KENNETH POV Ang dami kong mga kinakausap ngayon dito sa labas at halos lahat ng mga business partners ni Dad at mga staff niya, they are all looking forward to working with me at sobrang masaya ako. Ang mga kapatid ko nga, sa gilid ng mga mata ko ay napapansin ko nang ang sama ng mga mukha nila. And I am sure na pinag uusapan na nila ako sa mga sandaling ito or maybe pinagpaplanuhan na nila kung paano ako mapapabagsak. Perhaps, kaylangan ko na tanggapin na kahit kaylan ay hindi na kami magkakaayos magkakapatid. Hangga't nandito ako ay iisipin nila na inaagaw ko ang lahat ng mga mana na dapat ay para sa kanila ngunit ang totoo, ang tanging hanggad ko lamang ay magkaroon ng shares sa mana ko and not to steal what they wanted. Sadyang napaboran lang din ako ng tadhana at nadala ng swerte

