CHAPTER 9

1799 Words
Chapter 9 “Dad…” saka ko hinalikan ang kaniyang pisngi at agad na umupo. Tinignan ko ang nasa harapan ko ngayon, na kung saan ay isang babae na parang kasing edad lang ni mommy. Ang katabi no’n ay nanlaki ang mga mata ko. Itinikom ko ang aking bibig, gusto ko sanang magsalita at magtanong, ngunit ang pinagtataka ko ay bakit narito sila? “I-I thought.. this is gonna be family a dinner?” naguguluhan akong tignan ang dalawang babae. “It is,” sambit ni daddy na ikinalaki ng mga mata ko. Para akong naestatwa saglit at tumingin kay daddy. What the heck is going on? This is not a freaking family dinner! Isang silip ko sa babae ay doon ko nakita ang kabuaan ng kaniyang itsura. “Kilala kita, ikaw iyon anak ni Bellize Villion, hindi ba?” ngumiti ako, tila itinago ang kaba sa aking dibdib. Bakit parang may mali sa pakiramdam ko? Isang hikbi ng katabi niyang babae ay may kung ano sa aking dibdib ang nagulat. “Ma,” sabi ng kamukha ko na anak ni Tita Belle, saka ibinigay ang tissue sa kaniyang..what? ‘Ma? As in, mama? “Oh god! Why is she crying? Lady? Are you fine?” lumapit ako sa kaniya at agad na hinawakan ang kamay nito. Sa tuwing nakikita ko na may umiiyak ay parang naalala ko si mommy. Umiiyak rin siya ng ganito noon, at ayokong pagsisihan na wala akong naitulong. “May sakit po ba sa inyo?” tumingin sa akin ang katabi niyang babae, ngunit umiiyak lamang ang magandang ginang sa harap ko. “O-oo, maraming salamat,” ngiti niyang sabi sa akin. “Darcy, come here,” isang lingon ko kay daddy ay binitawan ko na ang kamay ng ginang na ito. Hinawakan ni daddy ang kamay ko sa ibaba ng mesa, hindi ko na alam kung bakit ba kami narito, bakit sila narito. “Darcy, this is Clarestine Berlie and Athena Belinda Guerrero.” pagpapakilala ni daddy sa akin sa dalawang babae na nasa harap ko. Guerrero? Parang nitong nakaraan lang ay narinig ko na ang Athena Belinda na iyon, parang sa party ko. Pero bukod pa doon ay may mga kilala akong Guerrero. “Guerrero? May kakilala akong Guerrero, pero may mga topak. Ang yayaman naman nila, pero nagpapanggap na mahirap ‘yung isa, like what the ef?” umikot pa ang mata ko at tila natawa. “Darcy, this is your twin sister and your biological mother.” nahinto ang ngiti ko, tila parang sumabog ang ulo ko at nabasag ang eardrums ko sa aking narinig. “My-what?” hindi ko mapigilang matawa, idinadaan ko sa tawa, baka kasi mali lang siya nang pagkakasabi, right? Or, this is prank. “My-who? Daddy? This?” turo ko kay Clarestine, what do you mean that this is my twin sister? God! Stop joking around, dad! “Come on, Dad! Kahit kailan ay ang hiling mong magbiro, paano ko magiging biological mother ito? At magiging twin-ew.. ito,” maarte kong sabi, saka ko itinuro ang dalawang babae sa harap ko. “No offense, I know you’re pretty and gorgeous, but honestly? Come on!” itinaas ko pa ang aking dalawang kamay at sumimangot. I’m pissed.. “You never cheated on Mom, Dad? Right?” kabado kong tanong. Hindi ko gugustuhin na malaman ni mommy o marinig niya man lang ang mga pinagsasabi sa akin ni daddy ngayon. “Darcy, siya ang tunay mong ina at ito ang twin sister mo. Ito ang mga results..” saka niya ibinaba ang hawak nitong papel. Tinignan ko lamang iyon. Now I get it! My father is totally wrecker. Ang hilig niyang mag-joke! To the point na kailangan niya pa ako I-prank para sa gift niya sa akin sa aking birthday? Gosh! “What is this? A prank? For my birthday next-next month? What is this? Island?” tila minadali ko pa ang pagbubukas ng envelope. Pagbuklat ko ng papel ay unti-unting naningas ang aking dibdib. Nanginig ang mga labi kong mabasa ang mga nakasulat. “Athena Belinda Guerrero? Clarestine Berlie Zerfa? Positive..” humina ang boses ko at unti-unting tumulo ang mga luha. So, this woman is not Tita Belle’s daughter? “What is this, Dad? Ano ‘to? Ano ba ‘tong palabas na ‘to? Ano ibig sabihin nito? Na hindi ko Mommy si Mom?” iyon ba ang gusto niyang palabasin? Marami na ang ang natakbo sa isip ko, dumagdag pa ang isang ito! “Darcy, siya ang tunay mong ina. Nagkamali ako na hindi ko sinabi iyon kay Veronica, hindi nasabi sa Mommy ang totoo. Pero, anak.. sila ang tunay mong pamilya, siya ang tunay mong ina at siya ang kakambal mo.” naningkit ang mga mata ko. Pinipilit kong mag-sink in sa utak ko ang sinabi niya. Kaya nang ma-realize ko ang mga sinabi niya ay parang dinurog lalo ang puso ko. “What the f-ck are you talking about, Dad?! hindi ko maintindihan, you-” hininto ko ang sasabin ko at pinakalma ang aking sarili. Ngunit nang imulat ko ang mga mata ko ay para ba akong nangigil sa galit. “No! Hindi ‘yan totoo!” wala akong pakialam kung aabot ng kabilang kwarto ang sigaw ko. Maraan akong napatayo at galit na tumingin kay daddy. “Anak..” parang nabingi ako nang marinig ko ang tawag sa akin ng ginang kanina. Athena Guerrero? Galit na galit akong tumingin sa kaniya. Siya ang tunay kong ina? Sira ulo ba siya! Hindi siya ang tunay kong ina! “Shut up!” sigaw ko, tumulo ang mga luha ko sa galit. Ano ang ginawa ni mommy, para saktan nila siya ng ganito? Hindi ba alam ni daddy na masasaktan si mommy kung sakaling narito siya! “Dalliance!” sigaw ni daddy sa akin. Ngayon ko lamang siya narinig nang ganito. Tumayo na rin siya at humarap sa akin. “Wala kang karapatan na magalit sa akin, Dad. Dahil ako dapat ang may karapatan na magalit sa ‘yo ngayon, hindi ako anak ng babaeng ito at hindi ko kakambal ang bwesit na ‘to! Wala akong kapatid at patay na ang tunay kong nanay! Naiintindihan mo!” hinablot ko ang bag at agad na umalis. Rinig na rinig ko pa ang sigaw ni daddy, ngunit hindi ko na siya nilingon pa. Pagkalabas ko pa lang ay nakita ko na agad si Pierson Ivoro na nakatayo sa gilid. Tila nakakunot ang kaniyang noo na nakatingin sa akin. “What are you looking at me, you bullsh-t! taray ko at agad na umalis papalayo. “Manong Tupe!” sigaw ko na ikinataranta niya. “Ma’am!” agad akong sumakay sa kotse, habang umiiyak. “Dalhin mo ako ngayon na sa puntod ni Mommy!” sigaw ko, kahit nasa kotse lamang kaming dalawa. Hindi na siya nagdalawang isip pa nang paandarin niya na iyon. Alam niya na rin ang gagawin sa tuwing ganito ang nangyayari sa akin, pero ngayon lamang niya akong nakitang lumuluha. Pero hindi nila ako nakitang humahagulgol. “Iwan mo na ako, tatawagan kita kung sakaling gusto ko nang umuwi o hindi naman kaya ay maghintay ka na lang. Ito kumain ka muna, balikan mo na lang ako.” nagbigay ako sa kaniya ng pera, siguro naman ay naramdaman niya na rin ang gusto kong mangyari. “Hi.. Mom..” tumabi ako sa kaniya sa tila maganda niyang libingan na para na ring bahay. Pinilit kong huwag umiyak, ngunit nang kagatin ko ang labi ko para hindi na tumulo ang luha ko ay hindi ko na nagawa. Humagulgol ako at tila niyakap ang kaniyang puntod. “Please, help me! Sana ay hindi mo na lang ako iniwan dito, sana ay isinama mo na lang ako kung masasaktan lang rin pala ako sa mga nalaman ko!” punas-punas ko ang aking mga luha, halos lahat nang sinabi sa akin ni daddy kanina ay tumatakbo pa rin sa aking isipan. “Mommy, hindi raw ikaw ang tunay kong nanay.” hawak-hawak ko ang aking dibdib. Wala na akong pakialam kung pangit ang pwesto ng aking pagkakaupo. “Ang sakit-sakit po, Mommy. Hindi ko tanggap.. hindi ko kaya, hindi ko tanggap…” wala akong ginawa kung hindi ang umiyak sa kaniyang tabi. “Ilang taon, halos pagmulat ko. Simula nu’ng magkamuwang ako, ikaw.. ikaw ang nanay ko. Ikaw ang nariyan sa akin, tapos ngayon ay sasabihin sa akin ni Daddy, na hindi ikaw ang tunay kong nanay? At may kapatid pa!” para akong tanga na sumisigaw sa kaniyang tabi. “Bakit mo kasi ako iniwan sa mundong hindi napapagaling ng pera ang sakit!” halos para akong sinasaksak sa aking dibdib. Isang oras akong umiiyak sa kaniyang tabi at lagi siyang tinatanong nang kumatok si Manong Tupe sa likod ko. Saka ako tumayo at pinunasan ang luha ko. Ipinakita ko muli sa mga tao na kaya ko ang lahat. “Ma’am, handa na po ang sasakyan. Tapos na rin po ako kumain, nagdala na rin po ako-” hindi ko siya pinansin at naglakad na lang hanggang sa kotse at sumakay. “Hinahanap na rin po kayo ni Sir, Ma’am.” hindi pa rin ako nasagot sa mga sinasabi niya. Kaya nang makauwi kami ay agad bumungad sa akin si daddy na parang nag-aalala na tignan ako. “Dalliance!” sigaw niya nang may pag-aalala. Tila yayakapin niya ako nang humakbang ako palayo sa kaniya na ikinatigil niya. “What?” namumugto ang mga mata kong tignan si daddy. “Anak, please.. kausapin mo ako. Alam kong marami akong pagkakamali-” “At dinagdagan mo pa! Daddy naman! Sa raming pwedeng itago, bakit ang totoo pa! Pinagmukha mo akong tanga! Pati na rin si Mommy! Ano ‘yon? Paano ‘yon!” sigaw ko, saka tumulo nanaman ang luha ko. “Kaya ba hindi ka masaya na kasama mo si Mommy at ako? Dahil masyado akong malapit sa hindi ko pala tunay na nanay? Iyon ba?” Hindi siya nakasagot sa akin at yumuko na lang. “Daddy naman! Hirap na hirap pa akong kalimutan ‘yung sakit na idinulot ni Mommy, dahil sa pagkakawala niya. Tapos ngayon, dadagdagan mo pa?” “Anak, baka makatulong ito sa ‘yo, para makalimutan mo ang sakit na nararamdaman mo sa pagkakamatay ni Mommy-” “Alam ba ‘to ni Mommy, Dad? Alam niya ba ang lahat ng kasinungalingan mo?” tumaas ang tingin ko sa kaniya. Umiwas siya ng tingin at agad na tumungo. “No,” sagot niya na ikinababa ng balikat ko. “Great, mabuti naman at hindi niya alam, dahil kung sakaling buhay pa siya at nalaman niya? Sobra na lahat nang binigay mong sakit sa kaniya, Dad. At ngayon? Hindi ko na alam kung saan ka babagsak.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD