CHAPTER 1

1522 Words
Chapter 1   Dalliance Vercy   “Tabi!” tulak ko sa isang babae, paharang-harang pa kasi! “Darcy, calm down! Baka mamaya ay ma-issue ka nanaman.” tinignan ko si Lucy at agad na tinarayan. “Kung ikaw kaya ang itulak ko, Lucy?” bakit ba lagi na lang siyang tumututol sa gusto kong gawin.   Wala ako sa mood na pumasok ng room, ngunit nakatayo na ang teacher namin sa unahan nang tinaas ko ang aking kilay sa kaniya.   “You’re late, Ms. Zerfa!” ngumiwi lamang ako sa kaniya, “Then? I owned this school, Zerfa University.” ibinigay ko kay Lucy ang aking bag, “Go!” agad niya iyong kinuha at mabilis na umupo sa upuan namin mula sa unahan.   Hindi na ako pinansin ng guro namin.   “Dars, bakit ang gaan ng bag mo ngayon?” straight body akong nakaupo sa aking special chair. Ako lang ang may pink chair at gold armrest sa classroom. “I don’t know, just my wallet and my phone?”   “Oh! And my mirror,” habol ko pa sa kaniya at tumaray. “Girly,” sambit niya, sanay naman na ako sa kaniya. “Satingin mo? Pangit na ba ang itsura ko?”   “Wala nga akong makita na kahit katiting na pores, tapos itatanong mo sa akin kung pangit ka na?”   “Oh gee! Yah! Why would I ask you, kung pangit na ba ako, right? E, ikaw lang naman ang pangit dito.” saka ako nag-peace sa kaniya, “Minsan, hindi na maganda ang ugali mo, Dars. Stop being so mean, c’mon!”   “Yeah, whatever! But..” itinuro ko ang tungkil ng kaniyang ilong. “Hindi rin maganda ang mukha mo,” isang singhap na lamang ang aking nakita sa kaniya, sunod no’n ay wala na.   “Mr. Kaiser! Late ka nanaman!” naningkit ang mga mata ko sa pagkakangiti. He’s Kaiser Joson, my boy friend.   “Hey!” itinaas ko ang aking kamay at agad na ngumiti, “Hey,” bati niya rin sa akin at agad umupo sa kanan ko, “’Wag mo na lang pansinin ang matabang babae na ‘yan,” turo ko sa teacher ko sa harapan.   “Takot lahat ang mga teacher sa girl friend ko.” hinawakan niya ang kamay ko, “Don’t worry, I sanitize my hands.”   “Great! I was going to freak out, kung nalaman kong hindi ka nag-sanitize.” ngumiti na lamang siya sa akin at agad inihiga ang ulo sa armchair. “Alam mo, ginagamit ka lang n’yan ni Joson,”   Napataray naman ako nang makialam nanaman itong si Lucy sa tabi ko, habang nakain sa cafeteria.   “Lucy, pinaglihi ka ba sa ampalaya? Kasi mas bitter ka pa sa kaniya.” sa lahat ng babae ay siya lang ang kayang manaray sa akin. Ginagawa niya ang mga gusto ko, ngunit kinokonsensiya niya naman ako.   Minsan pa nga ay tumututol siya sa mga gusto kong gawin. Lalo na nu’ng sinagot ko si Kaiser.   “Makinig ka lang talaga, Dars.”   “Lucy, can you please stop? Naiinis na ako sa ‘yo,” hindi ko rin siya magawang hindi kaibiganin, dahil siya lang ang naging kaibigan ko simula nu’ng kinder. Siya ang babaeng sinaksak ako ng lapis nang ihampas ko sa kaniya ang barbie kong lunch box.   “Kung ako kasi sa ‘yo ay baguhin mo ang ugali mo, Dars. ‘Wag masyadong mataas ang lipad at masakit ang salpak kung sakaling maputulan ka ng pakpak.” tumaas ang kaniyang dalawang kilay sa akin. “We’re never gonna be broke,”   “Bahala ka,” see? Ayan ang sinasabi ko. Magaling siyang mangunsensiya, “Lucy, ako na ito. This is me at hindi bagay sa akin ang maging mabait.”   “Naging ganiyan ka lang naman nu’ng na-bully ka, Dars! Hindi ikaw ‘yan!” mas lalong kumunot ang noo ko, “Ang mahirap kasi sa ‘yo ay hindi ka marunong magpatawad,” dagdag niya pa.   “Okay, lilinisin ko lang ang pangalan ko. Sasabihin ko sa ‘yo ang lahat. Naging mapagkumbaba akong tao, mabait at magalang. Pero, kung sino pa ‘yung mga taong wala namang ambag sa lipunan at mga walang pera ay sila pa ang mga taong malakas mang-bully.”   “Kaya ka naging ganiyan?” turo niya sa akin, “Uhm, pag-iisipan ko. Baka pinanganak na talaga akong ganito.” isinantabi ko ang aking buhok sa gilid, kaya nang may mga dumaan na scholar ay agad ko silang pinagtataray.   “Cheap and losers,” nakita ko kung paano yumuko ang babae at agad na naglakad papalayo. “What?” nang tignan ko si Lucy na nakatingin sa akin, habang nailing.   “Hindi ako naniniwala na mahal ka ni Joson. Alam mo kung bakit? Kasi walang magmamahal sa ganiyang ugali mo.” natahimik ako saglit. Mahal ko si Kaiser, siya lang kasi ang lalaking nakakaintindi sa akin at ginagawa ang mga gusto ko.   “Sige na, Lucy. Makakahanap ka rin ng iyo,”   “Hindi ko kailangan ng boy friend, sa ‘yo pa nga lang ay nahihirapan na ako.” at sa akin niya pa talaga sinisi! “Hahanapan na lang kita, soon.” kindat ko sa kaniya, “Ano ang balak mo? Malapit na ang graduation natin.” nagkibit balikat na lamang ako, “Basta ang alam ko ay aalis kami ni Daddy at Mommy, pupunta raw kami ng Samar.”   “Oh? Bakit? Ano gagawin n’yo doon?”   “Kaibigan daw ni Mommy, ‘yung anak no’n ay ga-graduate na rin.” sa pagpapakilala pa lang sa akin ni mommy ay halatang mayaman na talaga iyon. “Hindi naman nakikipagkaibigan si Mommy sa hindi niya kapwa mayaman.”   “Parang ikaw, feeling ko ay namana mo.”   “Hey!” turo ko nanaman sa kaniya, “Alam mo kasi, ganito lang ‘yan. Ang mga mamayan na katulad ko ay dapat ang mga kaibigan lang rin nila ay kapwa nila mayaman,”   “Gumagawa ka nanaman ng bagong theory? Wala sa estado ng buhay nila, kung kakaibiganin mo sila o hindi.” tumututol nanaman siya sa akin! “Alam mo, ikaw? Hays.. sabagay, hindi mo pa mararamdaman ‘yan.”   “Ako pa lang ata ang super rich mong friend,”   “Dalliance, hindi kita kinaibigan, dahil sa mayaman ka o ano. Aminado akong mas mayaman ka sa akin, pero kahit mahirap ka at wala kang pera ay kakaibiganin kita. Alam mo kung bakit?”   “What?” bored kong sagot, “Dahil alam kong mabait ka, naalala mo nu’ng tinulungan mo ‘ko-”   “Hays, boring! Alam mo, dapat ang kinuha mo ay something like history. Kasi mahilig kang magbalik-tanaw.” ibinalik ko ang tingin ko kay Kaiser na ngayon ay nakikipagtawanan sa mga kaibigan pa nitong lalaki.   Nang makauwi ako sa mansyon ay agad akong sinalubong ni mommy. Masaya akong lumapit sa kaniya at agad siyang niyakap. Siya lang naman kasi ang laging narito sa bahay, siya lang rin ang lagi kong kasama.   Si daddy kasi ay laging nasa office at iniintindi ko naman iyon.   “Kumusta ang school?” iniayos niya ang buhok ko, “Lets say.. great.” mas lalong lumawak ang ngiti ko nang yakapin niya ako. “Ang laki na ng anak ko,” nanlambot muli ang puso ko.   “May pasalubong nga pala ako sa ‘yo, suotin mo ‘to sa graduation mo!” nanlaki ang mga mata ko nang makita ko sa sala ang maraming paper bags at iba’t-ibang luxury brands!   “Mommy! Oh my gee!” pinapaypayan ko pa ang sarili ko, gamit ang sarili kong kamay. “You like it?”   “I-I swear! I do!” isang mahigpit na yakap ang ibinigay ko sa kaniya. “Thank you so much, Mommy! Sobra po akong natutuwa!”   “Mukhang nga at tuwang-tuwa ka, Anak. Gusto mo ‘bang mag-dinner tayo with Daddy?” umawang ang labi ko sa excite! “Yes, please! Na-miss ko ang ang magkasama tayo sa isang hapagkainan, Mommy!”   Hindi ko alam, kung bakit parang ang cold ni daddy kay mommy. Hindi ito ngayon lang, pero matagal na.   “Ayos na ba kayo ni Daddy, Mommy? Hindi kasi kayo nagpapansinan dalawa.” hawak-hawak niya ang kamay ko nang utusan niya ang ilang sa mga yaya namin na dalhin ang mga paper bag sa kwarto ko.   “Ayos lang naman, ‘wag kang mag-isip ng masama sa Daddy mo. Sadyang busy lang siya sa work, alam mo naman na ang gusto niya ay mas lumago pa ang ilang mga business natin.” tumungo na lamang ako at ngumiti, iniintindi ko naman po iyon.   “Pero, minsan.. Mommy..” hindi ko alam kung paano ko ba ito sasabihin sa kaniya, “Minsan kasi, nagtatampo na ako. Mas marami pa ang oras niya sa work, kaysa sa atin.”   Aminado naman akong masama ang ugali ko, pero tao lang rin ako. Nasasaktan..        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD