CHAPTER 15

1436 Words
Chapter 15 “Alam mo, pakialamero ka. Ito ang inutos sa akin, kaya wala kang magagawa, ha!” taray ko pa at agad na pumasok sa loob ng bahay. “Belinda, here’s your malunggay,” kumurap-kurap lang si Belinda nang ilapag ko pa dahan-dahan ang malunggay sa mesa, ngunit nilapad ang isa. “Oh, my! Wait kukuha pa ako!” aalis na sana ako nang dumating si Dell nang may maraming dalang malunggay sa kaniyang kamay. “You wasting a grass! Hindi na ‘yan mababalik sa puno! My, gosh! How bobo,” kita ko ang paghinga niya at ipinikit pa ang mga mata. “Hayaan mo na, Darcy. Maraming salamat, Dell. Dito ka na lang kumain, saglit lang naman lutuin ito,” bakit sasama pa kumain itong lalaki na ito sa amin? “Alam mo, hindi ko alam kung bakit palamunin ka ni Belinda, wala ka bang mommy?” taray kong tanong. Hindi nanaman niya ako pinansin. Naniningkit na ang mga mata ko. Parang natural lang sa kaniya na makakita ng ganitong klaseng beauty! Taga-Manila ako, malamang ay ang mga taong napag-iwanan ng panahon ay maakit sa ganda ko. “Darcy, bata pa lang si Dell ay talagang narito na ‘yan. Kaya maging mabait ka sa kaniya, marami iyang natulong sa akin at kay Tine.” “Sa inyo lang, wala siyang natulong sa akin,” akala niya, ha! Sino siya para pagbigyan ng ugali ko na maging mabait? “Hay nako, Darcy… hindi sa lahat ng panahon ay iintindihin ko ang ugali mo, anak.” bakit ba sa tuwing binabanggit niya ang anak ay naiinis ako? “Drop the anak, please? I’m not comfortable with that, sorry,” inis kong sabi at tinarayan si Dell, kahit hindi naman siya nakatingin sa akin. “Tita, babalik po ako agad, bibisitahin ko lang ang planta,” planta? Bakit siya aalis? Tinignan lang siya ni Belinda at tinunguhan, tila pinapayagan sa kaniyang kagustuhan. “Planta? Doon ba siya nagtatrabaho, Belinda?” “Pakikuha ng manok, Darcy,” utos niya sa akin. “Baka naman tanungin mo ako kung ‘yung buhay o patay,” sunod niya pang sabi na ikinangisi ko. “Nye… funny,” iniabot ko rin sa kaniya ang manok na nasa bilog. Malinis na iyon, saka ako sumandal sa gilid upang tignan ang kaniyang ginagawa. “What do you for a living?” lumingon lamang siya sa akin at mabilis na bumalik ang tingin sa kaniyang ginagawa. “Nagtatanim, Darcy.” “Nagtatanim? Hindi ba’t nakakakuba ang trabahong iyon? Aren’t you tired doing that? I mean for years, hindi ka ba nagsasawa? Pinag-aral mo anak mo, para hanggang ngayon ay magtatanim ka?” suminghap siya at pinunasan ang kaniyang kamay ng sariling damit. Tinakpan niya ang niluluto nito na aking naamoy. “Darcy, nag-aral si Tine para sa huli ay hindi siya maging katulad ko. Hindi siya nag-aral para maiangat ako sa kahirapan o ano. “False, kung ako si Tine ay hindi ko hahayaan na maghirap ka dito, habang wala kang kasama,” dagdag ko pa, hindi niya iyon pinagtunguhan ng pansin. Bagkus nagpunas lamang siya ng mesa. Nagagalit ba siya, dahil sa sinabi ko? Totoo naman kasi, imbis na kunin siya ni Tine ay narito siya at nagpapakahirap. “Mamaya ay aalis na ako para magtrabaho, anak. Maiiwan ka dito, narito naman si Dell para may kasama ka-” “Wait a minute! Bakit kasama ko ang lalaking iyon? And where are you going again? You’re sick, Belinda!” hindi sa ayoko siyang payagan, pero gano’n na nga. Ayokong magtrabaho siya, ayoko ring maramdaman ng kahit sino ang naramdaman ko, simula nu’ng mawala ang mommy ko. “Kung hindi ako magtatrabaho ay wala tayong kakainin, wala tayong pera pambili ng mga kailangan sa bahay at pambayad sa ilaw, tubig.” turo niya pa bumbilya at tumingin sa akin. “Hindi lahat ay katulad mo na walang poproblemahing bayaran, anak.” hinawakan niya ang aking braso at tinapik iyong ng dalawang beses. “Dapat ay marunong kang umintindi na hindi lahat ay katulad mo, hindi lahat ay namuwang sa salapi at tanging buhay lamang ang hindi na bibili,” natikom ko ang aking bibig. Alam kong tama siya, pero siya lang rin naman ang inaalala ko. Wala akong nagawa nang maiwan na lamang ako sa bahay na ito. Kahit gusto kong tumakas ay nadala na ako nang kuhain ang ilang gamit ko, tapos ang ipapalit lamang sa akin ay walang kwentang phone. Kumalam ang aking sikmura nang mapagtanto kong anong oras na at hindi pa ako kumakain ng tanghalian. “What’s this?” tingin ko sa luto niya. Aminado naman akong malinis ang bahay nila, sadyang gawa lang ito sa kahoy, kaya hindi masyadong naging maganda sa mata ko. Kung maayos lang ang pagkakagawa at hindi maliit ay magiging maayos ang bahay na ito. Architect si Tine, hindi ba? Bakit hindi niya man lang mapaayos ang bahay na ito? Masyado siyang makasarili. “Ang tagal naman bumalik ng lalaking iyon,” umawang ang labi ko nang ma-realize ko ang sinasabi ko sa aking sarili. “Tsk, dahil bored lang ako kaya gano’n.” pagpapakalma ko, hindi ko naman trip ang mga ganong lalaki. Gwapo siya, aaminin ko. Hindi nga lang mayaman, ayoko namang matulad kay Belinda na hanggang ngayon ay hindi nakakaangat sa buhay, kahit naging successful na ang anak. Napaisip ako bigla nang maisip kong si daddy ang nakabuntis kay Belinda, kaya bakit hindi niya ito binilhan ng bahay? “Mahal kaya ni Daddy si Belinda? Mas mahal niya kaya iyon, kaysa kay Mommy?” tanong ko pa sa aking sarili. Ilang anino ang aking nakita na biglang pumasok sa loob. Kaya nang makita niya ako ay aatras na siya palabas. “Ah! Hey!” pigil ko sa kaniya na ngayon ay huminto. Lumingon siya sa akin at para siyang anghel nang matamaan ng sinag ng araw mula sa labas. “What?” taas kilay niyang tanong sa akin. “Crush mo ‘ko, hindi ba? Pumasok ka na, ‘wag ka nang mahiya,” mariin niyang ipinikit ang mga mata nito. “Don’t what-what me, pumasok ka na. Ang sabi ni Belinda ay sasamahan mo ‘ko, hindi ba? Kasi kung hindi mo ako sasamahan ay tatakas ako, sige ka,” banta ko pa sa kaniya. “Edi, tumakas ka… satingin mo hahabulin kita?” ngisi niyang tanong sa akin at tumaray, bago pumasok. Bakit ba ang sungit-sungit niya! Nakakainis na, ah! Parang binalik sa akin ang ugali ko! Hindi naman ganito ang mga lalaki! “Hindi ka ba takot sa akin? Alam mo ba na kapag nakabalik ako sa Daddy ko ay kaya kitang pahirapan? Bibilhin ko ang planta na pinagtatrabahuhan mo at aalisin kita doon,” pananakot ko pa. Ngumisi lamang siya nang makaupo sa upuan at nagsandok ng kanin. Bumalik ako sa upuan ko, kaya’t naging katapat ko na siya ngayon. Parehas na kaming kumakain, tinitignan ko lamang siyang kumuha ng ulam. “Bakit ang sungit mo sa ‘kin? Akala ko ba ay crush mo ‘ko? O ginagawa mo ‘to, para mapansin ka?” hindi niya pa rin ako pinapansin! Nakakainis na talaga! “Alam mo, gano’n talaga, Dell. Pero pwede naman kitang magustuhan, e…” huminga siya ng malalim at matipuno niya akong tinignan. “Si Tine ang gusto ko, kaya manahimik ka na nga lang…” nanlaki ang mga mata ko sa kaniyang sinabi. Totoo ba ang narinig ko? Hindi naman siya nagbibiro, hindi ba? In-elbow niya ang ganda ko? Gusto niya si Tine? “May asawa na si Tine, hindi ba? ‘Wag mong sabihin na gusto mo siya agawin sa asawa niya?” taas kilay kong tanong. “Kung ako sa ‘yo ay ‘wag siya ang gustuhin mo, kasi hindi siya marunong magpahalaga ng pamilya, tignan mo ang ginawa niya sa nanay niya, iniwan niya lang-” “Pwede ba? Wala kang alam sa kung ano ang ginawa ni Tine para sa nanay niya. Kung mayroon mang walang pahahalaga dito ay ikaw iyon,” kumunot ang noo ko sa sinabi niya. “Excuse me, lang, ha! Fake news ka, Waiter boy na nagtatrabaho sa palayan.” turo ko pa sa kaniya. “’Wag mo akong duruin, hindi ako natutuwa sa ‘yo,” isang taray niya lang ay kumabog na ang dibdib ko. Bakit feeling ko ay natakot ako sa kaniya bigla? “Kumain ka na, at dalhan mo ang nanay mo sa palayan ng makakain niya sa tanghalian,” napalunok ako at tumungo. Damn this man, ano ang ginawa niya sa akin para matakot ako ng ganito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD