CHAPTER 5

1828 Words
Chapter 5 “Bakit ang tagal ng gwapo na ‘yon?” ngumuso ako at naningkit ang mga mata. Its been five minutes ng wala pa ring narating na sinabi ko sa kaniya. Hindi man lang siya nagpakita. Kaya nang dumaan ang isang waiter ay agad ko siyang tinawag. “Excuse me!” sigaw ko at agad naman itong tumungo sa akin. “Yes, Ma’am.” ngumiti siya at friendly, ngunit ang lalaki kanina na waiter ay nakuha pa akong tanungin. “Kanina ay may inutusan akong katulad mo, kaso hanggang ngayon ay hindi pa rin narating. Ano ba ‘yon? Saan niya ba kinuha ang inumin ko? Sa Paris?” kumurap-kurap ang lalaki at tila nag-isip. “Ano po ang drinks niyo, Ma’am? Pasensiya na po at masyado na po kasing marami ang tao, baka po ay nautusan po sa loob.” pagdidipensa niya sa kaniyang kasamahan. “Kung gano’n lang ang tauhan ko ay sisisantihin ko, kaya kuhaan mo na ako, bago mag-init ang ulo ko.” “Ano po ulit ang drinks n’y-” ngunit hindi niya iyon natapos nang may isang baso na tila pagalit ang bumagsak sa mesa ko nang makaupo ako. “Here’s your drink,” nanlaki pa ang mga mata niya. Animo’y parang sinisindak pa ako. “Sir!” ngunit tinapik lang siya ng lalaking gwapo na boy ng mansyon na ito. “Aba’t nakuha niya pang ibagsak sa mesa ko ang.. oh my gosh! Asan ba ang Chanel bag ko?” kinuha ko ang bag ko at agad na inilabag ang cellphone ko. Ngunit ang lalaking waiter na hindi gwapo ay nakatayo pa rin sa gilid ko. “What? Gusto mo sampal ko sa ‘yo ‘to?” nanlaki ang mga mata niya at umiling. “Aalis na po ako, Ma’am.” nilingon niya pa ako at sinilip ng tingin. Mataray kong inilabas nag phone ko at tila nagulat nang makita ko ang message ni Lucy. “Dars, confirm.. nagchi-cheat sa ‘yo si Kaiser!?” lumakas ang aking boses nang basahin ko ang huli niyang sinabi. Nagchi-cheat sa akin si Kaiser? Paano naman niya iyon magagawa? Kahit hindi ko makita sa mga mata niya na mahal niya ako ay alam kong hindi niya naman ako lolokohin. Agad akong tumayo at tumungo sa mansyon, masyadong maraming tao sa labas kaya ayoko namang kausapin si Lucy sa maraming tao, dahil alam kong mapapasigaw lamang ako. Nang makapasok ako sa mansyon ay nanlaki ang mga mata ko. Mas malaki ito kaysa sa amin, ngunit mas magarbo ang amin. Mas maraming kagamitan ang amin, ngunit sa mansyon na ito ay parang bilang lang. Nagtanong ako sa isang lalaki at agad na itinuro ang banyo na aking itinatanong sa kaniya. Malaki ang banyo nila at aminado naman akong maganda, hindi naman makikipagkaibigan si mommy, kung hindi to mayaman. “Lucy!” agad kong sabi nang sagutin niya iyon. “Ano ang sinasabi mo sa chat mo sa akin?” kumalabog ang aking dibdib, ngayon ko lamang naranasan ang ganito. Kung sakaling lokohin man nga ako ay parang malaking sampal iyon sa akin. Ang isang Dalliance Vercy ay naloko lamang? “Dars, kumalma ka. Nagkaroon kami ng family dinner sa isang resto at nakita ko si Kaiser na may ka-holding hands palabas ng resto!” ang malaking salamin na nagrereplika sa aking sarili ay bahagya kong tinignan. “Kilala mo ba ‘yung babae?” “Dars, may balak ka bang gawin?” pinikit ko ang mga mata ko, hindi niya sinagot ang tanong ko. “Lucy, halatang kilala mo ang babaeng iyon. Sabihin mo kung sino, habang may pasensiya pa ako.” sagot ko. “Fine, iyong babae na nerd na sinipa mo ‘yung thesis.” parang tinambol ang puso ko. Hindi dahil sa kaba, kung hindi dahil sa gulat. “Seryoso ka ba? Baka naman nagkakamali ka lang, baka hindi si Kaiser ang nakita mo, Lucy.” si Kaiser? Papatulan ang babaeng iyon? Ang babaeng iyon talaga? Pinapatawa ba ako nitong kaibigan ko? “Maniwala ka sa akin, gusto mo pa-check natin ang cctv footage sa resto na ito, para malaman mo.” ikinalma ko ang sarili ko. “Fine, babalik ako agad ng Manila. Once na malaman ko lang talaga na niloloko niya ako ay sisiguraduhin niya na muli mararamdaman ang karangyaan.” pinatay ko kaagad ang tawag ko kay Lucy. Galit na galit akong lumabas ng banyo at agad akong nahinto nang may makasunod ako sa paglakad. Nanlaki ang mga mata ko nang parang nakita ko ang sarili ko, ngunit sa mas maamong mukha. Mas payat siya at mas mahaba ang buhok. Hindi kaya siya ang anak ni Tita Belle? Nang tignan ko ang katabi niya ay agad ring naningkit ang mga mata ko. Siya ang waiter kanina na inutusan ko at ang tagal masyadong bumalik. Bumalik nga, pero padabog naman niyang inilapag sa akin ang inumin ko. May mantsa ang kaniyang damit, halatang masyadong pagod na sa trabaho. “Pakisabi sa driver ay pakihanda ang kotse,” utos ko sa lalaking gwapo na waiter. Isang taas ng kilay niya ay napatingin siya sa katabi nitong babae na maganda. “Ano pa ang tinitingin-tingin mo d’yan, inuutusan kita.” sunod ko pang sabi sa kaniya. Ano? Tititigan niya na lang ako? Agad akong ngumiti sa babae at nakipagkamay. “You must be the second child of Tita Belle. Nice to meet you,” pagpapakilala ko at agad na nakipagkamay. Ngunit ang galit na tingin sa akin ng waiter na aking inuutusan ay parang mas lalong lumalim. “Hindi ba’t boy ka dito? Bakit hindi mo sinusunod ang utos ko? Oh my gosh!” nagpaypay pa ako gamit ang aking mga kamay. Nagsalita ang babae at agad na natawa sa kaniyang kasamang waiter, ngunit hindi ko na iyon napansin nang dumating si mommy. “Nakahanda ang sasakyan sa labas, Anak.” mabuti naman, hindi ko rin alam kung paano nalaman ni mommy, pero mamaya ko na lang ikekwento sa kaniya. “Naglasing daw ang Daddy mo, kaya kailangan na rin nating makabalik,” umawang ang labi ko. Kaya pala gusto na ni mommy na bumalik kami, dahil may nangyari kay daddy! “Okay na, walang kwentang boy. Advice ko lang sa ‘yo, sesantihin mo na ‘tong boy n’yo.” payo ko sa anak ni Tita Belle na babae. Hindi na siya napansin pa ni mommy, dahil masyado na siyang nagmamadali. “Manang, asan na si Clark? ‘Wag niyong hayaan na mag-drive iyan ng lasing, ha? Pauwi na kami ngayon.. kaya nga, naging saglit lang ang pagdalo namin ay kailangann na namin agad umalis.” may kausap siya sa telepono nito. Nagpaalam na si mommy kay Tita Belle. “Ayos lang iyon, Veronica. Gano’n talaga, unahin mo ang pamilya mo.” isang tingin lang sa akin ni Tita Belle ay ngumiti agad ako. “Nakilala ko po ang maganda niyong anak po, Tita Belle.” tumaas ang dalawa niyang kilay. “Maganda?” tanong niya sa akin. “Ah! Baka si Tine ang nakilala mo, oo.. napakagandang bata n’yon. Wala kasi rito ang panganay kong anak na si Pivo, sayang at hindi mo nakilala.” ngumiti ako. Nagpapaalam si mommy sa iba niyang kaibigan, habang kausap ko si Tita Belle. “Manong! Pakitawag nga si Delion at ipapakilala ko dito kay Darcy.” Delion? Sino naman iyon? “Hindi mo pa nakikila ang isang iyon panigurado ako-” ngunit hindi na natapos ni Tita Belle ang kaniyang sasabihin nang agad pumunta si mommy sa gilid ko. “Belle, we really need to go.” “Gano’n ba? Kung gano’n ay mag-iingat kayo.” sambit ni Tita Belle, kaya agad naman kaming naglakad ni mommy. Habang naglalakad kami palayo ay nakasalubong ko muli ang waiter na boy na iyon ng mga Villion. Nakasuot na siya ng tshirt at short. Mataray niya akong tinignan at ako naman itong nagulat. Siya lang kauna-unahang lalaki na tinarayan ako ng ganito! “Mukha kang tambay,” bulong ko sabi, ngunit sapat na para marinig niya at agad ko siyang nilampasan. Hindi ko na siya nilingon pa nang makasakay na kami ng sasakyan. Hindi maalis sa isip ko ang lalaking iyon. Bakit ang linis niya tignan, kahit mahirap siya? Hindi ba’t waiter lamang siya at boy ng mga Villion? Isa kaya siyang hardenero? Chef? Ay hindi, isa siyang waiter talaga at tambay. “Oo, papunta na kami.” boses ni mommy, kaya nang makabalik kami ng Manila ay agad kong tinawagan si Lucy. “We’re here in Manila, baka bukas ko na titignan ang cctv na iyan. Safe mo kamo ang clip at titignan ko,” dahil masyadong kilala ang pagiging Zerfa ko, kaya lahat ng gusto ko ay madaling kunin, basta may pera. Pera ang nagpapasunod sa mga taong mahihirap at hayok na hayok sa pera. “Clark naman! Hindi ka na dapat naglalasing! Akala ko ba ay busy ka? Kung maglalasing ka lang pala ay dapat sumama ka na lang sa amin ng anak mo!” bubuksan ko sana ang pinto ng office ni daddy sa mansyon namin, upang dalhan siya ng kape. Ngunit narinig ko nanaman silang nag-aaway ni mommy. Siguro ay akala nila na hindi ko alam na lagi silang ganito. Para sa akin ay ang hirap na marinig lagi na nagsisigawan sila, parang hindi nila mahal ang isa’t-isa. “Sinabi ko na, ‘di ba? Busy ako!” sigaw rin ni daddy. Hawak-hawak ko ang tray at nakatingin lamang sa pinto. “Sana man lang ay ipakita mo naman na may respeto ka pa rin sa akin! Para sa anak mo! Ipakita mo naman na mahal mo ako, kahit alam kong hindi totoo!” nanginig ang mga labi ko. “Ang anak ko lang ang mahal ko, pero ikaw? Hindi kita mahal, Veronica at alam mo ‘yan!” umiwas ako ng tingin at agad na tumulo ang mga luha ko. Inilapag ko ang kung saan ang tray at agad na pumasok sa kwarto. “May pera nga ako, nasa akin ang karangyaan, pero bakit hindi nabibili ang kaligayahan?” tanong ko sa aking sarili, habang naiyak sa kama. “Kaya kong paikutin ang tao at utusan ang mga tao, gamit lamang ang pera.” punas ko muli sa aking luha. Dumating ang kinabukasan nang puntahan namin ang resto na sinasabi ni Lucy sa akin at hindi nga siya nagkakamali. Totong si Kaiser nga iyon at kasama ang babaeng nerd na sinipa ko ang thesis niya. “Iyan na po ‘yon, Ma’am. Kung gusto niyo malaman ang in-order nila ay ibibigay ko po sa iny-” “Hindi na kailangan, pakisabi sa may ari nito ay mag-I-invest ako ng fifty percent sa resto na ito. Ibigay mo ang calling card ko, Lucy.” iniabot niya naman iyon sa lalaking manager ng resto na ito. “Basta siguraduhin niyo lang na hindi namakakapasok ang lalaking ito at ang pamilya niya sa resto na ito.” saka ako naglakad palayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD