CHAPTER 11

1820 Words
Chapter 11   Well, guess what? In just a snap, narito na pala ako sa Samar!   “What the f-ck! Wala man lang sunscreen! Makita ko lang talaga si Manong Tupe ay babalatan ko talaga siya gamit ang fake nails kong inspired sa LV!” nahampas ko ang aking braso nang may maramdaman akong kagat.   “Ouch! Ouch! Nasaktan ako!” nakaupo ako sa labas ng bahay ng bahay ni Belinda. Ayokong tawagin siyang nanay o mama o mommy, hindi ko kaya at ayoko. Sabihan na nila akong walang respeto, pero hindi ko tatawaging nanay ang hindi ko naman nakalakihan.   “Hindi ka pa ba papasok? D’yan ka ba matutulog?” nanlaki ang mga mata kong tumingin sa kaniya. “Your daughter marry a fine man, sabi nila ay wealthy ang lalaking iyon. I don’t know, kung sino ang napangasawa niya, pero hindi ka ata mahal ng anak mo, dahil hindi ka niya binilhan ng bahay,” panlalaking mga mata kong sabi sa kaniya.   Nagkibit balikat lamang siya.   “Bakit hindi mo ako bilhan ng bahay, kung gano’n?” nakakurap-kurap ako. “Paano kita bibilhan ng bahay? Ni hindi nga sa akin binigay ang card ko. Kahit isang bag ay wala ako! Walang phone, walang lip gloss, walang sun screen!” bwelta ko.   “Tapos, gusto pa ni Daddy na tumira ako dito? Mamatay ako!” gusto ko maiyak, hinawakan ko ang aking braso at tila nag-inarte na iiyak.   “Ganyan ba ang ginagawa mo sa nakalakihan mong ina? Alam mo, Darcy. Hindi tatalab sa akin ang kaartehan mo, kaya pumasok ka na sa loob. Alam mo bang maraming insekto sa labas na pwedeng ikapangit ng mukha mo?” nanlaki nanaman ang mga mata ko.   “Like what? Bees? Like… like they sting me?” natikom ko ang aking bibig. “Bakit wala akong makitang sasakyan dito? I wanna go home!” hindi ko na mapigilang maiyak.   “I’m sorry, okay? I didn’t show up at your daughters wedding! I’m sick that time!” pagsisinungaling ko. “Totoo nga na may sakit ka, Darcy. Sa ulo nga lang,” natatawang sagot sa akin ni Belinda at pumasok sa loob.   “Pumasok ka na, bago ko sabihin sa tatay mo na ‘wag ka nang kunin-” hindi na ako nagdalawang isip nang pumasok na ako agad. “You’re such a monster!”  hiyaw ko.   “Saka bakit ang puti mo, mahirap ka lang, ah!” tumaas ang kaniyang kilay. Agad naman siyang lumapit sa akin at agad na pinitik ang noo ko. “Ouch naman! Ang mahal-mahal ng skin care ko, tapos pipitikin mo noo ko? How dare yo-ouch!” nang pitikin niya akong muli.   “’Wag mo akong tawaging Belinda, tandaan mo na nanay mo ‘ko. Isa pa, ayoko nang maarte. Ang tatay mo ang nagpadala sa ‘yo rito, hindi ako ang nagpumilit, siya ang nagsabi.” turo niya pa sa akin. “Hindi ko alam kung ano ang nasa isip ni Daddy, pero who cares? Hindi naman niya ako mahal, he’s busy always. And now? Pinayagan niya ako, paggising ko nandito na ako sa cheap at nakakadiring bahay?” gigil kong sabi.   “Darcy, hindi nabibila ng pera ang kabaitan. Habang maaga pa ay magbago ka na, masyado ka nilang napalaki sa salapi at nabulag sa mga bagay na ang akala mo’y nabibili ng pera ang lahat,” natahimik ako.   “Kung kaya ko lang bilhin ng pera ko ang buhay ni nanay ko ay ginawa ko na, kaya alam ko ang sinasabi mo.” natahimik siya sa aking sinabi. “Maghihintay ako, hanggang sa matanggap mong ako ang tunay mong ina,” tinarayan ko siya at nagpumiglas na umupo sa kahoy na upuan.   “Baka naman may mga surot ‘tong upuan n’yo.”   “Kung mayroon ay mabuti at para makagat ka,” gusto kong maiyak muli at agad na nagdabog sa upuan. Nag-isip ako kung paano ako tatakas sa bahay na ito.   Siguro naman ay magagawan ng paraan ni Lucy, kung sakaling sabihin ko kung nasaan ako, hindi ba?   Tinignan ko siya na kung saan ay nakita ko siyang naghihiwa ng kung ano sa mesa.   “Pwede naman ako siguro lumabas, hindi ba?” maarte kong tanong. “Oo, para kagatin ka ng ahas sa labas.” umawang ang labi ko. “Bakit ba ang raming hayop sa lugar na ‘to? Paano ako makakatakas nito?”   “Darcy, hindi ka makakatakas sa lugar na ito. Masyadong mapanganib, lalo na ngayon na hindi ka kilala sa lugar na ito. Sa itsura mo pa lang ay mapaghahalataan ka ng mayaman, kung gusto mong kunin ang lamang loob mo ay bahala ka lumabas-”   “Don’t make me freak out! Ikaw gawa-gawa ka! So, hindi ako makakalabas?”   “Try then,” suminghap ako at agad na padabog na tinadyakan ang kahoy na maliit na mesa. “So, ano? Sa loob ng tatlong buwan ay  dito lang ako sa bahay? Like seriously? I have things to do, you know that I’m a businesswoman, right? Owner of Z Hotel s***h model, actress, and what? Many more-”   “Brat, selfish, spoiled.” dagdag niya. Kumurap-kurap ako saglit at natawa. “Ha!” ngiti kong sabi at tila ba parang pasigaw iyon.   “Brat, selfish, spoiled? Tss, because my mother gave me things, that you cannot give.” hindi niya napagpatuloy ang paghiwa at agad na inangat ang tingin sa akin. “Kung alam mo lang ang kwento, kung bakit ka napunta sa kanila,” umiling siya at agad na nagpatuloy sa paghihiwa.   Kwento? Kung bakit ako napunta sa… what? Kanila?   Alam kong niloloko niya lang ako, kaya nang makita ko siyang nagluto at nakatalikod sa akin ay bigla akong tumakbo palabas.   Wala akong makita kung hindi magkakalayong bahay at gawa iyon sa kahoy, maraming puno ang nakapaligid sa amin.   Naglakad ako papalayo, kailangan ko makahanap ng kahit anong pwedeng mag-open ng social media ko.   “Tine?” napalingon ako nang may marinig akong tumawag. Kumunot ang noo kong tignan siya. “Mukha ba akong badjao, para tawagin mo akong ‘Tine?” taas kilay kong tanong.   Tumaas rin ang kaniyang kilay nang makita ako ng tuluyan.   “I thought you’re Tine, my friend. Kamukha mo pala-”   “Mukha nga akong badjao? Gano’n ba?” ngumisi siya at agad na dinaanan ako. “Mas maganda pa rin si Tine, kaysa sa ‘yo. Mag-ingat ka sa ugali mo rito, Miss.” taray niya at agad kong nakita ang pangalan sa likod nito.   Naka basketball shirt siya.   “Gilmor? Anong klaseng pangalan, parang napulot lang sa basurahan,” mahina kong sambit at agad na naglakad muli. Dumaan ang isang kotse na agad kong pinanlakihan ng mata.   Pumara ako, kaya naman ng huminto iyon ay kinatok ko ang bintana nito. Hindi pa rin ako pinagbababaan ng bintana. Kaya ang ginawa ko ay sinilip ko ang loob nito, nakasalamin ang isang lalaki at naka tuxedo. Hindi ko masyadong makita ang kaniyang itsura, pero halatang gwapo siya at mayaman.   May mayaman pala sa lugar na ito.   “Hello! Tulungan mo naman ako, kinidnap kasi ako ng pangalan ay Belinda-teka!” nang umandar na ito agad at hindi na ako tinulungan pa. “Hoy! Makilala lang kita ay sasampalin kita ng dolyar!” sigaw ko sa kotse na naandar papalayo sa akin.   Naglakad pa ako papalayo, hindi ko na alam kung nasaan ako. Pero panay puno na lang ang nakikita ko at maraming talahiban.   “Nawawala ka ba, Miss?” napangiti ako sa lalaki, ngunit nang makita kong may kakaiba sa kaniyang ngiti ay natakot ako. “Uhm… alam kong marumi kang tao, pero pwede bang magtanong kung saan pwede makahanap ng-” kumabog ang dibdib ko nang hawakan niya ang pulsuhan ko.   “Ang ganda nito, ah! Mukhang mamahalin!” nanlaki ang mga mata ko nang hilain niya iyon. Pero dahil mahigpit ang kapit n’yon sa akin ay nasaktan ang aking pulsuhan. “Ano ba! Bitawan mo nga ‘yan! Mahal ‘yan!” sigaw ko.   “Ibigay mo ‘yan sa akin o papatayin kita?” namumula ang mga mata niya, doon natakot ang puso ko. “Bilisan mo!” sigaw niyang muli na ikinataranta ko.   “Wait! Wait!” natataranta kong ginawa ang kaniyang utos, habang naluluha. “This is too much, may cell phone ka ba? Palit na lang tay-”   “Hikaw mo, akin na!” turo niya pa sa hikaw ko. “My watch is too expensive, makakabili ka ng kahit ano d’ya-okay-okay! Ito na! Please! Put that knife down!” sigaw ko nanamang sabi.   Nanginginig ang kamay kong tinanggal ang hikaw ko.   Inabot ko sa kaniya ang hikaw na may mga luhang tumutulo.   I’m scared, okay? Ngayon lang ako nakaranas ng ganito! Hindi ko alam na totoo pala ang sinasabi ni Belinda!   “Cell phone mo ang gusto mo? Ito, bagong nakaw lang ‘to!” saka niya ibinato sa akin ang isang telepono at agad na tumakbo. Kahit nanginginig ang tuhod ko ay agad kong tinignan ang cell phone na ibinigay niya.   “Whatt the f-ck! Nagnakaw ka ng cell phone! Ano ‘to? Pang touching?” inis kong sigaw. Ang mamahal ng mga gamit kong ibinigay sa kaniya, tapos ito ang ibibigay niya sa akin? De keypad!   “Hindi naman ako makakapag-instragram dito! Wala naman ‘tong face time! Gosh! I wanna cry!” saka ako umiyak. Ngunit nang makita ko ang isang lalaki na patakbo muli ay agad nanlaki ang mga mata ko.   “Ito na! ‘Yung hikaw at relo mo! Sorry!” sigaw niya at agad na tumakbo. “H-ha? Bakit mo ibinalik! Hoy! Orignal ‘to!” parang inapakan niya ang ego ko!   Ano ba akala niya sa mga ito? Hindi totoo?   “Ibabalik ko ‘tong bulok mong cell pho-”   “You’re not supposed to be here, right?” isang baritonong boses ang aking narinig sa likod. Kaya nang lingunin ko iyon ay nanlaki muli ang mga mata ko. “Gosh! Boy! Did you see that?! of course you don’t! nakikilala mo pa ba ako? Ako ‘yung maganda sa mansyon ng mga…” nanliit ang mga mata ko.   Nakalimutan ko ang apelido.   “Basta! I forgot, but they know me! Pwede bang dalhin mo ako sa kanila? I really need help, someone kidnapped me, I’m scared… bibigyan kita ng pera, kapag nailabas mo ako dito sa lugar na ito.” tumaas lang ang kilay niya at agad na suminghap.   Naka puting tshirt lamang siya at black pants.   Mga mahihirap this days ay maayos ng pumorma. Kung hindi ko lang nakita na waiter siya at boy sa mansyon na iyon ay iisipin kong mayaman siya.   “I’ll lead the way, follow me,” utos niya. Sa ingles niya pa lang ay nagtaka na ako. Siguro ay crush ako nito, kaya nag-e-english siya.   Akala naman niya ay nagkakagusto ako sa mahirap. Pwes! Hindi! Halatang crush niya ‘ko. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD