CHAPTER 7

1773 Words
Chapter 7 “Dars, seryoso ka bang ayos ka lang?” its been three months, since nawala ang mommy ko. After no’n ay mas lalo akong nagpursigi, talagang inaral ko ang lahat para sa gagawin kong Z Hotel na sinabi ko sa kaniya noon. Pinagmalaki ko pa iyon sa kaniya at nagustuhan naman niya ang balak ko. “Oo naman, bakit?” no, hindi ako maayos. Hindi ako okay, parang lahat nang nangyari sa akin ay ang bilis. Hindi ko kayang gumising nang alam kong wala na ang nanay ko. “’Wag mong itago ‘yung sakit, Dars. Narito naman ako, ‘wag mong sarilihin ang sakit.” “Hindi mo mararamdaman ang sakit na nararamdaman ko, kung hindi pa nararanasan ang isang bagay, Lucy. Nawalan ka na ba ng nanay?” “Nawalan na ako ng malapit sa buhay-” “Ang tanong ko ay nawalan ka na ba ng nanay? Tandaan mo, Lucy. Sabihin man natin na naranasan mo nang mawalan ng importante sa buhay, pero hindi mo pa nararanasan ng nanay. Magkaiba ‘yon, dahil iba ang pagmamahal mo sa isang tao na importante lang at sa taong binigay mo ang puso mo at pagmamahal,” natahimik siya sa aking sinabi. “Sorry, ang akala ko lang naman ay makakatulong ako sa ‘yo.” “Nakakatulong ka sa akin, Lucy. Pero hindi mo kailangan na ipilit sa akin ang hindi ko pa kayang ibigay sa ‘yo.” tumungo na lamang siya sa akin at ngumiti. “Sinasabi ko lang naman ito, para kung sakali na kailangan mo nang malalabasan ay narito lang ako.” hindi ko na siya pinansin pa nang maglakad ako patungo sa office ni daddy. “Ayos na po ba ang mga kailangan ko, Daddy?” tumungo lamang siya at inilapag sa akin ang isang tabloid. “Naunahan tayo ng Villion na iyon sa mall, pero itinayo malapit sa lupang nabili natin.” kinuha ko iyon at tinignan. “VMall?” simula nu’ng nawala si mommy ay ganito na lang ang usapan namin ni daddy. Panay business, minsan na lang rin kaming nagkikita sa bahay, dahil lagi naman siya rito sa opisina. “Mas maganda sana kung tayo ang naunang magpagawa ng mall, pero dahil nariyan na iyan ay wala na tayong magagawa.” Ano naman ang pakialam ko sa gusto nilang itayo? “Nahihirapan ako na palipat-lipat sa Manila at Leyte, kaya mabuti pa na mag-stay na lang ako sa Leyte. Tutal ay sa ikalawang araw ay magbubukas na rin naman ang Z Hotel ay dapat makita ko na ang pinaghahandaan para sa Grand opening,” hindi siya nakatingin sa akin, ngunit nakatingin naman siya sa mga papel niya sa mesa. “Kung iyon ang gusto mo ay sige, mag-iingat ka, Anak.” masakit sa dibdib na parang ayos na ayos lang sa kaniya na ganito. Sa bagay, kahit ano naman ang ipaalam ko ay ayos lang sa kaniya. “Nag-imbiti na rin ako nang mga malalaking company, tulad ng PRIODAB at Villion Corp.” ngumisi ako. Mas nauna pa siya sa akin sa pag-imbita. “Aalis na ako, mag-iimpake na rina ko pag-uwi ko sa bahay, dahil aalis na ako mamaya.” suminghap ako at tumalikod. “Darcy,” tawag sa akin ni daddy ay agad akong napahinto. Hindi ako lumingon, dahil ayokong makita niya akong nalulungkot. Ano pa ba ang gagawin ko para mas maging proud siya? “Masaya akong naisip mong pasukin ang ganitong mundo, congratulations, Anak.” pinilit kong ‘wag maluha at ngumiting lumingon sa kaniya. “Sabi kasi ni Mommy ay ituloy ko ‘to, Dad. Sabi niya kasi ay sa ‘yo ako nagmana, kaya hindi ko siya bibiguin,” tipid lang ang ngiti niya, bago ako lumabas ng office. Agad tumayo si Lucy sa upuan saka siya lumapit sa akin. “Nakahanda na ang mga gamit ko, iyong iyo na lang ang hindi pa,” para siyang secretary ko na nasa gilid ko lang always. “Kung gano’n ay mauuna na ako sa bahay.” wala akong narinig na kahit anong sagot sa kaniya. “Manong Tupe, pakitawag ang driver ng van, para maihatid muna si Lucy sa airport.” tumungo naman si Manong Tupe at agad na tumakbo. “Mauuna na ako? Paano ka?” seryoso ba ang tanong niya? “Malamang, Lucy. Susunod!” para namang walang utak ang babaeng ito. “Alam ko naman na susunod ka, pero bakit kailangan ko pang mauna?” “Dahil alam kong mapapahaba lang ang usapan, kung kasama kita sa bahay. Ayan na, sumakay ka na doon, susunod na rin ako.” ako na ang nagbukas ng pinto at sumakay, natakbo si Manong Tupe at kinuha ang mga gamit ni Lucy sa likod. “Kailangan ka babalik n’yan?” tanong ni manang sa akin nang makauwi ako ng bahay. Nag-aayos na ako ngayon ng ilang mga gamit. “May anak ka bang babae, Manang?” kumurap-kurap siya at tumungo. “Ay mayroon po! Nag-aaral sa university niyo, Ma’am. Scholar siya doon,” nahinto ako saglit sa pag-aayos ng mga gamit. Naalala ko kung paano ko lait-laitin ang mga scholar sa paaralan na iyon. “Kung gano’n ay ibigay mo itong bag na ito, hindi pa ‘yan nagagamit. Ayoko nang gamitin ‘yan, dahil masyadong nang outdated. Masyado ng luma at ayoko nang makita pa iyan.” inihagis ko iyon sa kama ko. “Nako, Ma’am. Hindi ba’t Chanel bag ito?” “Kung hindi mo kukunin ay ‘wag ka nang maingay. Ito pa, kung ayaw mo n’yan ay ibenta mo na lang at kunin ang pera, saka ka bumuli ng mga gusto mo at ng anak mo.” ihinagis ko pa ang isang bag na hindi ko na rin ginagamit. “Kung may kailangan ang anak mo na damit ay sabihin mo ‘ko para sa mga importanteng lakad o event para sa school ay sabihin mo ‘ko.” nanlalaki pa ang mga mata niya. “Thank you so much, Ma’am! Sigurado akong matutuwa iyon, dahil makakabili na siya ng sapatos!” ihinawi ko ang maganda kong buhok patalikod at tinignan ang aking sarili sa salamin. “Ayokong maging unfair para sa ibang naririto na katulong, pero dahil wala kami ni Daddy sa makalawa ay magpapahanda ako dito. Kasabay ng handaan sa Leyte, siguraduhin mo na pupunta ang pamilya mo at ang pamilya ng iba. Pero sisiguraduhin mo lang na sa likod lamang kayo ng bahay magsasaya, ayokong may papasok sa kwarto ko o aakyat na kahit sino sa palapag na ‘to.” “Opo, Ma’am. Masusunod po! Maraming salamat po!” saglit lamang iyon nang makalapag na kami ni Lucy sa Leyte. “Ano ba ang ginagawa mo? Hindi naman ‘to ibang bansa, para magganiyan ka,” tila bini-video-han niya ang daan, patungo sa Z Hotel. “For my IG stories ‘to, ‘no!” “Alam ko, hindi naman ako taga-forest, para hindi ko malaman ang mga iyan.” busy lang talaga ako ngayon, kaya hindi ako masyadong nagdadalaw sa social media. Well, hindi naman talaga ako masyadong pala post, pero minsan lang naman. “Good afternoon, Ma’am.” pasok namin sa Z Hotel. Ngumiti lamang ako nang maisip kong alam kong natutuwa si mommy sa akin, dahil natupad ko na ang isa sa mga nasabi ko sa kaniya. “Ma’am, marami na po agad ang nagpa-book. May mga bisita na rin po tayo na narito na sa Leyte at nasa ilang hotels po na malapit lang rin dito. Iyong Shad Prio po ay kakarating lang po ngayong sa Leyte.” “Hindi ko kilala ang sinasabi mo, pero wala akong pakialam d’yan.” saka ako naglakad paakyat. Itinuro ko na rin kay Lucy ang magiging kwarto niya. Gumastos ako ng kulang-kulang milyon para sa hotel na ito, kaya sinisigurado kong ito ang magta-top one sa Leyte. Dumating ang araw ng grand opening nang kumabog ang puso ko. Hindi dahil sa takot, kung hindi dahil sa saya. Simula ngayon ay maisasatupad ko na ang gusto ni mommy. “Ang ganda niyo naman po, Ma’am.” puri sa akin ni Evalyn. Iyong taga ayos ko. “Kailan pa ako naging pangit? Kahit ano ang gawin mo sa mukha ko ay likas na akong maganda.” idagdag ko pa ang aking mamahaling damit. Ang itim na mahabang ang slit. “Super sexy niyo pa po,” dagdag niya pa. “Alam mo, Evalyn. Hindi ako pinanganak para maging pangit sa mundo, hindi ako nabuo nang hindi pinag-isipan, kaya alam kong maganda ako, dahil pinaghandaan akong gawin.” naka lugay ang aking mahabang buhok. Lagi na itong kulot, pero ngayon ay mas humaba ito, dahil straight. Hinalikan ako ni daddy sa noo nang makapasok siya sa kwarto ko. “Ang ganda naman ng anak ko!” tinitigan niya ako at ngumiti. “Kamukha mo ang nanay mo,” hinawakan niya ang buhok ko, saka ko tinignan ang sarili ko sa salamin. “Parang hindi naman, Dad. Ang layo kaya ng mukha ko kay Mommy, kahit sa ‘yo. Hindi ko alam kung kanino ba talaga ako nagmana.” nawala ang ngiti niya sa sinabi ko. “Marami na ang tao sa ibaba. Ang mga bisita mo ay nariyan na rin, ihanda mo na ang sarili mo, Anak.” lumunok ako at tinignan muli ang sarili sa salamin. “Born ready for this,” sambit ko. Nang makababa kami ay halos marami ang nagsipalakpakan nang umakyat ako ng stage. Hindi ko inaasahan na sa murang edad ay magkakaroon ako ng ganitong business. Marami akong sinabi na speech at iilang pasasalamat para sa lahat. “Enjoy this day and welcome to Z Hotel!” saka ko itinaas ang aking wine glass. Marami ang naghiyawan, pati na rin ang malalakas na tugtog. Halos nakuha ng atensyon ko ang isang lalaki, parang nakita ko na ito sa kung saan. Saka ko naalala na siya ang panganay na anak ni Tita Belle. Siya si Pierson Ivoro! Ngunit nang sundan ko ang kaniyang tinitignan ay nanlaki ang mga mata ko. Kausap niya si daddy na parang gulat na gulat pa ito. Nang makalapit ako sa kanila ay kinausap naman ni Pierson Ivoro si daddy kaya’t ang naabutan ko na lamang ay ang isang babae na tila kinakausap ng kung anu-ano ang babaeng anak ni Tita Belle. “Darcy!” tawag sa akin ng isang babae, hindi ko alam kung bakit ako naiinis sa kaniya. Lalo na sa way na pagkausap niya sa anak na babae ni Tita Belle. “We’re not close,” masaya akong ngumiti sa babaeng anak ni Tita Belle. At agad hinaplos ang kaniyang mukha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD