CHAPTER 14

1695 Words
Chapter 14   “C-can you… walk?” kabado akong hawakan siya. “B-belinda, can you walk?” tumayo siya at agad akong hinawakan sa kamay. “Maglinis ka na ng katawan mo, Anak. Kaya ko ang sarili ko, sadyang pagod lang talaga ako-”   Kumunot ang noo ko, hindi ko gusto ang idea niya.   “Take this, maupo ka muna. I-I… I can wash the dishes, just sit,” kagat labi kong sabi at agad siyang binigyan ng tubig. “This is not malamig, inumin mo muna ito.” tinignan niya lang ako nang parang kakaiba sa kaniya ang ginawa ko.   “Don’t look at me like that. Hindi man ako lumaki sa ‘yo ay may puso ako, pero we’re not close or bati, ha!” pagbabago ko ng usapan. Baka kasi isipin niya na tanggap ko na. Ngumiti lang siya at tumungo. “Hindi kita pipilitin, Darcy. Alam kong darating ang araw na matatanggap mo ako, at masasabi ko rin sa ‘yo ang totoo.” kinagat ko ang labi kong isipin ang mga sinabi niya.   “F-fine… magpa-ospital ka na kaya?”   “Wala akong pera,” agad niyang sagot. Napapikit ako nang wala rin naman akong pera rito. “How about Tine? Siguro naman ay-”   “Hayaan mo na, Darcy. Kaya ko naman, maglinis ka na. Kaya ko naman ang nararamdaman ko. Ayokong gumastos siya, kakagastos niya lang sa akin…” kumuyom ang aking kamao. “Ano naman ngayon kung kakagastos niya lang? Pera lang ‘yan! Babayaran ko siya pag-uwi ko ng Manila! Dodoblehin ko!” nakaramdam ako ng galit sa sinabi niya sa akin. Hindi ba’t anak niya naman iyon, hindi na siya dapat nahihiya pa!   “Maglinis ka na, Anak.”   “Fine! Just stay here, Belinda. ‘Wag kang aalis,” kinuha ko sa sahig ang damit na aking ibinato. Wala naman akong magagawa kung hindi ang suotin ito.   Pinalibot ko ang tingin sa banyo na ito.   Malinis naman, ngunit walang shower at narito na rin ang banyo na alam niyo, labasan ng jebs.   “Asan ang sabon-what the heck? Totoo ba?” hindi niya pa itapon ito. Napaka-cheap ng sabon na ito, hindi katulad ko na nagbabad sa gatas sa aking bathtub. Sisigaw na sana ako para sa sabon, ngunit nang maalala kong wala siyang pera ay natikom ko ang aking bibig.   Bakit ang bilis ko makonsensiya ngayon? Ano na, Dalliance? Mabait ka na ngayon?   Binuhos ko ang tubig na galing tabo. Doon pumasok sa isip ko ang mga sinabi niya. Nakaramdam ako ng awa, bakit kailangan niya pang maiwan ng mag-isa sa ganitong lugar. Paano kung wala ako? Sino ang kasama niya?   “Bakit naman kasi siya iniwan ni Tine? Hindi man lang niya bilhan ng bahay o hindi kaya ay isama sa Manila. Napaka-selfish niya, makabalik lang ako ay kukunin ko ‘tong nanay niya,” sambit ko sa aking sarili.   Nakalabas ako ng banyo na suot-suot ang damit ni Tine. Bago ang mga underwear, feeling ko ay iyon lamang ang mga bago na ibinigay niya sa akin.   “Kamukhang mo si Tine,” ngumiti siya. Umiwas lamang ako ng tingin. “Kung totoong kambal kami, bakit hindi kami talaga magkamukha, like other twins?” huminga siya ng malalim at agad na hinawakan ang braso.   Nu’ng una ay medyo naiilang pa ako.   “Sa totoo n’yan ay hind-” hindi niya iyon natuloy nang hawakan niya ang ulo niya. “Hey… ano ang masakit sa ‘yo?” hawak ko pa sa braso niya. “Nahihilo lang ako, siguro ay sa sobrang pagod ko sa palayan,” sagot niya.   “Take a rest. ‘Wag mo akong pakabahin, at parehas tayong walang pera,” kita ko ang kaniyang pagtawa na aking kinainis. “I can’t take you to the hospital, wala akong phone to call Dad to get help. Wala sa akin ang atm ko, pero…” pinikit ko ang mga mata ko, hindi ko na alam ang naiisip kong gagawin para sa kaniya.   “Gagawa ako paraan. My gosh! Pinadala ako dito para mamoblema lalo,” ikot pa ng mata ko. “Pasensiya ka na, Darcy at namomoblema ka tuloy,” may kung anong kumurot sa aking dibdib.   Hindi ko gusto ang gano’ng salita.   “Ihahatid na kita sa kwarto mo,” doon ko lang napansin na presko pala ang damit na ganito. Kahit nga ata hindi na ako mag-bra ay masarap sa pakiramdam. Humiga siya sa lapag at pinabuksan ang kaniyang electric fan. “Bibilhan kita ng aircon,” parang nahihirapan kasi siya sa init.   “Parehas na parehas kayo ng kambal mo. Iyan rin ang sinabi niya sa akin bago siya maging architect,” bakit niya ba na laging ibinibida sa akin ang babaeng iyon?   “Good night, Dalliance. Sweet dreams, Anak…” napahinto ako sa paglalakad palabas ng kaniyang kwarto. Hindi ako lumingon, ngunit nakagat ko lang ang aking labi. “N-night…” hinawi ko ang kurtina, bumaba ako muli.   Binuksan ko muli ang bintana, pinagmasdan ko lamang ang buwan sa kalangitan.   Ano ba pakiramdam nang lalabas ka lang kung kailan mo gusto? Tanong ko sa aking isipan sa buwan. Buo siya ngayon at masilaw, ngunit maganda.   Doon ko napansin ang kakaibang puno mula sa hindi kalayuan.   Iyon ang naiibang puno sa lahat. Kaya nang maramdaman ko ang antok ay natulog na ako.   Nagising ako kinabukasan nang maramdaman ko ang sakit sa aking likod. Bakit ba naman kasi ganito ang higaan dito?   “Good morning, Chanels!” bungad ko. Kaya nang makatayo ay binuksan ko ang bintana. Hindi ko alam kung bakit parang na-e-excited akong buksan iyon. “Ang init!” layo ko kaagad, masakit sa balat!   “Darcy! Gising ka na ba?” tinig ni Belinda mula sa ibaba. Dahan-dahan akong bumaba mula sa pangalawang palapag sa takot na baka ay mahulog ako sa kahoy nilang hagdan. “Yes, what?” naghihiwa nanaman siya ng gulay sa mesa.   Bagong ligo na siya.   “Anong oras na ba? Ang aga ko nagising, sakit ng likod ko sa higaan niyo,” saka ko naisip na wala nga pa lang pera. “Pero kaya ko naman humiga, makakapag-antay naman ako ng tatlong buwan,” sarcastic kong sabi sa kaniya, ngunit hindi niya iyon pinansin.   “Mag-almusal ka na d’yan,” iniurong niya ang may plastic na nga may paper bag pa. “What’s this?” tinusok ko iyon at doon ko napagtantong mainit iyon. “Tinapay, kainin mo na habang mainit pa.”   Hindi na ako nagdabog pa o ano. Gusto kong intindihin, alam kong hindi ito ang nakasanayan ko, kahit naiinis ako ay sa tuwing iniisip ko na baka maghanap siya ng pwedeng ipakain sa akin ay mamulubi siya at lalong magkasakit.   Inilapag niya sa akin ang isang tasa ng may kulay brown na likido at mainit-init pa.   “Isawsaw mo ‘yang tinapay, magugustuhan mo ‘yan.” hindi siya tumingin sa akin. “Alam mo bang baboy ang itinuturo mo sa akin?” tinapay na isasawsaw sa kape? Seriously? “Gawin mo na lang,” utos nanaman niya kaya aking ginawa.   Gano’n na lang ang gulat ko nang hindi nga siya nagkakamali. Masarap nga iyon, bakit ba hindi ito sinasabi sa mansyon?   Natapos akong kumain ng ilang tinapay, hanggang sa maubos ang kape sa tasa ko.   “Darcy, kuhaan mo naman ako ng malunggay sa labas, doon sa likod natin. Mga lima, ayos na iyon,” kumunot ang noo ko sa utos niya. Tatanggi na sana ako nang umubo siya, tinignan niya pa ako. “Ang sakit ng katawan ko, Anak. Kung ayos lang ay kuhaan mo ‘ko-”   “Oo na… magpahinga ka na nga lang d’yan. ‘Wag ka nang kumilos, baka mamaya ay ano pa ang mangyari sa ‘yo. Anong kulay ‘yung malunggay?” tumaas ang dalawang kilay niya sa akin, tila nagulat sa aking tanong.   “Kulay green iyon, makikita mo na agad siya d’yan sa likod.” asar akong tumayo at tinignan pa siya hanggang sa makalabas. “Likod? Tapos ang init pa!” singhal ko.   Padyak-padyak akong naglakad patungong likod. Saka ko nakita ang maliit na kaniyang taniman.   “Malunggay? Kulay green…” ngumuso pa ako at naningkit ang mga mata. “Lahat ‘to kulay green!” gusto kong maasar sa mga nakikita ko. Lahat ‘to ay green!   “So, alin dito? Ito ba? Argh!” yumuko at saka kinuha ang bilog na ito. Kulay green ito, kaya baka ito. “What are you doing?”   “Holy!” gulat ko at hindi natuloy ang paghila sa bilog na green na ito. Nilingon ko ang nasa likod ko, doon ko nakita kung sino ang narito ngayon. “Mali ang ginagawa mong pagkuha,” turo niya pa.   “Wala kang pakialam kung ano ang gusto kong pagkuha sa malunggay,” nabigla rin siya sa sinabi ko at agad na kumunot ang noo. “What’s this again?” turo niya sa iilang mga bilog.   “Malunggay, bakit ba? Ano ba ginagawa mo rito?”   “Napadaan lang ako, inutusan ako ni Tita na tignan kung ano na ang kinukuha mo,” saka siya hindi tumingin sa akin at inilagay ang kamay sa bulsa nito.   “Talaga? Baka naman crush mo ‘ko? Bakit ko pa ba iyon tinatanong? Halata naman sa ‘yo na crush mo ‘ko, pero pasensiya ka na at hindi kita crush,” hinawakan ko pa ang aking dibdib. “Mabuti naman at hindi mo ‘ko crush, dahil wala akong crush sa ‘yo. Ayoko sa mga bobong kumukuha ng repolyo at sinasabing malunggay.”   “Malunggay kaya ‘to!” sigaw ko. “Tsk, ayon ang malunggay. Napano ka? Tss…” turo niya sa tila parang puno na maliit, ngunit may iilang mga tangkay.   “So ayon ang malunggay? Okay,” hindi na ako nakipagtalo sa kaniya at agad na pumitas ng limang piraso. “Sure ba si Belinda na limang piraso lang?”   “F-ck…” napalingon ako kay Dell na ngayon ay sapo-sapo ang noo. “Bakit limang dahon lang ang kinuha mo!” kamot niya sa batok nito.   “Dahil ang utos sa akin ay kahit limang piraso lang!” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD