CHAPTER 6

1775 Words
Chapter 6 “Ano na ang gagawin mo n’yan?” tanong niya sa akin at agad na tinignan lamang ang isang babae at lalaki na magkahawak ang kamay, habang nakain ng ice cream. “Wala,” sagot ko kay Lucy sa kaniyang tanong. Bakit ko hahabulin ang isang tao na hindi naman pala niya ako gusto? Sa tuwing naririnig ko ang sinabi ni daddy kay mommy, hindi ko na alam kung tama pa ba na maniwala sa pag-ibig. Sabi nila, basta may pag-ibig, may kabaitan. “Hindi ka bababa?” sunod niya pang tanong sa akin. “Manong, umalis na tayo.” utos ko at hindi pinansin ang tanong muli ni Lucy sa akin. “Seryoso? Hindi mo papansinin? Parang bumait ka ata?” “Gusto mo pati ikaw ay hindi ko na rin pansinin? Para mas lalo akong magmukhang mabait?” sarcastic kong sabi sa kaniya na ikinatahimik niya. Wala naman akong pakialam, kung ano pa ang gawin niya na sa buhay niya. Hinding-hindi ko na siya kakausapin pa. Halos buwan lamang ang nakalipas nang laging hindi na nauwi si daddy sa mansyon. Si mommy naman ay panay inom lang ng alak sa ibaba. Ako naman ay walang magawa at panay tingin lamang sa kaniya. “Mommy, gusto mo bang umalis tayo? Out of town? Country? Gala tayo? Shopping?” naawa na ako kay mommy, wala naman siyang ginawa kung hindi ang mahalin lang ang daddy ko, pero ito ang sinusukli sa kaniya. Nakakatakot pala ang magmahal, hindi mo alam kung sino ang talo at panalo. Parang laro lamang ang pag-ibig, walang kwentang laro. “Anak, pakikuha nga ang gamot ko,” tila utos niya sa akin. Ako naman itong sumunod at ilang saglit pa ay narinig ko ang malakas na basag ng kung ano, kaya’t mabilis akong bumalik. Halos nanlaki ang mga mata ko nang makita kong nakahilata na ang mommy ko sa sahig. “Yaya! Manong!” sigaw ko at tila hinawakan ang mommy sa kaniyang braso. “Mommy? Mommy!” nawalan na ako sa aking sarili nang tila hampasin ko pa ang kaniyang mukha, ngunit hindi niya inimumulat ang mga mata nito. “Ano ba! Yaya! Mommy! Please, wake up! This is not a good joke!” tumulo ang mga luha ko, habang yakap ko siya. “Ma’am! Madame!” tila tumaas ang tono ng aming yaya nang makita niya kaming dalawa sa lapag. “Call Manong! Faster!” hinawakan ko muli ang mukha ni mommy at tila ginigising. “Please, wake up. Please, Mom! don’t leave me,” nang dumating si manong ay agad nilang binuhat si mommy. Halos wala na ako sa sarili ko nang makarating kami sa ospital. “Mom!” sigaw ko, habang idinadala siya sa emergency room. Agad kong tinawagan si daddy, ngunit hindi naman niya sinasagot. “Daddy, please answer my call. Natatakot ako,” naiiyak kong kausap sa telepono, kahit hindi naman sinasagot ni daddy. “Please, Dad?” ngunit hindi niya pa rin sinasagot. Halos hinang-hina akong umupo sa gilid at nang mapatingin ako sa gilid ay parang namukhaan ko ang isang lalaki. Hindi ba’t siya si Pierson Ivoro? Iyong anak ni Tita Belle? Nawalan ako ng pakialam sa kanila. Sumagi sa isip ko ang mommy na ipinalalangin ko sa itaas na sana ay maging maayos na siya. “Ma’am, uminom po muna kayo.” saka inabot sa akin ni yaya ang isang bote ng tubig. “Tap water?” umiling lang siya, mahirap na at baka sumunod naman ako sa ospital. Isang saglit pa nany may mga tumatakbong nurse patungo sa emergency room na kung saan ay doon idinala ang mommy ko. Agad akong napatayo. “Ano ang nangyayari? Ayos lang po ang Mommy ko?” nanlalaki kong mga mata na tanong sa kaniya. “Please, d’yan lang po muna kayo.” sabi ng nurse at agad na pumasok ng room. “Tinatanong ko kayo! Bitawan mo ‘ko! Papasukin mo ‘ko! Mommy!” isang bukas ng pinto nang pumasok ang ibang nurse, ngunit ang masakit sa mata ko ay makitang nire-revive ang ina ko. Agad akong napaluhod sa simento, hindi ko alintana kung masakit sa tuhod ang ginawa ko. Pero parang unti-unti akong nahirapang tumayo. “Mommy..” iyak kong tawag sa kaniya. Pagbukas muli ng pinto ay agad nang yumuko ang doctor. “We tried..” umiling-iling ako, hindi ko na narinig ang boses ng doctor nang mas humagulgol ako. “Try more! Hindi ba’t doctor ka? Bakit hindi mo niligtas ang Mommy ko!” pinaghahampas ko ang kaniyang dibdib. Ngunit pinigilan lamang ako ng mga nurse sa gilid. Nang umalis ang doctor sa harap ko ay bumungad ang mommy kong nakahiga. May mga nurse na may inaayos sa loob at nakayuko. “What are you doing? Bakit hindi ka gumising! Paano na ‘ko ngayon? Why did you leave me? Paano mo ‘kong nagawang iwan sa mundong, hindi ko man lang makatarungan?” agad ko siyang niyakap. Masyadong biglaan, parang hindi ako makapaniwala. Bukas ay hindi ko na siya makakasama? Gano’n ba iyon? Wala nang tatawag sa akin sa umaga? “Mommy! Wake up!” sigaw ko, ngunit hindi na niya talaga minumulat ang mga mata nito. “Please! Please!” ‘wag mo naman akong iwan ng ganito, mommy. Hindi ko kaya, ikaw na lang ang mayroon ako. “Ma’am, condolence po.” yukong sabi ng nurse sa akin. “Anong condolence na pinagsasabi mo? Hindi pa patay ang Mommy ko! Out! All of you. Out!” tanging ako at si mommy na lamang ang naiwan sa loob. Naninigas ang puso ko na makita siyang ganiyan. Doon na lalo akong humagulgol, hindi ko gustong nakikita ako ng mga taong nanghihina, dahil alam kong kakaawaan nila ako, malalaman nila ang kahinaan ko. Pero ngayon? Wala na akong pakialam. Ang nag-iisang tao sa buhay ko na bumuo sa akin. Nawala.. “Alam mo naman na ikaw lang ang mayroon ako, Mommy.. bakit naman? Kung hindi ka na mahal ni Daddy, nandito naman ako! Mahal kita! Mahal na mahal kita!” hawak-hawak ko ang kaniyang kamay at napaluhod sa tabi niya. “Please, please! Nagmamakaawa ako, Mommy! Gumising ka! Please!” may humila na lamang sa akin papalayo, dahil masyado ko nang hinila ang katawan ni mommy. “Bitawan niyo nga ako! Sinabi ko nang bitawan niyo ‘ko! Ano ba!” may ilang nurse pa na humawak sa akin at mas inilayo ako kay mommy. Ngunit ako na lamang ang nanghina at nawalan ng balanse. Isang turok sa gilid ko ay alam kong nanghina na lang ako. Isang tulo ng luha ko ay wala na akong nakitang liwanag. “Anak, lagi mong aalagaan ang sarili mo, ha?” nananaginip lang ba ako? Ibig sabihin ay hindi talaga nawala si mommy? “Mahal na mahal ka ni Mommy at sana ay tuparin mo lahat ng pangarap mo, ‘wag mong aawayin ang Daddy mo, okay?” totoo ba ‘to? “Mommy? Ang sama ng panaginip ko,” saka ko umiyak, ngunit pinunasan niya lamang ang luhang tumulo sa pisngi ko. “Mag-iingat ka, Anak. Mahal na mahal kita,” isang halik niya lamang sa noo ko ay agad ‘kong namulat ang mga mata ko. Kabog nang kabog ang aking dibdib. “She’s awake! Tawagin mo ang Tito Clark!” napatingin ako kay Lucy na inutusan ang yaya namin. “Dars, ayos ka lang ba?” ngunit nasapo ko ang aking ulo. “Where’s Mom?” nanginig nanaman ang labi ko. “Lucy, answer me. Where’s Mom?” tumulo rin ang kaniyang mga luha. Kaya inalis ko ang kumot na nasa takip sa akin at agad na tumayo. “Dars, you need to calm-” “Kalmado ako, Lucy.” pinilit kong maging kalmado, pinilit kong hindi umiyak sa harap niya. Kahit durog na durog na ako sa loob ko. Paglabas ko ng kwarto ay nakita ko si daddy na kausap ang doctor. “Heart failure..” iyon na lamang ang huli kong narinig sa sinabi ng doctor. “Wala pong sakit sa puso ang asawa ko,” dagdag ni daddy. “Nakausap po namin ang kasambahay niyo na lagi raw pong nainom si Misis, nakakasigurado po ako na doon galing ang heart failure at atake sa puso na nangyari.” lumapit ako kay daddy, ngunit hindi ko siya tinignan. “Darcy..” tawag niya sa akin, ngunit hindi ko siya pinansin. “Where’s my Mom?” tinignan lamang ako ng doctor at tumungo sa daddy ko. “Anak, you should rest.” “I’m fine, Dad.” saka ko siya pinukaw ng mga tingin ko. “Ikaw dapat ang magpahinga, dahil sobrang rami mong ginawa sa work mo. You’re so busy at hindi ko inaasahan na pupunta ka pa dito, because you’re a busy person.” saka ako tumuloy sa paglalakad. I’m wearing my black dress at shades. This is the last na makikita ko ang mommy ko. Ngayon ang araw ng libing niya. It’s been days, since nawala siya sa akin. Hindi ko kinakausap ang daddy ko, at napansin ko na sa sarili ko na mas lalo akong naging cold. Tita Belle is here and some of my mom’s Amiga’s. “Condolence, Darcy.” ngumiti ako ng kaunti at tumungo. Hindi ako nagsalita, wala akong sinabi kahit ano. Daddy is here, pero nitong mga araw ay wala siya. As always, he’s busy at work. Mahal ko si daddy, pero mas mahal niya ang trabaho niya kaysa sa amin ni mommy. Hindi na ako magtataka, kung one day ay sumunod na lang ako kay mommy. Habang ibinababa si mommy ay parang dinudurog ang puso ko. Hindi ako umiiyak, hindi ako iiyak. Nilalakasan ko ang aking loob, hindi ako iiyak kahit anong mangyari. Ipinangako kay mommy na magiging malakas ako. Ngunit nang hawakan ni daddy ang balikat ko ay agad akong napatingin sa kaniya. Humihikbi si daddy at pinupunasan ang kaniyang luha, doon na ako naiyak. Hindi ko kaya, hindi ko pala kaya. “Daddy..” iyak kong tawag sa kaniya at agad siyang niyakap. “I can’t.. hindi ko kaya.” hinalikan niya ang noo ko at mahigpit rin na niyakap. “I’m so sorry, Anak. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, sana ay hindi na lang ako nagpadala sa galit. Patawarin mo ako, Anak.” iyak niyang sabi at mas mahigpit pa akong niyakap. Doon ko naramdaman ang pagmamahal ni daddy kay mommy. Bakit nga ba nalabas lamang ang pagmamahal ng isang tao, kapag nawala na ito sa mundo? Pero kapag narito naman sila ay parang wala silang pakialam. Kung kailan huli na ay saka nila sasabihin ang totoo.. kung kailan wala nang pagkakataon..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD