CHAPTER 3

1815 Words
Chapter 3 “Anak, sa makalawa na ang graduation niyong dalawa ni Lucy,” habang nagba-bake kaming dalawa ni mommy. Medyo badtrip ako ngayon, dahil hindi ko nakita si Kaiser. “Mommy, naalala mo ‘yung sinabi ko sa ‘yong boy friend ko?” naglalagay siya ng frosting sa ibabaw ng cake na ibibigay namin kay daddy ngayong araw. “Yes, why? Hiwalay na kayo?” “No! Hindi siya nagpakita ngayon, wala ring tawag sa akin.” napanguso ako, hindi ako sanay nang hindi ko siya nakikita. Si Lucy naman ay nagagalit pa rin sa akin hanggang ngayon, pero sinabayan niya ako kumain. Nasabi ko na talaga na mahaba ang pasensiya niya, dahil sinabayan niya pa rin ako. “Baka naman busy siya?” inisip ko na rin ‘yan, pero hindi ba’t kapag kayong dalawa na ay kailangan nag-a-update kayo sa isa’t-isa? Pero bakit itong lalaki na ito ay hindi? “Siguro nga, Mommy. Ayoko naman isipin na hindi niya talaga ako mahal, dahil magtataka talaga ako. Bakit niya ako liligawan, kung hindi niya talaga ako mahal, right?” Nahinto nanaman si mommy sa paglalagay ng frosting. “Hindi ko lang ma-gets ang gano’n. Papakasalan mo ba ang taong hindi mo naman gusto? Parang gano’n ang gusto kong I-point out-” “Dalliance, pakikuha naman ang chocolate.” hindi ko napagpatuloy ang sasabihin ko nang utusan ako ni mommy. Tinignan ko siya nang parang may dala-dala siyang problema. “Mommy? Ayos lang ba kayo? Masama ba ang pakiramdam mo?” umiling lamang siya at ngumiti. “Ano ka ba, ayos lang naman ako.” alam kong hindi, dahil kitang-kita ko naman sa mga mata niya. “Oo nga pala, ‘wag mong kakalimutan na pupunta tayo ng Samar next week, after ng graduation mo.” “Nasabi mo na po iyan sa akin, Mommy. Tanong ko lang, sino ba ang pupuntahan natin doon?” ang frosting na dumapo sa kamay niya ay tinikman nito. “Its your Tita Belle, my old friend.” napaisip naman ako sa sinabi niya. Tita Belle? “Mommy, parang may nakita ako noon na picture. Iyon ba si Tita Belle?” tumaas ang kilay niya. Ang mataray niyang postura ay tumitig sa akin. “Picture? Where?” inisip ko kung saan ko ba iyon nakita. “I can’t remember na, pero parang nakita ko ang name doon. It’s Belle rin ata or something like Belinda?” natapon sa kamay niya ang hawak nitong plastic, kaya’t nagkaroon ng kalat sa lapag. “Yaya! Pakilinis!” agad kong pagmamadaling tawag sa yaya namin at mabilis na hinawakan si mommy. “Mom? Ayos lang kayo? Yaya!” sapo-sapo niya ang noo nito. “Ma’am, ano po ang nangyari?” medyo natatarantang tanong ng yaya namin. “Bulag ka ba? Hindi mo pa ba nakikita? Call Manong Tupe!” mas nataranta pa siya at tila hindi na alam ang gagawin. “Go!” sunod ko pang sabi na ikinamadali niya na. “Mommy, ‘wag kang mag-alala, pupunta na tayo ng ospital,” kabadong-kabado ako sa nangyayari sa kaniya. Syempre, siya ang ina ko. Ayokong nahihirapan siya ng ganito. “I’m okay, Anak. Nahilo lang ako saglit-” “Ma’am, ready na po ang sasakyan!” si yaya na animo’y pawis na pawis pang bumalik. “Okay na ako, Manang. Medyo nahilo lang ako, pero mabuti at naihanda mo na ang sasakyan, pupunta tayo sa Z sharp.” ngumiti si mommy, ngunit hindi ko makitaan ng pagka-seryoso ang mga iyon. May hindi pa ba ako nalalaman sa relasyon nila ni daddy? “Healthy pa naman ang relationship niyo ni Daddy, right?” habang nasa sasakyan kami. “Of course, honey,” isang haplos sa kamay ko ay kumalma ang isip ko. Alam ko naman kasing hindi, pero natatakot ako na malaman talaga. “Hindi naman kayo maghihiwalay, hindi ba? Ayoko ng broken family, Mom. Ayokong maghiwalay kayo ni Daddy.” kinagat ko ang labi kong tignan si mommy na umiiling. “Hindi ‘yan mangyayari, mahal na mahal ko kayo ni Daddy mo.” Nakarating kami sa Z sharp nang maganda ang entrance. Syempre, Zerfa kaya ‘to! “Good afternoon, Ma’am.” yumuko sa amin ng mga tauhan. “Where’s Dad? May meeting ba siya with client?” hindi ako friendly sa mga tauhan, pero dahil siya ang secretary ni daddy ay kailangan ko maging formal. Ito ang una sa aking sinabi ni daddy na huwag kong ilalabas ang ugali ko sa Z sharp, dahil marami ang mga nakatitig sa amin at naghahanap lamang ng kamalian, para bumagsak. “Wala po, Ma’am. May pinipirmahan lamang sa taas, samahan ko po kayo.” yumuko siya muli at agad kaming idinala sa taas. Marami rin kaming body guards na nasa paligid, dahil isa si Daddy sa kilalang tao ay marami rin ang gusto kaming patayin. Sanay na ako doon, nagalit na siya sa akin noon, dahil ayoko nang may nasunod sa akin. “Pasok na po kayo,” ani ng kaniyang secretary sa amin. “Malamang, ano ba ang gusto mong gawin namin dito? Maghintay? Pumasok kami para lumabas?” “Dalliance,” mahinahong tawag sa akin ni mommy, kaya’t ngumiti na lamang ako nang may halong inis. “Sorry, please..” inilahad ko ang aking kamay nang sinasabi sa kaniya na mag-proceed na siya. “Daddy!” maganda kong bungad nang makapasok kami sa loob. Kita ko ang gulat sa mga mata ni daddy nang lumapit ako sa kaniya at yumakap. “I love you, Daddy!” mahigpit kong yakap. “Dad, nag-bake kami ni Mommy.” lumapit sa amin si mommy nang may dalang cake at tiningala ko naman si daddy, upang tignan ang kaniyang reaksyon. Ngunit wala akong nakita na kahit anong gulat o sparks man lang. Tinapunan ko ng tingin si mommy na ngumiti lamang ng tipid. “Maiiwan ko na po kayo,” hindi namin pinansin ang sinabi ng secretary ni daddy nang magpaalam na ito. “Clark, nag-bake kami ni Dalliance, sana magustuhan mo,” nahihiyang ilapag ni mommy ang cake sa mesa ni daddy. “Magugustuhan ‘yan ni Daddy, Mommy! Maniwala ka sa ‘kin, ‘di ba? Dad?” napatalon pa ako, habang nakayakap pa rin sa gilid niya. “Oo naman, basta bake.. bake ng mag-ina ko..” ako lang ba ang nakakaramdam na hindi niya talaga meant sabihin ang bake ng mag-ina niya? “See?” gusto kong pagaanin ang loob ni mommy. “Kain na tayo!” napapagitnaan nila ako nang ibigay sa akin ni mommy ang platito. “Malapit na ang graduation mo, Darcy.” papuri sa akin ni daddy nang hawakan niya ang buhok ko. “Ano ang wish mo? May gusto ka ba?” sunod niya pang tanong. “Meron!” dali-dali kong sagot. “What is it, Anak?” tanong ni mommy. “Hindi naman nabibili ng pera ‘yon, pero ang wish ko ay sana hindi na kayo nag-aaway ni Daddy. Magkaroon tayo ng family dinner at bonding,” sana naman ay ibigay nila iyon sa akin. “Pwede ba iyong wish ko?” tinitigan ko si daddy. Isang singhap niya lamang ay agad siyang ngumiti. “Mahal na mahal kita, Anak. Gagawin ko kung ano ang magpapasaya sa ‘yo.” isang halik niya sa noo ko ay yumakap rin sa akin sa gilid si mommy. “Mahal na mahal ko rin kayong dalawa ni Daddy mo.” ani ni mommy. Dumating ang araw ng graduation namin ng inaantay ko na lamang ang pangalan ko para tawagin. “Asan nanaman ba si Kaiser, parang lagi na siyang nawawala?” kinalabit ko si Lucy na pumapalakpak lamang sa tuwing may tinatawag. “Sabi ko naman sa ‘yo, hindi ka no’n mahal.” tinarayan ko na lamang siya at hinanap ko sa aking paningin si Kaiser. “Kakainis, sasampalin ko talaga siya ng Chanel bag ko, kapag hindi siya nagpakita sa akin ngayon.” sabay flip ng aking hair. “Dalliance Vercy Zerfa,” tawag sa akin ng matanda sa stage. Kaya’t agad naman akong ngumiti at naglakad patungo sa stage. Katabi ko si mommy at daddy nang kuhaan nila kami ng litrato. Nang matapos ang graduation namin ay pinuntahan ko si Kaiser ay ine-expect kong ipapakilala niya na ako sa magulang niya. Ngunit gulat na lamang ako nang hilain niya ako palayo sa pamilya niya. “Dars,” mahina niyang tawag sa akin at parang kabado. “Hey! Parents mo? Hindi mo ba ako ipapakilala?” diretso kong tanong sa kaniya. “Hindi pa nila alam na may girl friend ako na kasing ganda mo, baka magulat sila.” “That’s good, ipakita na natin sa kanila na mayroon ka talaga girl friend na maganda.” at tila agad akong naglakad para makausap ang pamilya nang hilain niya muli ako. “No, it’s not like that, Dars. Give me some time, ipapakilala rin kita.” doon na ako nagtaka. “Nahihiya ka ‘bang ipakilala ako?” “Hindi sa gano’n, Dars. Kapag nalaman nila na ang girl friend ko ay anak ng Zerfa ay.. basta hindi mo naiintindihan.” ginulo niya ang buhok niya’t tumingin sa akin. “Titigan mo nga ako,” nawala na ako agad sa mood. Pinaharap ko siya sa akin na agad niya namang ginawa. “Sabihin mo nga sa akin na mahal mo ako at tumingin ka sa mga mata ko,” sunod ko pang utos. “Mahal kita, Darcy.” tila kinurot ang puso ko. Napaiwas agad ako ng tingi sa kaniya. Hindi dahil sa kinilig ako sa sinabi niya, kung hindi dahil sa nakita ko sa mga mata niya ang katulad ng mga mata ni daddy sa tuwing sinasabi niyang mahal niya si mommy sa harapan ko. “I need to go, Darcy.” kumaway siya sa akin at agad na lumapit sa magulang niya. Naiwan na lamang akong nakikitig sa kanila, habang nagtatawanan. “I told you, he’s not serious.” ang naamoy kong pabango ay nalaman ko na kung sino ang nasa tabi ko. “May mga tao pa lang kayang sabihin na mahal nila ang isang tao, kahit hindi naman nila meant sabihin.” hinaplos niya ang balikat ko. “Kasi may mga taong kailangan nila magpanggap, para hindi nila masaktan ang isang tao.” tumaray ako sa kalangitan. “Walang kwenta ang sinabi mo, Lucy.” saka ako tumalikod at pinuntahan na lamang ang pamilya kong kausap ang principal namin. “Napakabait po ng anak niyo sa paaralang ito,” iyon ang aking narinig sa principal. Ngumiti ako sa kaniya na ikinalaki ng mga mata nito. “Opo naman po, Principal. Mabait naman talaga ako, kaya nga hindi ko sinabi sa asawa mo na may hinipuan kang grade seven, ‘di ba? Ops!” natakpan ko ang aking bibig nang makita ko ang asawa niya sa gilid na nanlalaki ang mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD