CHAPTER 16

1435 Words
Chapter 16   “Saan ko naman ito lalagay? Saka sino ang maghahatid? Naka kotse tayo?” ngiti kong tanong. “May kotse ka?” tanong niya sa akin na ikinakurap-kurap ko. “May nakikita ka sa labas? ‘Di ba, wala?” sunod niya pang sabi sa akin na ikinangisi ko.   “Alam mo sa hindi pagmamayabang, marami akong kotse. Hindi mo mabibilang sa rami, saka isa pa ay pwede kitang bigyan kung sakaling ikaw ang maghatid sa kaniya,” turo ko pa sa dibdib nitong ikinangisi niya pa sa akin. “Alam mo, malapit nang maubos ang pasensiya ko sa ‘yo,” turo niya rin sa akin, ngunit sa noo ko tumama ang daliri niya.   “Utang na loob, Dalliance. ‘Wag mong ubusin ang pasensiya ko,” tila umawang ang labi ko sa kaniyang pagtawag ng pangalan ko.   “Hindi ko alam kung saan mo nakuha ang pangalan ko, pero hindi tayo close. Ayokong tinatawag ako na Dalliance Vercy or Dalliance, kahit alin doon ay ayoko.” sabay flip ng hair. “Kung nasa amin lang ako ay hindi na ako para mahirapan pa sa lugar na ito.”   May kinuha siyang lagayan at nagsandok ng kanin.   “What are you doing? Naglalagay ka ng food d’yan?” maate kong turo sa kaniyang hawak. “Hindi ba’t mayaman ka? Bakit hindi ka magpabili ng utak sa tatay mo?” napaayos ako ng tayo at napangisi.   Iniinsulto niya ba ako? Ano ba ang tingin niya sa akin? Bobo? Tanga?   “Are you saying that I’m bobo? Stupid?” taas boses kong tanong sa kaniya. Umangat pa ang ulo ko, sabay ng aking dalawang kilay. “I’m saying na sana ay magpabili ka ng two-fifty-six gb na memory card sa tatay mo ay isaksak mo sa utak mo, kasi maliit lang ata ang space ng utak mo.”   Ikinalma ko ang aking sarili. Tila iniisip ko na lamang na hindi ko iyon narinig.   “You’re humiliating me, Dell. Alam mo bang masama ‘yan? Sabagay, ang mga mahihirap na tulad mo ay walang ibang gawin kung hindi ang manghila ng iba paibaba. Nakakasuka lang isipin na hanggang ngayon ay wala akong makitang pagbabago sa mga mahihirap na tulad niyo,” naramdaman ko ang inis sa aking boses.   Naalala ko nanaman ang nangyari noon.   “Katulad mo, ang hirap mong intindihin. Sa lahat ng mayaman ay ikaw lang ang hindi mabait. Ikaw ang top one sa lahat ng masama,” pumalakpak pa siya at hindi naglagat ng sabay na may laman sa isang lagayan.   “Okay lang na maging masama, kaysa saktan ko ang sarili ko na hamakin lang ako ng mga taong akala mo kung sino…” iniwas ko ang tingin ko sa kaniya. Hindi na siya nagsalita pa.   “Kumuha ka ng kutsara at tinidor, ilagay mo sa plastic para hindi marumihan,” utos niya pa sa akin. “Wow, ah! Parang ikaw lang naman itong boy, pero ngayon ay ako pa itong inuutusan mo?”   “Pasalamat ka nga at ginagawa ko pa ‘to. Hindi ko naman nanay ang dadalhan natin nito. Ikaw dapat ang nagawa nito, hindi ako,” hindi siya nakatingin sa akin. “Then, ‘wag mong gawin. How simple as that, bakit mo papahirapan ang sarili mo, hindi ba? ‘Wag mo gawin, my gosh, easy!” dabog akong lumapit sa salamin na nakasabit sa gilid at pinagmasadan ang aking sarili.   “Uhm, so far… hindi naman ako nagkaroon ng break outs sa sabon ni Belinda, found it good too…”   “Ready na ito, hindi mo sinunod ang utos ko o sadyang bobo ka lang nga talaga?” tumaas ang tingin ko sa salamin. Ngayon lamang ako kausapin ng ganito, seryoso ba ito? “May sinasabi ko ba? Baka kasi hindi ko lang narinig ng maayos. What is it again? Sinabihan mo ba akong mind less? Brainless? Stupid?” parang sinaktan ang puso ko.   “Bakit hindi ba? Ikaw ang nagsabi n’yan sa sarili mo, sinasabi ko lang na baka.” ikalma mo lang, Darcy. Parang kanina lang ay nakita mo siyang gwapo, ngayon ay parang tinubuan siya ng maraming sungay sa ulo! Hanggang noo niya ay mayroon! “Akala ko naman matalino ka, baka kasi hindi mo lang alam ‘yung kutsara at tinidor?” ano bang akala niya sa akin, tanga?   “Sino’ng nagsabi na hindi ko alam? Fork!” sigaw kong sabi sa kaniya. “And?” sunod niyang tanong. “Beans!” nasapo niya ang noo niya sa sunod kong sigaw. “Fork and spoon, duh!” pagbabawi ko. Hindi ko rin alam kung bakit ko nasabi ang beans. Parang iyon lang ang unang pumasok sa utak ko na gusto kong kainin.   “Uh! Parang gusto ko ‘yon, pork and beans.” naniningkit pa ang mga mata ko. “Mas masarap iyon sa tinapay na pinakain sa akin ni Belinda, kaysa sa cereal na kinakain ko tuwing morning,” itinali ko ang aking buhok.   “Dalhin mo na ito,” nang dabog niyang ibinaba ang eco bag sa mesa na naroon ang pagkain ni Belinda. Hindi nanaman niya ako tignan bago siya lumabas ng bahay. “Teka! Wait, my gosh!” kinuha ko ang pinapadala niya sa akin.   “Are you not gonna handle this? Babae ako, hello?” yakap-yakap ko iyon, habang naglalakad kami sa kung saan. “We’re here in the middle of the dessert, tapos nagbubuhat pa ako!” hinahabol ko siya sa paglalakad. Ang bilis naman nitong humakbang.   Mas matangkad siya sa akin, kung tutuusin ay parang mas matangkad pa siya kay Kaiser.   “Hindi ka gentelman, ha? Grabe talaga ang mahihirap ngayon, kahit ang mga magaganda ay pinagbubuhat na rin nila…” ngisi kong sabi sa aking sarili. Batid kong narinig niya iyon, pero hindi niya naman pinansin ang sinabi ko.   Bakit ba parang ang hirap sa kaniya na kausapin ako. Kung kausapin niya naman ay lagi na lang masasakit ang mga sinasabi niya. Lagi pa siyang masungit sa akin, hindi na lang siya katulad ng mga lalaki sa school namin.   Para akong santo sa kanilang paningin. Lahat ng sinasabi ko ay susundin nila, ito lang talaga ang lalaking ito ang hindi ko mapaamo.   “Ouch!” pag-iinarte ko, ngunit nauna pa rin siyang maglakad. Hindi siya lumingon sa akin! “Wait naman! Ang init-init na nga! Wala akong sunscreen! Nakakainis!” mabilis ko siyang hinabol, kaya nang ilang saglit pa ay nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita.   Naramdaman ko ang init lalo nang wala ng malaking talahiban ang haharang pa sa araw.   Ang isang malawak na bukid ang buluga sa akin.   “Ate Nena, ako na po d’yan,” saka niya kinuha ang isang basket na may laman na kulay green. “Nako, salamat naman, Dell. Mabuti na lang talaga at narito ka, hindi ko alam kung paano ko iyan bubuhatin patungo roon,” turo pa ng matandang ito patungo sa isang malilim na bahagi na may isang truck.   “Ako na po ang bahala, Ate Nena. Kung tapos na ang pagkuha mo ay hayaan mo na akong magdala ng iilang basket patungo doon,” nakatingin lamang ako kay Dell nang nanlaki ang mga mata kong nang makita ko siyang ngumiti.   Para nanaman siyang nagliwanag sa paningin ko.   “’Neng?” napakurap ako agad nang makita kong nakatingin sa akin ang matandang ito at nakangiti. Sarcastic akong ngumiti rin sa kaniya. “Kahawig mo si Tine, magkapatid ba kayo?” mahinhin niyang tanong sa akin.   “I don’t talk to stranger, sorry poor old.” yumuko pa ako at nagbigay ng galang. Ngunit nagulat nanaman ako nang may humawak sa pisngi ko at agad na hinila pataas.   “Ouch! Ouch!” sigaw kong tumingin kay Dell na pisil-pisil ang pisngi ko pataas. “Ang cute mo talaga!” pinanlakihan niya pa ako ng mga mata. “Pasensiya ka na, ‘Neng. Pero hindi kasi ako nakapag-aral, kaya medyo hindi ko naintindihan ang sinabi mo.” ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko nang bitawan niya iyon.   “Why did you do that?!” sigaw kong tanong sa kaniya. Nagagalit na ako sa kaniya! “Sinabi niya po na kami na ang bahala sa lahat ng prutas na dala niyo, Ate Nena.” pag-iiba ni Dell sa sinabi ko.   “Nako! Gano’n ba?! napakabuti mo namang bata, ‘Neng.” mabilis niyang hinawakan ang kamay ko at ngumiti. “Napapagod na talaga ako, medyo hindi na nga ako makahinga, dahil sa sobrang init rito. Mabuti na lang at dumating kayo,” sunod niya pang sabi.   Napalunok akong tignan ang matanda. Nakaramdam ako ng guilty… 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD