CHAPTER 4

1766 Words
Chapter 4 “Isuot mo ito,” iniabot sa akin ni mommy ang kaniyang ibinili na mamahaling dress. Ngayon na ang punta namin sa Samar, upang puntahan ang kaibigan niya. “Hindi ba sasama si Daddy? Hindi ba pwedeng ipagbabukas na lang niya ang trabaho?” ngumiti lang si mommy at hinawakan ang braso ko. “Sige na, Anak.” napasinghap na lamang ako at napataray sa kung saan, habang nagbibihis. Nang makalabas ako ay agad naman akong inayusan. “Ang ganda po talaga ng anak niyo, Madame.” puri sa akin at agad na hahaplosin sana ang pisngi ko nang umilag ako. “Did you sanitize your hands?” napailag ang babae at tumingin lamang sa likod ko. Batid kong tinignan niya ang nanay ko sa likod ko na nakatingin lamang sa akin. “Hindi gusto ng anak ko ang hahawakan na lamang ang mukha niya ng kung sinu-sino. She’s kinda.. maarte,” dagdag pang sambit ni mommy. “I’m scared to have breakouts again, Mom. I don’t wanna be ugly anymore.” kinuha ko ang bottle spray ng alcohol at ibinigay sa babae. “Please, sanitize your hands. Since aayusan mo ako ay wala akong magagawa, kung hindi ang hawakan mo talaga ang maganda kong mukha. Kapag pangit at hindi ko nagustuhan ang ayos mo, I’ll skin you alive.” babala ko at tumaray. Lumunok siya at kumurap-kurap. “Don’t take it to your heart, hindi magagawa ng anak ko ‘yan. Ganyan lang ‘yan, pero mabait ‘yan. Kapag nakokonsensya ‘yan ay baka bilhan ka n’yan ng bahay.” tumayo si mommy at agad kaming iniwan. “Bakit ko bibilhan ng bahay ang hindi ko naman kilala, tsk.” bulong ko. Para akong inaantok sa ayos niya, lalo na sa bandang mata ko. Isang tawag lamang sa telepono ko ay agad kong pinahinto ang babae. “Wait, baka tumatawag ang boy friend ko.” may excite pa rin naman sa akin nang tignan ko ang telepono ko, ngunit gano’n ako na dismaya nang makita ko lamang ang pangalan ni Lucy. “Walang kwenta,” at agad pumikit muli. “Proceed,” palakpak niya. “Opo, Ma’am.” sagot nito sa akin. Walang pumapasok sa isip ko kung hindi ang mga nangyari noon, kaya nang sabihin ng nag-aayos sa akin na tapos na ay idinilat ko ang aking mga mata. Ang maayos na eyeshadow at magandang kombinasyon para sa aking mamahaling dress ay nagbagay. “What’s your name?” silip kong tingin sa kaniya. “Evalyn po,” tinignan ko siya at pinagmasdan. “Simula ngayon ay ikaw na ang laging mag-aayos sa akin,” tumayo ako at pinagpag ang aking dress. “Salamat po-” “Don’t, ayokong magpapasalamat ka sa akin. Its your job and I’m just giving you a permanent job. Marami akong events, kaya kapag sinabi ko na kailangan kita at agad ka na lang na pumunta.” ngumiti lamang siya at tumungo. “Ang sabi po ng iba ay napakasungit niyo, pero mukhang nagkamali sila,” sunod niyang ani. “Hindi ka naman po gano’n kasungit, Ma’am. Sadyang parang ayaw mo lang na ipakita-” “Aalis na ‘ko at hindi ako nagte-thank you, because again.. that’s your job.” paghawi ng buhok ko ay agad na akong lumabas. “Ma’am Darcy, ayos na rin po ang sasakyan niyo sa ibaba. May kinakausap lang po si Madame, pero nakaayos na po siya.” saka ito tumungo, habang nagsasalita. “Ibaba niyo na ang lahat ng gamit ko na dadalhin, siguraduhin niyo na walang maiiwan sa mga iyon, kung ayaw niyong kayo ang ipalipad ko,” tuloy lang ang lakad ko. Ang mataas kong takong na tila nagbibigay tunog sa mamahalin naming tiles. “Mirror!” may sumunod rin sa akin at ibinigay ang silver kong salamin, kaya nang makita ko nang malapitan ang mukha ko ay napaawang ang labi ko. “Ang ganda talaga, sigurado ako na ang mukhang ito ay nag-iisa lamang sa buong mundo, walang kahawig o ano man.” hindi nila magagawa ang napaganda kong mukha. “She’s here,” yuko ng isang babae at yumuko muli. Nang lumingon sa akin si mommy ay agad siyang napangiti. “Ang ganda talaga ng anak ko, halika na.” Nang makasakay kami sa aming private plane ay wala akong ginawa kung hindi ang magbasa lamang ng mga magazine. “Villion Tower? Sila na ang nangunguna ngayon?” iniabot ko kay mommy ang isang magazine. “Kilala mo ba ang lalaking ito, Mommy? Siya ang may ari ng Villion Tower?” ang lalaking masasabi kong gwapo, ngunit hindi ayan ang mga vibes kong lalaki. “Pierson Ivoro?” basa ni mommy. “Ang laki na talaga ng anak ni Belle, ngunit hindi siya ang may ari ng Villion Tower sa pagkakaalam ko. May sariling hawak iyang si Pierson, ang bunsong anak nila ang may ari ng Villion Tower.” kumurap-kurap ako, bunsong anak? So, pamilya sila ng mga business tycoon? “Kakaibigan ko ang may ari ng Villion Tower na iyan, panigurado akong magiginig maganda ang naiisip kong business ngayong taon. Napag-isipan ko na iyon, Mommy. Ang Z Hotel, gusto ko sanang itayo sa may bandang Leyte.” sumilay ang ngiti ng aking ina. “Tulad ng Ama mo ay kaparehas ka lamang niya na magaling mag-isip ng business,” sa sandaling iyon ay nanlambot ang aking puso. Dahil kahit paano ay nakita ko sa mga mata niya, kung gaano niya kamahal ang daddy. Saglit lamang na oras ay nakababa na rin kami sa Samar. Hindi na rin ako masyadong nahilo, dahil sanay naman kami na mag-out of the country. Minsan nga ay parang inaakala ko na lang na ang ibang bansa ay parang Pinas lang rin. “Good Afternoon, Ma’am.” pagkababa pa lang namin ay agad nang may sumalubong. “Pinadadala po kami ng Ma’am Belle, para po kami na ang personal na maghatid sa inyo sa Villion Mansion.” ani ng isang lalaki at ngumiti. “Pakidahan-dahan ang hawak pero ayos lang kung ibalibag mo, medyo may kalumaan na rin ang isang ‘yan. ‘Wag niyo lang ipakita sa aki-” hindi ko iyon natapos nang tawagin na ako ni mommy. “Darcy, behave.” kumurap-kurap pa ako, parang hindi naman ako nagbe-behave! Behave naman ako, ah! Pinagmamasdan ko lamang ang lugar, ngunit doon ako napaisip. Bakit nila gusto manatili sa ganitong lugar na kung saan ay wala namang ka-building-building.. well mayroon naman, ngunit hindi kasing ganda ng Manila. “Why do people live here?” nasa isang van kami. Hanggang sa bumungad sa amin ang malaking palayan na ikinalaki ng aking mga mata. “Oh my! Look!” tapik ko kay mommy at agad na itinuro ang palayan. “Ayan po ang pagmamay-ari ng mga Villion. Ang bunsong anak po nila ang nagma-manage ng palayan nila dito sa Samar.” bunsong anak? Kakaibigan ko talaga, kung sino man ang anak na iyon! “Siya po ba ang kaka-graduate lang ngayon?” dahil good mood ako ay may paggalang ng kamasa. “Ah, opo. Silang dalawa ng best friend niya lagi.” siguro ay babae ang bunsong anak nila. Syempre may panganay na silang lalaki at alam kong babae na ang kasunod. “What is her name?” tanong ko sa driver. “Her po, Ma’am?” “Yes,” “Ah, Tine po. Mabait na bata ang batang iyon, lagi silang magkasama ni Sir-” ngunit hindi niya iyon napagpatuloy nang biglang tumunog ang sa telepono niya. “Sasagutin ko lang po ito, Ma’am.” inihawi ko ang aking buhok. “Go on, hindi mo naman ako girl friend para magpaalam ka pa.” mahina kong sabi, ngunit palagay ko ay hindi niya na iyon napansin dahil may kausap na siya. Isang tingin ko lang kay mommy ay agad akong napaisip. Bakit parang hindi siya masaya na makarating dito? “Ayos ka lang ba, Mommy? May masakit ba sa ‘yo?” para pa itong nagulat at ngumiti. “Wala, Anak. Malalim lang ang iniisip ko,” suminghap siya at isinandal ang ulo sa salamin. “Parang teens lang? Iyong mag-e-emote na akala mo nasa music video ka?” tanong ko kay Mommy at natawa. Hindi niya na ako pinansin, kaya naman nang karating kami sa masyon ng kaibigan ni mommy ay napahanga ako. Dahil agad kong nakita ang isang magandang tanawin sa likod nito. Ang ganda ng dagat, mukhang ito lang ang nakita kong maganda sa lugar na ito. Marami na ring tao sa likod ng mansyon nila at mas lalong bumungad sa akin ang magandang tanawin ng dagat. “Bellize!” sigaw ni mommy at agad na niyakap ang isang babae na kapareha niya lamang ng tanda. Nang lingunin ako ni Tita Belle ay doon ko lang napagtanto na hindi niya kamukha ang nasa litratong nakita ko years ago. Nanlaki rin ang mga mata niyang makita ako, parang kumurap-kurap pa siya at agad ngumiti. “Belle, this is my daughter Dalliance Vercy, but you can call her Darcy.” pormal na pagpapakilala sa akin ni mommy kay Tita Belle. “Good day, Tita Belle. Thank you for inviting us,” may hawak na champagne glass si Tita Belle at ang kabilang kamay naman niya ay napahawak sa kaniyang dibdib. “Gusto ko ang anak mo, Veronica. Mukhang bagay sila ng anak ko, ngunit may gusto na iyon iba.” bulong niya at natawa. “Feel at home, Darcy.” lahad niya sa kabuuan ng mansyon niya. Wala akong makita na pwede kong kaibiganin, kaya naman nang makita ko ang mga waiter nila dito na nakasuot lamang ng white polo long sleeve at slacks ay agad akong nagpakuha ng maiinom. Ibingay naman nila iyon sa akin kaagad. Habang tinitignan ko lamang si mommy na nakikipagtawanan sa kaniyang mga kaibigan ay ako naman itong walang makausap. “Ubos na, gosh!” tumayo at agad na lumingon sa pwedeng utusan nang dumaan ang isang gwapong lalaki. Ngunit nang makita ko ang kaniyang suot ay napaisip ako. Ang gwapo naman ng mga waiter at boy nila dito. “Waiter!” hila ko sa kaniyang braso, kita ko kung paano nanlaki ang mga mata niya at agad na kumunot ang noo nang ibaba niya ang tingin sa paghahawak ko sa kaniya sa braso nito. “Waiter?” ang ingles niya ay parang isang beterano na at maganda pakinggan. “Yes, I need more drinks. Hihintayin kita dito, thank you.” saka ko kinuha ang kamay niya at ibinigay sa kaniya ang glass. Ang gwapo ng mga waiter nila dito, ah! Pero parang ang sungit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD