CHAPTER 10

1859 Words
Chapter 10 “Lucy, hindi mo naiintindihan, kaya ‘wag mo akong pakialaman.” tinabig ko ang kaniyang kamay na tila pinipigilan ako sa pag-inom ng alam. “Gusto mo ‘bang sumunod kay Tita Veronica? Ano ba! Hindi ba’t ikaw ang nagsabi sa kaniya na ‘wag siyang uminom?” “From the word ‘Dati,” taray ko at nilaklak ang isang hard drinks. “Darcy, kasal ngayon ng kambal mo.” tumirik ang mata ko’t masama na tinignan siya. “Sinabi nang wala akong kakambal, Lucy! Magkahawig lang kami, pero hindi kami magkamukha!” pinikit niya ang mga mata nito. Napatingin ako sa kabuuan ng bar, maraming tao ngayon. “Dars, tigil mo na ‘yan. Hindi ba’t sinabihan ka ni Tito Clark na pupunta kayo sa kasal ngayon? Malapit na magsimula, isang oras na lang! Paniguradong hinahanap ka na doon!” para siyang taeng-tae na inaagaw sa akin ang aking inumin. “Lucy!” sigaw ko na ikinalaki ng mga mata niya. “Sinabi ko nang hayaan mo nga ako! Ano ba ang gusto mong gawin ko? Ang pumunta ako don? Siraulo ka ba?” mukhang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko sa kaniya nang kumunot lalo ang noo niya. “Alam mo, magpakita ka naman ng kaunting respeto! Kapatid mo ‘yon, Dars! Kakambal-” “Na hindi ko nakasama nang ilang taon! Na hindi ko alam na mayroon pala akong kakambal at hindi ko pala kasama ang tunay kong ina! Pasensiya ka na, ha? Pasensiya ka na, Lucy! Hindi ko kasi mapigilang hindi mainis at masaktan!” Hindi ko mapigilang maluha at pinatay ang aking cell phone, dahil kanina pa ito nailaw. Kanina pa natawag si daddy at bahala na siya sa buhay niya d’yan. Kung gusto niya pumunta ay pumunta siya, hindi ako sasama, dahil hindi naman ako belong doon. “Fine, hindi na tayo aalis. Hindi ka na aalis, ano balak mo? Magagalit si Tito Clark n’yan,” umupo siya sa tabi ko at tila sumenyas sa waiter at binigyan naman siya nito ng baso na may laman. “Ano naman ang pakialam niya? Wala naman siyang pakialam sa akin talaga, hindi ba’t busy naman siya always? Pero kapag ibang tao ay nagkakaroon siya ng time?” hindi ko mapigilan ang buhos ng aking damdamin, habang sinasabi iyon sa kaniya. “Dars.. ayos lang ‘yan,” hinagot niya pa ang maganda kong likod na ikinainis ko. “Anong ayos lang? Ayos lang na sa pag sa akin ay lagi siyang walang time? Pero pag kay Tine ay mayroon? Bakit? Marami rin naman akong mga events na kailangan ko rin ng tatay! Pero wala naman siya!” kinuha ko ang isang baso na ibinigay sa akin at agad na nilagok iyon. “Chill! Baka malasing ka n’yan! Dahan-dahan naman, Dars!” pigil nanaman sa akin ni Lucy. “Kaya nga tayo narito, ‘di ba? To have some fun? To get wasted! God! Lucy! Paaralin mo naman ang kokote sometimes,” tinarayan niya na lamang ako at agad namang uminom rin sa hawak niyang baso. “Is that.. Kaiser?” napalingon rin ako nang tignan ko ang kaniyang itinuturo. “The holy f-cker is here!” napangisi ako agad nang makita ko siyang nakikipag-high five sa ibang lalaki. “Parang ilang months lang ay gustong-gusto mo siya, ngayon naman ay holy f-cker na siya sa paningin mo?” natatawang tanong sa akin ni Lucy. “He’s a cheater, he used me, like what you said,” saad ko. Dapat pala ay naniwala na ako kay Lucy noon pa man, ngunit inuna ko ang pag-ibig na akala ko ay totoo. “Told you, hindi lahat ng lalaki ay marunong magmahal ng patas,” sunod niya pang sabi. “At hindi lahat ng babae ay hahayaan ka na lang maging masaya, matapos mong hindi magmahal ng patas,” agad akong tumayo. Medyo nahilo pa ako saglit, dahil sa aking agarang pagtayo. “Hey! Ingat!” hawak niya sa braso ko. “Alis!” hila ko at agad na pumunta sa dance floor, ngunit parang inuuga ako ng hangin. Hindi ko na maintindihan ang lakad ko, pero straight ang tingin kay Kaiser na nakangiti at nakikipagsayaw sa ibang babae. Hindi niya ba alam na narito ako? “Ni hindi niya nga alam na naghiwalay na kaming dalawa, hindi lang ako nakipag-text sa kaniya, hindi niya na ako pupuntahan.” ngisi ko sa aking sarili. Kaya nang makita niya ako ay parang naestatwa siya at agad na nanlaki ang mga matang tignan ako. “Darcy..” isang sampal ang aking ibinigay sa kaniya. “Darcy my ass,” maraming nakatingin sa amin, ngunit nawala rin ang nang magsayawan, dahil sa tugtog na malakas. “Lasing ka ba? Let me take you home.” “I’m with her, Kai,” boses ni Lucy na nasa gilid ko lang. “I thought she’s in the wedding, hindi ba’t kapatid mo iyon?” isang sampal nanaman ang ibinigay sa kaniya. “Ni hindi mo man lang ako kinausap! I just dumped your calls and text, pero nag-aantay pa rin ako sa ‘yo!” umawang ang labi niya. “I don’t care if you don’t sanitize your hands anymore. I just need you! I need a boy friend! I need you and you just.. just cheat!” tumulo ang mga luha kong tignan siya. Bakit feeling ko parang kulang na kulang ako sa pagmamahal? Mahirap ba akong bigyan ng atensyin at pagmamahal? “Dars.. hey!” mabilis akong nahawakan ni Kaiser nang biglang may tumalon sa gilid ko at agad akong nabangga. Ramdam ko ang sakit sa aking paa nang maramdaman kong maapakan ang paa ko. What the f-ck! May dugo! “Ouch! The f-ck!” hiyaw ko nang maramdaman ko ang sakit sa aking paa. “You sucking b-tch!” itinulak ko si Kaiser na nakahawak sa akin at agad hinila ang buhok ng babae. Pinagsasampal ko sa kaniya ang aking prada bag. “You b***h! b***h! Slut! Freaking wh-re!” habang sinasabunutan ko siya at pinaghahampas ng bag. Isang hawak sa akin ni Kaiser, upang ilayo sa babaeng ito ay hindi ako pumayag. Kaya nang makalayo ako sa babae ay hindi pa rin siya nakaligtas sa mamahalin kong pumps nang ibato ko iyon sa kaniya. “Sorry! Sorry! Hindi ko po sinasadya!” sigaw ng babae sa akin at umiiyak. “Sorry, Miss Darcy!” sunod niya pang sambit. “Sorry? You just bumped on me! Walang kwentang babae! Palibhasa ay mga hampaslupa lang kayo! Ngayon ka lang ba nakapasok dito? Ang rurumi niyo!” ibinato ko sunod sa kaniya ang aking bag. “Darcy! Stop it! Nag-sorry na siya!” “Yes! Kaiser Joson! Nag-sorry siya, at ikaw na lang ang hindi! Guess what? It’s finally over! We’re done!” sigaw ko sa kaniyang mukha. “I thought we’re already done? Hindi pa pala?” he’s getting to my last nerve! “Lucy!” malakas kong sigaw, sunod no’n ay agad akong nag-black out. Halos sobrang sakit ng aking ulo nang magising ako. What the f-ck happened? Kaya nang imulat ko ang aking mga mata ay agad akong napatakbo sa banyo at sumuka muli. “Ma’am Darcy,” si manang na hinahawakan ang aking likod at hinihimas. Ngunit sakit na sakit na ang aking lalamunan nang isuka ko na lahat nang kaya ko. “Gosh! Ano ba ang nangyari, Manang?” sapo ko sa aking ulo. “Nako po, Ma’am. Galit na galit ang Dadddy mo ngayon, Ma’am.” hindi ko naman inaasahan na magiging masaya siya, dahil hindi ako nakasama. “Why? Dahil hindi ako nakasama sa kaniya?” inabot niya sa akin ang mainit na kape nang makarating kami sa kama. Pinunasan ko ang aking labi at tinignan siya ng may kasamang antok. “Hindi rin po siya pumunta kahapon, kahapon ka po niya hinahanap. Kaso hindi na rin siya tumuloy sa kasal po ng kambal-” “Wala akong kambal. Umalis ka na nga, sinisira mo araw ko,” gigil kong sabi at agad na umiga muli. Agad kong tinawagan ang aking kaibigan na si Lucy. “Lucy! Oh gosh!” bungad ko nang sagutin niya iyon. “Dars! What the hell! You’re so famous right now! Ayos ka lang ba? Have you read it?” “Read what?” hipo-hipo ko ang aking ulo. “The articles! Nag-viral iyong video kahapon, Dars! Ngayon ay hinahanap ko na kung sino ang nag-upload no’n. wait ise-send ko sa ‘yo ang link.” saka niya ibanaba ang tawag. “What? Lucy?” hindi ko pa man natatanong ang isa kong itatanong ay ibinaba niya na iyon. Tumunog ang cellphone ko at agad bumungad sa akin ang ibinigay na link ni Lucy. Nanlaki ang mga mata ko sa aking napanood.. it’s me.. sinasampal ng Prada ang babaeng.. who’s that? Bakit ko siya sinasampal ng bag ko? “Oh! F-ck!” nanlaki rin ang mga mata ko nang batuhin ko siya ng aking pumps! Ginawa ko ito? Ginawa ko ang mga ito! I’m so dead! Dead-dead! Binasa ko ang mga comments at panay iyon pangba-bash sa akin. “Masama talaga ugali niya? Dapat ay bumagsak ang business ng papa niya?” basa ko sa isang comment na ikinalaki ng aking mga mata. “Hindi kaya’t.. gosh-gosh!” napatayo ako at doon ko naramdaman ang sakit ng aking paa. “Ow! Bakit masakit-wahh!!” sigaw ko at agad na umupo muli. Kanina ay hindi ko naman ito naramdaman nu’ng tumakbo ako patungong banyo. Sa sigaw kong iyon ay agad na bumukas ang pinto at doon iniluwa si daddy na may galit ang mga mata, ngunit may halong pag-aalala. “Dalliance!” agad siyang lumapit sa akin. “Paa ko! Ang sakit!” para akong naghi-hysterical nang maisip kong magkakaroon na ako ng scar sa aking paa. “I-it.. its hurt! I’m hurt, Dad! Dalhin mo na ako sa ospita-” “It’s just a bruise, Darcy. Ayan ang napapala mo sa pakikipag-away! Ibinaba niya ang isang tabloid sa kama. Punong-puno ng galit ang kaniyang mga mata. “Look what you did! Satingin mo ba ay matutuwa ang Mommy mo sa pinaggagawa mo? Sumusobra ka na, Darcy!” “Dahil sobra ka na rin, Dad! Why don’t you just leave me alone? Nagagalit ka ba, dahil hindi ka nakapunta sa kasal ng anak mo? Guess what, Daddy! I don’t care!” pinunasan ko ang aking luha at agad na bumaba. “This is too much! Simula ngayon ay grounded ka! Pack your things at ipapadala kita sa Samar! Ito ang parusa mo sa lahat ng katigas ng ulo mo!” “In where? Wala naman tayong kamag-anak sa Samar, Daddy! Bakit mo ako doon papadala? Ha! And why? Dahil hindi ka nga nakasama? Satingin mo, kung doon mo ‘ko ipapadala ay hindi ako makakagawa ng gulo?” taas kilay kong tanong sa kaniya. Hinahanom ba ko ni daddy? “Yes, because you’re living with your true mother. Sa kaniya ka muna titira sa bahay nila sa Samar. Lets see, kung kaya mong mabuhay nang hindi marangya.” nanlamig ang aking katawan. Hindi ako pupunta ng Samar!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD