CHAPTER 12

1325 Words
Chapter 12   “Makauwi lang talaga ako ay bibigyan kita ng pera!” masaya kong sabi sa kaniya at bahagyang tumawa. Finally! Makakauwi na rin ako, hindi man sa bahay but a place who can called home, right?   Kanina pa ako nagsasalita, ngunit siya ay nakapasok lamang ang kamay sa kaniyang bulsa.   “And I was like, oh, my gosh! Paggising ko, I’m here na!” hawak ko pa sa aking dibdib. “And then, wait!” tinignan ko siya ng maayos. “Hindi mo ba ako pinapakinggan? Kanina pa ako nagsasalita!” galit kong singhal.   “I’m listening, go-”   “Why are you so fluent in english? Like you have the perfect accent,” hindi ko maintindihan. Paano ang isang boy na ito ay magagawang mag-english nang hindi nahihirapan. “Oh, dahil ba sa nagtatrabaho ka sa mayamang pamilya? Why my nanny is not like you? English niya hanggang ngayon ay parang constipated pa rin siya pakinggan,”   “Mayayaman lang ba ang kailangan mag-english?” huminto siya sa paglalakad at humarap sa akin. “Y-yes? I don’t know-”   “Tss, ang laki ng ulo mo,” nauna siyang maglakad sa akin, kaya’t agad akong sumunod sa kaniya. “Are you angry? Dahil ba na-offend ka?” hindi niya pa rin ako pinansin. Naglakad lamang siya, kahit kanina pa ako nagsasalita.   “Wait! Bakit narito nanaman tayo?” doon ko lang napansin na nasa tapat na kami ng bahay ni Belinda. “Oh, no!” agad akong tumakbo, ngunit naramdaman ko ang sakit ng aking anit ng hilain niya ang buhok kong naka-pony tail.   “Ouch! My gosh! L-let me go!” napaharap ako sa kaniya. Mas matangkad siya sa akin at… at mabango siya, bakit gano’n?   “Nako! Salamat, anak at naihatid mo itong bata na ito sa akin,” yumakap si Belinda sa lalaking ito at doon pumasok sa isip ko ang kaniyang sinabi. “Anak? Anak mo ‘to?” hindi nila pinansin ang tanong ko.   Doon ko lang napansin na hawak na ng lalaking ito ang pulsuhan ko, para hindi ako makaalis.   Kumunot ang aking noo na tignan siya.   “Bitawan mo nga ako, crush mo talaga ako ‘no? Well, hindi kita crush, ayoko sa ‘yo!” hinihila ko pa ang kamay ko, ngunit hindi niya pa rin iyon binibitawan. “Ayos lang po, Tita. Napadaan lang naman ako, kaya napansin ko,” sunod niya pang sabi, hindi niya pinansin ang sinabi ko kanina!   Tita?   “Kailan ka pa nakauwi?” tanong ni Belinda. “Kanina lang po, kakarating ko lang po ngayon.” ngiti niyang sagot. “Darcy, pumasok ka na.” utos sa akin ni Belinda na ikinataas ng aking kilay.   “Paano kung ayaw ko?” taray kong tanong. “Pumasok ka na,” natikom ko ang aking bibig nang makitaan ko siya nang nakakatakot na tingin. Dali-dali akong pumasok, tinignan ko lamang ang lalaki na sinundan rin ako ng titig, hanggang sa makapasok.   “Tita?” tanong ko sa aking sarili, habang nakasilip sa bintana, pinagmamasdan silang dalawa na nag-uusap sa labas.   Nang makita kong lumingon si Belinda sa gawi ko ay agad akong napaupo sa upuan.   Saglit pa nang pumasok na siya kasama ang boy na ito.   “Dell, maupo ka muna dito. Dito ka na lang kumain, tulad noon.” Dell? Iyon ang pangalan niya? Hindi niya ako nilingon, parang wala siyang pakialam kung narito ako o wala.   “Mukhang hindi ka sanay nang wala si Tine, ano? Sabagay, ilang taon na kayong magkasama lagi, hindi mapaghiwalay.” nanlaki ang mga mata ko. Kaano-ano niya si Tine? “Hindi naman po. May sarili na po siyang buhay, masaya na po ako sa kaniya,” umupo si Dell sa kahoy na upuan at tila tinulungan si Belinda sa pagtatanggal ng dahon.   “Gano’n talaga, kung kailan mo man siya ay tawagan mo lang. Alam ko namang hindi niya papabayaan ang best friend niya na malungkot,” umawang ang aking labi. Best friend ni Tine ang lalaking ito?   “Oo nga pala, may ipapakilala nga pala ako sa ‘yo.” tumingin sa akin si Belinda. “Halika, Darcy. Ipapakilala ko sa ‘yo itong kaibigan ni Tine-”   “Ayoko nga, hindi ko siya crush. Hindi pa ba halata, Belinda? Crush niya ‘ko!” turo ko pa kay Dell. Sabay silang nagkatingin ni Belinda at agad na natawa. “Pasensiyahan mo na itong si Darcy, Dell. Saka, Darcy… hindi ka crush ng batang ito, nako! Magaling pumuli ng babae ito, ayaw nito sa mga matapobre.”   Para namang may pakialam ako.   “Ayoko rin sa mga mahihirapan na nagpi-feeling rich,” dagdag ko at agad na tumaray. “Sure ka po bang anak n’yo ‘yan? Ang layo sa ugali niyo ni Tine,” hindi ako tinignan ni Dell, pero nainsulto ako sa sinabi niya.   “Malamang na magkalayo kaming dalawa ni Tine, hindi siya le-level sa ‘kin ‘no.”   “Hindi naman talaga, mas maayos at maganda si Tine kaysa sa ‘yo. Pasensiya na po, Tita Belinda,” paghingi niya ng dispensa kay Belinda. “How dare you? Ako ang ininsulto mo, sa iba ka nag-sorry?” tumayo na ako at agad na lumapit sa kaniya.   “Maupo na nga lang kayong dalawa, ‘wag na kayong magtalo. Dell, dito ka na kumain at ikaw naman Darcy, umayos ka. Pasalamat ka at tinulungan ka  ni Dell, paano kung ibang tao ‘yon? Edi kinuha na ang lamangloob mo?” kinilabutan ako sa kaniyang sinabi.   May nangunguha ng lamangloob dito?   “Hanggang kailan ba ako dito? I wanna go home, I can’t live here… with you,” nanghihina kong sambit. Actually, hindi ko gets kung bakit ako narito.   “Narito ba ako para sa kasalanan ko o para magkaroon tayo ng closure? Hindi ko alam kung ano ang nasa isip ni Daddy, pero kung closure ang gusto niya, kaya niya ako tinapon dito ay nasisiraan na siya-”   “You’re here because of what you did, Darcy. Extra na lang ang closure, kung ibibigay mo,” dagdag pa ni Belinda at agad na may inilagay na sabaw sa mesa. Nang maamoy ko iyon ay nakagat ko ang aking labi.   “That’s why I’m saying sorry! I don’t want to go in your daughter wedding, at isa pa, we’re not close!”   “Still, she’s your sister-”   “A sister that I just met months ago?” tanong ko sa kaniya. “When you have a friend that you just met months or weeks ago, hindi ba’t ituturi mo rin siyang kapatid?” kumunot ang noo ko. “I don’t have friends. Siguro iniisip niyo na kaya ako walang kaibigan, dahil ganito ang ugali ko, but you’re right. Wala akong kaibigan, dahil magaspang ang ugali ko,” taray ko at agad na tumayo.   “Kumain ka muna, bago ka magmukmok.” asar akong umupo at masamang tinignan si Belinda. “I’m just trying to make a fit, okay? Hindi mo man lang ako binigyan ng time to have mukmok!” tinignan ko si Dell na parang walang pakialam na nakikinig lang sa aming dalawa ni Belinda.   “Pagkatapos mong kumain ay maghugas ka ng plato,” nanlaki muli ang mga mata ko. “Pinaghuhugas mo ako ng plato?”   “Hanggang nasa akin ka ay masusunod ako. Hindi ka lalabas, kung wala kang kasama. Hindi mo alam ang lugar na ito, gusto mo bang kunin ang dugo mo para ihalo sa poste?” kumalabog nanaman ang dibdib ko. “Ang creepy dito! Gusto ko na umuwi-”   “Tita, mauuna na po akong kumain. Kung ako sa inyo ay ‘wag niyong pakainin ‘yan nang matahimik,” ani ni Dell na kinainit ng aking ulo.   Humanda ka talaga sa akin, halatang crush mo ako!  - Guys, bawi ako bukas. May lagnat pa rin kasi ako ngayon, gawa ng vaccine. Ingat sa lahat nang nasalanta ng  bagyo. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD