga kakilala ko sa Manila, saka… saka lahat ng lalaki sa Manila ay ginagalang ako. Ang iba nga doon ay nagkakandarapa pa sa akin, samantalang siya ay parang napaglumaan ng panahon,” mataray ko pang sabi. Habang nakatingin sa likod ni Dell na ngayon ay malayo na sa amin. “Isa siya sa mga ginagalang rito sa baryo, Anak. Marami ka pang hindi alam sa lalaking ‘yan, Darcy.”   May kung ano sa aking loob ang nagtataka sa sinabi ni Belinda.   “Narito raw si Dell!” sigaw ng babae sa aking likod at mabilis na tumakbo papalayo. “Kita mo na? Habulin ‘yan ng babae,” sunod pang sabi ni Belinda.     “Tss… kawawang mga babae, palibhasa ay hindi pa nakakakita ng mga tunay na gwapo na’t mayaman pa, kaya nagkakandara pa sila sa antipatikong lalaki, wala na ngang modo, pangit pa.”   “Anak, maghinay-hinay ka sa mga sinasabi mo ay parang humahanga kay Dell, baka mamaya ay ikapahamak mo pa iyan sa lugar na ito. Maraming fans ‘ya-”   “So, what? Akala naman nila ay hindi ko sila papalagan? Akala ba nila ay matatakot ako? Sa ilang araw na narito ako, nakukuha ko na ang ugali ni Dell, Belinda. Kapag nakita ng mga babaeng iyan ang ugali ni Dell ay magagalit rin sila, masyado kasi siyang grumpy at hindi namamansin ng babae-”   “Ayan na si Dell!” hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang makita kong tumakbo pa ang ilang babae patungo kay Dell. Hindi ko makita ang mukha niya dahil may nakaharang na babae, ngunit alam ko na ang itsura niya.   “Tignan mo ‘yan,  nakasimangot ‘yan. Ako nga na maganda ay galit na siya,” malakas ang loob kong sabi kay Belinda na para bang nakikipagpustahan pa. “Tignan mo-” hindi ko nanaman iyon natuloy nang manlaki ang mga mata kong makita siyang nakatawa.   Kinuha niya pa ng dala ng babae at saka ngumiti muli. Pinunasan naman ang kaniyang noo ng isa pang babae at natawa lamang siya sa ginawa nito. Akmang pupunasan siya muli nang pinahinto niya iyon.   Bagkus kinuha niya ang banyo at ipinatong sa ulo ng babae.   “Hindi ko makita ang grumpy na tinutukoy mo, Anak. Masyadong mabait ang batang iyan, kaya maraming nagkakagusto, kita mo ‘yon?” turo niya pa sa isang matanda na parang naghuhugis puso ang mga matang nakatingin kay Dell.   Ibig sabihin ay sa akin lang siya laging galit?! mainit ang ulo? Ang hayop na lalaking iyon! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD