CHAPTER 13

1626 Words
Chapter 13   Its been what? Six hours nang makarating ako dito.   “Hugasan mo na iyan, Darcy.” nanlaki ang mga mata ko. Bakit ako ang maghuhugas sa mga platong ito? “Excuse me? Alam mo bang hindi ako pinakikilos ng Mommy ko sa bahay?” ngumisi lamang si Belinda at tinigtnan si Dell.   “Spoiled,” natatawang ani ni Belinda kay Dell at parehas silang nagtunguhan. “Not funny… hindi ako kikilos, ayoko sundin ang mga inutos mo ‘no, sino ka ba?” tanong ko sa kaniya.   “She’s your Mom, woman. Give respect, kung gusto mong bigyan ka rin ng respeto,” sumingkit ang mga mata kong tignan si Dell. Sino siya para pagsabihan ako? “And who are you? Sino ka rin para sabihan ako ng gan’yan? Hindi nga kita close, hindi mo rin ako pinapakain, kaya wala kang pakialam sa mga gusto kong sabihi-hey!” hindi ko natapos ang aking sasabihin nang subuan niya ako ng hindi ko maintindihan na kulay green sa aking bibig.   “Ayan pinakain na kita, manahimik ka na,” sumimangot siya at halatang inis na sa akin. “Kadiri ka! Bakit mo ‘ko sinubuan nito? Ano ‘to?”   “Okra, Darcy. Hindi ka pa ba nakakakain n’yan? Akala ko ba mayaman kayo? Wala kayo pambili n’yan?” nangaasar na tanong ni Belinda sa akin na aking ikinangisi. “Afford namin bumili ng planta, kaya lang hindi namin gusto ang mga pagkaing pang mahirap-”   “Reasons… hindi ka pala talaga mayaman. Alam mo bang isa iyan sa mga mamahaling gulay? Baka hindi niyo talaga afford, hindi ba, Dell?” nanggigil ang lamangloob ko sa kanila.   Pinagkakaisahan nila ako! Ngumisi si Dell na tumingin sa akin at agad akong tinarayan.   Bakit ba ang sungit nito? Akala mo kung sinong mayaman?   “Nakain ako n’yan! Marami kami n’yan sa bahay, ayoko lang talaga kumain ng luto mo.” akala niya ay wala akong reasons, huh? “Talaga? Hindi ako naniniwala, sinasabi ko na nga ba at hindi ka naman talaga mayaman,” iling pa ni Belinda.   “Fine, kakainin ko ito, ipapakita ko sa ‘yo na mayaman ako.” saka ko kinain ang okra na kaniyang sinasabi. Tila nanlaki ang mga mata ko, hindi dahil sa hindi ko nagustuhan o ano, pero bakit parang kakaiba ang lasa nito? “Ang mga mayayaman ay sinasawsaw pa nila sa toyo na may kalamansi ang okra, palagay ko talaga ay hindi ka mayama-”   “This one? After nito ay manahimik ka na, ha!” sinawsaw ko ang okra at kinain muli. Halos nahihiya akong sumubo ng kanin, dahil doon ko na-realize na masarap nga iyon.   Sunod no’n ay hindi na nila ako pinansin. Silang dalawa na lamang ni Dell ang nag-usap, habang ako ay kagat-kagat ang aking sariling labi nang kuhain ko ang isang okra at sinawsaw muli sa toyo na may kalamansi.   Bakit hindi ito sine-serve sa bahay? Bakit hindi ko ito alam?   “Mahirap po, pero kailangan ko gawin. Saka isa pa ay ako naman po talaga ang natingin sa palayan…” naririnig ko pang kwento ni Dell, ngunit hindi ko na iyon pinapansin. Sadyang nasarapan lang talaga ako sa kinakain ko ngayon kaya hindi ko na pinapansin pa ang sinasabi niya.   Kung natikman ‘to ni daddy ay sigurado akong matutuwa iyon.   “Kung gano’n ay sana matulungan mo ako na tignan-tignan ang isang ito, kung iyon ay ayos lang sa ‘yo,” ani ni Belinda. Kaya nang isubo ko ang okra ay napatingin ako kay Belinda na nakatingin sa akin.   Kumurap-kurap ako at agad na ibinaba ang hawak kong gulay.   “What? Nagugutom ako, hindi ako kumain kaninang tanghali, hapon na ngayon. Madilim na, saka isa pa ay hindi ako nakain ng mga ganitong klaseng ulam. I eat steak, burgers, pizza…” taray ko pa sa hangin. “Oh, sige, umakyat ka na sa taas kung gano’n. naroon ang mga gamit mo, Darcy. Maglinis ka ng katawan mo bago ka matulog-”   “I always do that, hindi mo na kailangan pang sabihin sa akin iyon,” dagdag ko at agad na tumayo. Hinantay ko silang mag-usap muli nang pasimple kong kinuha ang isang okra.   Hindi ko alam kung bakit ako sumunod kay Belinda na umakyat agad sa itaas para kunin ang mga gamit ko.   Dalawang kwarto agad ang aking nakita. Magkaharap lamang ang kanilang pinto at tanging kurtina lamang ang nagsisilbing pinto.   “Bahay ba ‘to? Bakit ganito ang itsura?” hinawi ko ang kurtina at doon bumungad sa akin ang kwarto na walang kama. Nasa ibaba ang higaan, nasa lapag. “So… dito tumira si Tine for years?” inilibot ko ang tingin.   Bukod sa kahoy ang nakapalibot sa amin ay nag-isip lang ako ng magandang gawin.   “Dahil ba sa kasalanan ko kaya ako narito talaga? O gusto lang ako parusahan ng mundo, dahil hindi naman talaga ako nararapat para mabuhay?” hindi ko na alam ang pinag-iisip ko, kaya nang itulak ko ang isang kahoy ay agad nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita.     “Ang ganda ng buwan,” iyon lamang ang tangi kong nasabi, habang pinagmamasdan ito sa kalayuan. “Bilog na bilog, parang hindi naman ganito ang buwan sa Manila. Siguro dahil hindi ko napapansin o masyado lang akong busy sa buhay?” pag-iisip ko ng dahilan.   “Hindi ka pa rin nakilos, anak. Isarado mo na ang bintana at baka pasukan ka ng mga insekto d’yan…” napalingon ako sa nagsalita. “Bakit ka napasok bigla? I thought, this is gonna be my room? Why don’t you just knock first?” tumaas ang dalawang kilay niya nang makuha niya ang damit mula sa plastic drawer sa gilid.     “Seryoso ka ba, Darcy? saan ako kakatok?” silip niya pa sa kurtina. “Ano ba ang ginagawa mo dito?” taray kong tanong sa kaniya. Inilapag niya lang sa isang mesa ang kinuha niyang damit sa drawer.   “Suotin mo ito, malilinis ang mga iyan. Maglinis ka ng katawan mo bago matulog, naroon ang banyo sa ibaba. Hindi ka pa nagtubig, magtubig ka bago maglinis, ha?” sinundan ko lamang siya ng tingin.   Alam kong hindi ako ginagano’n ni mommy sa bahay, dahil siguro alam na ni mommy na isa akong independent woman.   “I’m not kid,” utas ko.   “But you acting like one…”   “I’m not! Sinasabi mo lang ‘yan, dahil wala ka namang alam sa akin,” inis kong sabi sa kaniya. “Darcy, hindi ko gusto ang ugali mo at alam kong pansin mo na iyon. Pero habang nasa bahay kita? Ako ang masusunod, tandaan mo na ako ang nanay mo, naiintindihan mo?”   “Hindi ikaw ang nanay ko, walang nanay ang iiwan ang anak sa iba, naiintindihan mo?” panggagaya ko sa kaniya. “Narito ka para sa kasalanan mo, Darcy. Hindi ako ang nagpadala sa ‘yo dito. Kaya kung balak mong tumakas ay magsulat ka ng letter, katibayan na hindi ko sagot kung sakaling mamatay ka sa daan.” taray niya at agad na bumaba.   Napaawang ang labi ko sa inakto niya sa akin.   Umalis siya sa kwarto ko nang ako na lamang ang maiwan. “Akala mo naman ay sobrang yaman kung mag-inarte!” sambit ko sa aking sarili, bago ko kinuha ang damit na kaniyang inilabas. “What the heck? Ano ‘to? Panlalaki ‘to, e! oversized shirt?” tinignan ko ang tatak nang nanlaki ang mga mata ko.   “I thought they are broke? Bakit naka-afford sila ng ganitong shirt? Hindi naman ito mukhang bago, pero…” kagat-kagat ko ang aking labing tignan ito. Gusto kong sumigaw sa inis. “Kay Tine ba ang mga damit na ito?” kinuha ko ang damit at agad-agad na bumaba.   Wala ng tao sa ibaba at tanging si Belinda na lamang iyon na na nakatalikod, habang naghuhugas ng plato.   “Kay Tine ba ang mga damit na gusto mong ipasuot sa akin?” asar kong tanong sa kaniya, habang nakatalikod. “Yes, maglinis ka na ng katawan mo-”   “Hindi ko ito susuotin, kung gusto mo akong magtagal dito ay bigyan mo ako ng mga bagong damit o hindi naman kaya ay mga damit ko sa Manila. Hindi ako magsusuot ng mga ginamit niya! Malay ko ba kung may putok siya?” saka ko hinagis ang damit sa lapag. Tinignan niya lamang iyon at agad pinunas ang kamay sa damit.   “Darcy, iyan ang parusa ng tatay mo iyo. At isa pa, walang putok si Tine. Kung mayroon mang may amoy rito ay ikaw iyon, hindi mo ba naamoy ang sarili mo?” bakit ba lagi niya na lang akong iniinis?   “Kahit ilang araw akong hindi maligo ay hindi ako mangangamoy ‘no! Baka ikaw?” taas kilay ko pang tanong.   “Anak, sige na. Medyo pagod ako ngayon, magpahinga ka na dahil sasama ka sa akin bukas.”   “’Wag mo nga akong tawaging anak, hindi mo nga ako sabi anak,” bulaslas ko. Ilang saglit pa nang masapo niya ang kaniyang noo na ikinagulat ko. “Hey!” lumapit ako, at doon ko napansin na medyo maputla siya.   “Pasensiya ka na, sige maglinis ka na. Medyo pagod lang talaga ako…” kumurap-kurap akong tignan siya. “Uminom ka muna ng tubig, bago ka maglinis ng katawan.” tila naiyak ako nang sabihin niya iyon.   Naalala ko si mommy nu’ng araw na makita ko siya na ganito.   “Bakit ka naiyak?” nanlalaki pang mga mata niyang tanong sa akin. “Wala, naiiyak ako sa buhay ko ngayon.” pagdadahilan ko. “Hayaan mo at tatlong  buwan lang naman, tatlong buwan lang naman na makasama mo ‘ko ay ayos na iyon sa akin.” natigilan ako.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD