CHAPTER 8

1516 Words
Chapter 8 “Dad?” agad kong hinawakan ang braso ni daddy nang makita ko siyang mamutla. “Excuse me? Can you please help me?” kalabit ko sa isang lalaki, ngunit agad nanlaki ang mga mata niya. “I thought you’re Tine, hawig kayo-” “Stop with the chitchat, I need your help,” saka ko siya tinarayan. “Daddy, are you alright? Ano ba ang pinag-usapan niyo ng Villion na ‘yon, para magkaganyan ka?” ngunit nang hawakan siya ng lalaki sa braso nito ay tumingin siya sa akin. “Anak, anak..” mabilis niya akong niyakap na ikinagulat ko. Bakit naman kaya ganito si daddy ngayon? Hindi naman siya ganito sa akin. “Dad? Bakit?” “Aalis na ‘ko, ah! Mukhang wala naman akong maitutulong sa inyo ngayon. Thank you for calling me, Ms. Darcy.” hindi ko pinansin ang lalaki, at umalis na ito. “Dad, you’re making me nervous, what happened? Can you just tell me?” ngumiti siya at umiling. “Masaya lang ako, Anak. Alam kong mali ang nasa isip ko, dahil alam kong hindi ka pa maayos, pero masaya akong naiisip na pwede tayong mabuo.” naningkit ang mga mata ko, hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. Anong mabuo? “Maybe you’re tired, you need some rest. Hayaan mo na akong mag-handle dito, Dad.” “May gusto lang akong kausapin, Anak.” ngunit nang sabihin niya iyon ay nakita ko na si Pierson Ivoro na kausap ang babaeng kahawig ko. Iyong pangalawang anak ng Villion. Nang makita ko ang luha sa mga mata ni Tine, iyon ang pagkakatanda ko sa kaniyang pangalan ay parang nag-init ang dugo ko. Bakit mayroon sa akin na hindi ko siya gustong naiyak? Maglalakad na sana ako para puntahan sila nang hinila ako ni daddy. “Where you going, Darcy?” tanong ni daddy sa akin. “There! This is the Grand Opening of my hotel, tapos doon pa sila mag-aaway magkapatid.” sambit ko. “Magkapatid? Sino ang magkapatid?” tinignan rin ni daddy ang tinitignan ko. “Hindi ‘yan magkapatid, ano ba ang pinagsasabi mo. Asikasuhin mo na ang mga bisita mo sa loob.” “Baka mamaya ay magulo ang party ko, dahil nag-aaway sila sa labas-” “Dalliance Vercy, listen to me. Hindi maganda na wala ka sa loob, at narito ka sa labas, habang nakikisawsaw sa away nang may away.” lumabas ang secretary ni daddy at agad na sumama sa kaniya. Ako naman itong naiwan at napanguso. Bakit gano’n si daddy? Parang ayos lang sa kaniya na iwan ako? Maybe, nasasaktan siya sa tuwing nakikita niya ako ay nakikita niya rin si mommy sa akin. “Hi! Thank you so much,” pagkamay ko sa mga ilang businessman. Nagulat ako nang biglang may humarang sa akin. Simula sa kaniyang sapatos ay tinitigan ko siya pataas. “You’re blocking my way,” mahina, ngunit hindi ko mapigilang itaas ang kilay ko. “Look, Darcy. Iyong babae na pinagtanggol mo kanina ay isang slut. Inaagaw niya sa akin ang fiance ko,” humikab lang ako nang kaunti at tumingin muli sa kaniya. “Why are you telling me this now? Excuse me, who are you?” itinaas ko ang daliri ko at asar na tinignan siya. “I’m Marwin-” “Great, pangalan pa lang nakakadiri na.” “Pardon?” tumaas ang kilay niya at tinagilid ang ulo sa akin. “Hindi kita kilala, hindi ko rin babalakin na kilalanin ka. Hindi ko nga alam, kung bakit mo ‘yan sinasabi sa ‘kin. Like what’s the point in it? Besides, I don’t see a ring.” point ko sa kamay niya. “Stop joking yourself, and also.. please.. stop talking to me. Masyadong mahal ang oras at hindi mo iyon afford.” saka ako naglakad papalayo. “Narinig mo ba ang sinabi ni Prio? Anak daw ni Belinda Guerrero.” napahinto ako saglit. “Hindi ba’t Athena Belinda Guerrero iyong hanggang ngayon ay hindi pa nagpapakita na taga pagmana ng Guerrero?” “Nako! Oo, mayaman ang mga iyon. Masyadong pribado ang pamilya nila, kahit ang mukha ni Athena ay hindi na mahanap sa mga internet.” ano ba ang pinagsasabi nila? Bakit sa araw pa ng grand opening ko pa sila nagkaganyan? Natapos ang araw nang maraming papuri ang aking natanggap. “Lucy, kilala mo ba ang mga Villion?” nasa loob kami ngayon ng aking kwarto ngayon dito sa Leyte. Hindi pa ako nauwi, siguro baka sa makawala na. Marami pa akong inaasikaso rito, aayusin ko muna. “Villion? Basta sa tuwing naririnig ko ‘yan ay laging nangunguna iyong Pivo at ‘yung Levorn.” “Levorn? Akala ko ay dalawa silang magkapatid? Isang babae at lalaki? Ang alam ko ay Tine ang pangalan-” “Ha? Dalawa lang silang magkapatid, parehas lalaki. Baka pinsan iyong nakausap mo or siguro kapatid nila, kasi syempre hindi naman ako updated sa kanila.” edi sana ay hindi ka na nagkwento, ‘di ba? “Levorn? Ang ganda ng pangalan niya, bunso siguro iyon. Mga ten years old gano’n.” “Hindi ko alam, bakit ba parang interesado ka sa mga Villion? Crush mo ‘yung panganay ‘no?” kumunot ang noo ko. “Hindi ‘no, wala akong pakialam sa kanila. Ni hindi ko nga makitaan ng charisma iyong panganay nila, iyong Pierson Ivoro-” “Pivo na lang, Dars. ‘Wag mo na pahirapan ang sarili mo.” saka siya umiga sa tabi ko. Ngunit ang nasa isip ko ay ang pangalan lamang na Levorn. Siguro ang pogi no’n paglaki, kasi maganda ang ate niya at kuya niya. Nakabalik kami ng Manila ni Lucy nang masaya. Siguro, dahil naka-refresh na rin ako ng kaunti. “Sure ka ba na kaya pwede mong iwan ang hotel mo?” nag-flip lamang ako ng aking hair at itinaas ang kilay ko. “Subukan lang niya magloko sa paghawak ng Z Hotel ko at habambuhay siyang mahihirapan.” banta ko sa aking CEO. “Hay nako, kahit kailan talaga-” itinaas ko ang aking kamay, dahil nakita kong tinatawagan ako ni daddy. “Dad, what’s up?” sagot ko. “Where are you? Ipapasundo kita, mag-dinner tayo.” nanlaki ang mga mata ko. Parang ilang weeks na rin nang magkasama kaming kumain ni daddy. After nu’ng namatay si mommy ay ilang beses lang kaming nagsabay, sunod no’n ay wala na. Na excite ako bigla, parang ang sarap sa pakiramdam na may oras na siya sa akin! “Ang saya mo, ah! Ano meron?” “Dinner with Dad, odd right? Hindi naman siya gano’n, mas gugustuhin niya pang makipag-dinner sa mga katrabaho niya, kaysa sa anak niya and now? Niyaya ako ni Dad! He’s so proud of me, no wonder,” parehas kaming tumawa ni Lucy. “Sige na, mukhang excited ka na para mamaya. Mauuna na ako,” nagpaalam niya sa akin at umalis. I was wondering, kung ano ang magandang isuot para mamaya. Syempre, minsan lang ito, kaya dapat maayos ako ngayon. “Maganda iyan sa inyo, Ma’am.” puri sa akin ni manang. “Lahat nang suotin ko ay maganda sa akin, Manang,” pagtatama ko sa kaniya na ikinatawa niya. “Mukhang excited ka na talaga na maka-dinner si Sir.” “Alam mo naman, kung ano ang nangyari. Hindi naman gano’n si Daddy, kaya masaya akong maisip niya na mag-bonding kami lalo na ngayon na kailangan ko talaga ng Daddy.” kabog nang kabog ang puso ko. Hinawakan ko ang picture ni mommy nang iwan ako ni manang sa kwarto. Nakaayos na ako ngayon sa aking pinakamagandang elegant dress. “Mommy, sayang wala ka. Pero ngayon ay nakakapanibago. For the first time na magyaya si Daddy ng family dinner! Sana ay narito ka, alam kong natutuwa ka na makita kaming dalawa ni Daddy na kumain, kaya naman isasama ko na lang ang maliit mong picture,” sambit ko. Kinuha ko ang isang maliit na litrato niya na nakangiti at inilagay sa aking purse. “Ready na po ang kotse, Ma’am.” ani ni Manong Tupe. “Mukhang good mood ka ngayon, Ma’am. Ah!” sunod niya pang sabi. “Yes, sabi kasi ni Daddy ay may dinner kaming dalawa.” kita ko kung paano ngumiti si Manong Tupe. Ikinikiskis ko pa ang palad ko. Lalo na nu’ng makababa ako sa isang mamahaling resto. Very suspish! Parang kakaiba ang daddy ngayon, bakit ngayon niya lang ako inimbitahan sa ganito. Even mommy, hindi niya pa naiimbitahan sa ganito. Laging si mommy ang nagpapa-reserve, pero in the end, kami lang dalawa ang kakain. Hindi naman siya nadating lagi. “Pierson Ivoro?” tanong ko nang makita ko siya sa labas ng isang pinto, kung saan doon ako ihahatid ng waiter. “Your family is waiting on you, Brat.” brat!? what the f-ck! At gano’n na lamang ang gulat ko nang pagpasok ko ay bumungad sa akin ang likod ni daddy, habang may dalawang babae na kaharap. Bakit sila narito? Why they are ruining our first father-daughter dinner day?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD