CHAPTER 2

1821 Words
Chapter 2 “Mommy!” masaya kong bati nang makababa ako. Ngayon ay umaga na at magsisimula nanaman akong pumasok. Excited na rin akong makita ang aking hot boyfie! “Ang ganda naman ng anak ko,” pinisil niya ang aking pisngi, saka ako hinalikan sa noo. “Where’s Daddy? Hindi pa siya nagising?” nawala ang ngiti sa kaniyang mga labi at tila nang ma-realize niya na kasama niya ako ay agad rin siyang ngumiti. “Sabi niya ay magbe-breakfast na lang siya sa Z Sharp.” hindi pa rin ba sila maayos ni daddy? Nitong nakaraang araw ay parang hindi na sila nagkikibuan dalawa. Pero noon naman na bata ako ay akala nila, hindi ko alam na naririnig ko silang nag-aaway at nagsisigawan. Ngunit sa tuwing makikita nila ako ay para silang magkabati. “Mommy, gusto mo gawan natin si Daddy ng cake? Magugustuhan niya ‘yon!” gusto ko lang na magkaayos silang dalawa. Isang magandang ngiti ang ibinigay ni mommy sa akin at tumungo. “Mukhang gusto ko ‘yan, satingin mo ba ay matutuwa ang Daddy mo? Favorite pa naman niya ang ube,” parehas kaming tumawa. “Of course naman, Mommy! Kapag ang mahal mo ang gumawa ng isang bagay, masarap iyon.” kitang-kita ko kung paano napawi ang ngiti niya. Minsan na rin akong kinukutuban noon, na baka hindi na gusto ni daddy si mommy. Pero hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa. “Pag-uwi ko ay magbe-bake tayo agad, sisiguraduhin ko na magugustuhan ‘yan ni Daddy, Mommy.” sabay kaming kumain ng breakfast. Syempre mahal na mahal ko ang aking plato namamahalin, but ano naman ngayon? Ang importante ay makahanap ako ng paraan para magkaayos silang dalawa. “Mag-iingat ako, Mommy. ‘Wag na you mag-alala.” halik ko sa kaniyang pisngi at sumakay na sa aking sasakyan. “Dalaga ka na talaga, Dalliance.” “May nakalimutan kang isama, Mommy. I’m freaking gorgeous!” sabay flip ng aking hair patalikod. Kinulot ko iyon sa dulo at may makikita kang hair pin na Chanel sa gilid ko at ang aking mamahaling shades. “Bye, Mom! See you later,” paalam ko sabay kindat. I was planning to go in London, ngayong summer. Ayokong mangitim ‘no! Doon tayo sa summer ang weather, pero hindi nakakaitim ang sinag ng araw. “Gosh, hindi ko nakakayanin ang traffic here! Pag ako nainis, bibilhin ko ‘tong kalsada na ‘to,” singhal ko. Kinuha ko ang aking cell phone at mabilis na tinawagan si Lucy. “B-tch!” agad kong bulaslas. “Where are you, Motherf-cker?” nanlaki ang mga mata ko sa kaniyang sagot na tanong sa akin. “Excuse you, bug face? What did you jus-” “C’mon, Dars! Bilisan mo na at magsisimula na ang klase! Lagi ka na lang late, my gosh!” panggagaya niya pa sa aking boses sa aking favorite line na my gosh. “My gosh talaga! Super traffic here at naiirita na ako, kung alam ko lang ay sana nagpa-helicopter na lang ako papunta d’yan.” hindi na siya nagsalita sa akin sagot. “Where’s Kaiser?” hinawi ko ang aking gorgeous bangs sa gilid. “He’s not here, baka hinihintay ka rin labas o hindi naman kaya ay ginagamit ka lang niya-” “Shut the crap, hindi ‘yan ang gusto kong marinig. ‘Wag mo akong simulan, Lucy at hindi maganda ang morning ko,” hindi rin naman ako nagtagal nang makababa ako sa university. Pag-parking ko pa lang ay marami na ang nakatingin sa akin, siguro ay alam na nila na narito na ako. Paghakbang ko pa lamang sa lupa ay tumaas na agad ang aking kilay. “The sun is killing me.” pinagpag ko ang aking uniform na kakaiba sa kanila. Mas maikli ang akin at mas fit. Kahit alam kong hindi ito pwede, pero wala silang pakialam sa kung ano ang gusto kong suotin. This is my school, my rules. “Hey!” turo ko sa isang babae na naglalakad at may payong. “Miss. Darcy!” nanlalaki pa ang mga mata niya. “Close tayo?” taray kong tanong, dahil sino siya para tawagin ako sa maganda kong nickname? “Sorry, Ma’am.” yumuko siya at agad na kinagat ang labi. “Better,” tumingin ako sa maganda naming school. “Umbrella, please.” palakpak ko at naglakad. Siya naman itong sumunod sa akin at naramdaman ko ang siko niya na tumama sa gilid ko, animo’y parang nakikipayong rin sa hawak niyang payong sa akin. Huminto ako, hindi ko siya nilingon. “Sorry, Ma’am!” “Gosh..” arte ko ng muli at naglakad. Well, I’m Dalliance Vercy Zerfa, but you can call me Darcy pero kung close lang kita at syempre kung mayaman ka at kung may Gucci, Chanel at LV ka. Pero kung wala? ‘Wag ka nang magpakita sa ‘kin. I’m sexy, gorgeous, fabulous, goddess and goddamn beautiful. One and only princess of Zerfa. Nag-iisang anak ng angat sa industriya ng business sa bansa. “Fake,” turo ko sa isang babae na may hawak na bag. “That’s odd, where did you get those? In garbage?” turo ko sa isang bag ng nakasalubong ko ring babae. “Gosh, you’re buying weird stuffs.” taray ko pa sa isang babaeng naka headphones na may unicorn. “I hate your eyeshadow,” hawi ko pa ng buhok ko nang makita ko ang isa pang babae at napayuko na lang ito. Ngunit sa kamalasmalas ng universe ay may taong nakabangga sa akin. Isang typical na nerd, nalaglag pa ang mga libro niya sa aking paahan, kaya’t naramdaman ko ang sakit, dahil nasalo ng paa ko ang mga libro niya. Naka pumps kaya ako! Tila nagbalik ang aking ala-ala, nakikita ko ang isang babae sa kaniya. Ang isang babae na matagal ko nang kinalimutan at iniwan. “’Wag mo akong hintayin na sampalin kita ng LV ko,” medyo may kalakasan pa ang aking boses. Agad siyang tinulungan ni Lucy sa gilid. “Dars, relax!” pagpapakalma niya sa akin. Kukunin na sana ng nerd ang kaniyang libro sa aking paahan ng sipain ko iyon at mapunta sa sapa sa. “Ang thesis ko!” malakas niyang sigaw at humarap sa akin. “Bakit mo naman sinipa! Ang thesis ko!” bigla siyang umiyak, ngunit tinignan ko lamang siya. Kumuyom ang aking kamao nang may maalala akong pangyayari na dapat ay hindi ko na naalala pa. “Dars!” sigaw nanaman ni Lucy sa akin. Kaya nang mapakurap-kurap ako ay lumunok na lang ako. “Proceed,” utos ko sa babaeng may hawak ng payong sa aking likod. Kaya nang makarating ako sa building ay agad ko siyang hinarap. “Here, bumili ka ng mamahaling payong.” inabutan ko siya ng sampung libo. Nanlaki pa ang mga mata niya sa akin. “I’d have money, Ma’am. Hindi niyo na po ako kailangan bigyan-” “Then why did you just bought this-” hindi ko iyon tinuloy at nagkunyaring nasusuka. “That,” turo ko pa sa dala niyang payong. “Oh, this one? Bigay ito ng lola ko bago siya mawala,” hindi na ako nagsalita pa. “Do me a favor, Kid.” kuminang pa ang mga mata niya. “Iyong nerd na babae kanina, alamin mo kung sino ang teacher niya na pagpapasahan niya ng thesis. Puntahan mo ako mamaya sa classroom ko,” saka ako tumalikod. “Copy, Ma’am.” hindi ko na siya nilingon pa. Wala nang masyadong tao sa hallway, ngunit kung mayroon man ay lahat sila ay umuurong pa tagalid, dahil dadaan ako. “Paki-handle please, sakit na ng braso ko.” bigay ko sa isang babae. “Pero po.. male-late na ako-” “Don’t make me mad, okay? Ganito na lang, pumasok ka na lang muna sa classroom niyo at ihatid mo ‘yan sa akin sa taas. Okay? Saka kung may balak kang nakawin at kalkalin ang bag ko, go on. Just make sure na ‘wag mo lang gagamitin ang lipstick ko, kung ayaw mong itusok ko sa ‘yo ang Chanel kong hair pin.” para naman siyang nanginig sa takot at tumungo. “Opo! Susunod na po ako sa inyo.” mabuti at walang teacher na nagtanong sa akin kung bakit late ako. Ayoko lang talaga na sinasagot ko ang tanong na iyon, like ano naman? “Asan na ba si Lucy? Ang babaeng ‘yon talaga.” inilapag ng babae ang bag ko sa gilid at nang makaalis siya ay ini-spray-an ko ang aking bag ng alcohol. “Baka mamaya ay may dalang ugly virus ang babaeng ‘yon.” saglit lamang nang makapasok na si Lucy nang galit na galit ang mga mata niya. Umupo siya sa tabi ko nang agad niyang ipinikit ang mga mata nito. “Why did you do that? Alam mo ‘bang finals nila iyon? Hindi sila makaka-graduate, kung hindi nila ipapasa iyon!” galit na galit niyang singhal. “Calm down, kakausapin ko ang teacher nila.” “That’s not my point, Dars. Hindi maganda na ipapakita mo ‘yung ugali mo na hindi ka naman talaga ganyan! Itigil mo ang pagiging maldita at spoiled, kahit hindi ka naman talaga ganyan!” sigaw niya mula sa classroom namin. Marami ang nakarinig at napatingin sa amin. “Seat, Lucy.” “I’m not a dog!” “I said, Sit!” ako na ang sumigaw na ikinalaki ng mga mata niya. “Don’t make me start, Lucy. ‘Wag mong sagarin ang natitira kong pasensiya sa araw na ‘to, dahil kilala mo ‘ko magalit.” pinikit niya ang mga mata niya at tila sinunod na lamang ako. “Why so evil? Ibalik mo ang Darcy na nakilala ko years ago,” tumulo ang luha niya at mabilis niya iyong pinunasan. “’Wag mong hanapin ang taong namatay na, Lucy. Hinding-hindi na babalik ang Darcy na nakilala mo noon.” mariin kong sambit. “Hindi ako nawawalan ng pag-asa, Dars.” “Where the hell is Kaiser? Hindi pa rin siya narating?” pag-iiba ko nang usapan. “I told you, he’s not serious at you,” ani ni Lucy na ikinatikom ko lang ng bibig. Dahil kaibigan ko siya ay hindi ko na siya papatulan pa. Mataas ang respeto ko sa kaniya, dahil hindi niya ako iniwan sa panahong sakit na sakit ako. “One day ay makakahanap ka rin ng taong magpapabago sa ‘yo. I mean, iyong babaguhin mo ang sarili mo para sa lalaking iyon.” “Hahanap ako ng lalaki na kaya akong tanggapin, Lucy at nahanap ko na siya at ang pangalan niya ay Kaiser.” ngumisi siya sa akin. “No, Dars. Years from now, mahihirapan ka dahil sa ugali na ‘yan at hindi ka magugustuhan ng taong gusto mo, dahil masama ang ugali mo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD